Charm 41 ❀ Unexpected

63.3K 1.1K 135
                                    

***

"Sino ba talaga ako?" Nasambit ko na lang sa sarili ko. Maging ako kasi naguguluhan na sa pagkatao ko.

Bakit naka'y mama ang key of hearts? Bakit niya ibinigay sa akin iyon? Bakit noong nasa mortal world ako, ni wala man lang nagparamdam na dark sorcerer saakin? Ang sabi kasi sa akin noon ni Bella may scent daw ang mga charmers na naamoy ng dark sorcerers kaya nagtataka ako noon, ang tagal ko sa mortal world, pero walang nangyari sa akin.

Sino ba talaga ang tunay na magulang ko? Sina mama Arisa at Papa Seb, may alam ba sila noon pa tungkol sa charm world? Kung ganoon bakit hindi nila sinabi sa akin?

Argh! Ang daming tanong sa kaisipan ko, hindi ko alam kung may kasagutan pa ang lahat ng iyon.

"Ryleen..."  Napalingon ako sa tumawag saakin, si Louie. Nasa garden kasi ako ng bahay ni Kyle. Nag-iisip isip.

"Bakit?"

"Ano iniisip mo? Seryosong seryoso ka dyan?" Malumanay na tanong niya. Napa-iling na lamang ako tsaka sumagot.

"Wala." Mahinanong wika ko habang nakatingin sa kawalan. Naramdaman ko naman na umupo siya sa tabi ko. Para din akong nakuryente bigla noong maramdaman ko ang kamay niya na hawakan ang kamay ko. Agad akong napatingin sa kaniya dahil doon.

"Alam ko mayroon. Kilala na kita, ekspresyon pa lamang sa muka mong maamo nahahalata ko na. Puwede mong sabihin sa akin, pampagaan ng loob. Handa akong makinig." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, ang seryoso at ang sincere kasi ng boses niya. Siguro nga, sa tagal naming magkasama kilalang kilala na niya ako.

"Hmm..." Mahinang tinig ang lumabas sa bibig ko. Nag-aalinlangan kasi akong sabihin sa kaniya, dahil ayoko namang madamay pa siya sa kaguluhan ng isip ko. Siguro kapag may kasiguraduhan na saka ako maglalabas ng mga iniisip sa kaniya.

"Alright. Just always remember that I'm here." Malumanay na banggit niya sa akin. Naging magaan ang pakiramdam ko kahit papaano dahil doon. Ngunit, agad ko din siyang tinaasan ng kilay.

"Bakit?" Inosenteng tanong niya, marahil ay nagtaka siya kung bakit parang nasa kaniya na ang buong atensyon ko.

"Bawat araw talaga na lumilipas, bumabait ka ng bumabait. Nawawala na iyong mayabang, masungit at sira ulong nakilala ko. Ikaw pa ba iyan?" Seryosong tanong ko sa kaniya habang naniningkit ang mga mata.

Mahina naman siyang tumawa dahil doon. "I'm always like this. Let's say, I'm like a fire." Pagsasabi niya. Kaya naman naging curious ako.

"Apoy? Apoy ka nga. Charm mo pa lang." Natatawang biro ko, pero ginulo lamang niya ang buhok ko. Saka ngumiti... Iyong ngiting iyon nakakatunaw ng puso. Ang gwapo talaga ng dating. Kaya siya tinaguriang hot fire charmer e. Tsk.

"No. Bakit apoy? Kasi kaya kong bigyan ng warmth ang mga taong pinahahalagahan ko, minamahal ko at ang mga deserving dito. Samantalang, kaya kong sunugin ng walang pag-aalinlangan ang mga hindi karapat-dapat." Napaka-seryoso ngunit parang musika sa pandinig ko ang pagkakasabi niya noon. Panandalian akong natahimik, dahil napaka-lalim ng ibig sabihin noon sa akin.

"So, isa ako sa nakakatanggap ng warmth na iyon?" Nakangiting tanong ko.

"Tinatanong pa ba iyan?" Nakangising sagot niya tsaka ako inakbayan. Hindi ko maiwasan hindi kiligin sa simpleng galaw at mga salita niyang iyon. Alam ko kasi na si Louie ang klase ng lalaki na kapag seryoso ang usapan seryoso din ang kasagutan. Kahit, minsan ako ang lagi niyang pinipilosopo.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now