Chapter 17

17.6K 374 1
                                    

Chapter 17: Love

"Mommy, sama ako."

"Baby, bawal ang bata do'n. Tsaka, sandali lang naman si mommy." Sabi ko.

Maluha luha nanaman si Jade habang hila hila ang shirt na suot ko. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa pisngi.

"Uuwi agad si mommy, promise." Ngumiti ako.

Tumango naman siya at binitawan ako. I leaned down para maabot niya ang pisngi ko at hinalikan.

"Bye, mommy." Kumaway siya at hinawakan ang laylayan ng damit ni Tina.

Tumango ako at lumapit kay mama. I kissed her cheeks.

"Saan ba punta niyo?" Tanong niya.

"Sa bank bar daw. Sa BGC." Sagot ko. "Pumayag na ako kasi malapit lang naman, tsaka, kasama ang mga kaibigan namin no'ng college."

Tumango siya, "Mag-iingat ka. Tumawag ka agad kapag may problema."

I nodded. Pumasok ako sa loob ng sasakyan ko at pinaandar na para maka-alis. Tulad ng sabi ko, malapit lang ang village namin sa BGC. Medyo traffic pa rin pero makakarating naman ako sa napag-usapang oras. Jenna texted me na nandoon na raw siya at hinihintay na lang ako at ang ilan. I didn't reply back, bawal ang mag cellphone kapag nagmamaneho.

Dumating ako sa bank bar sa tamang oras. Hindi tulad ng ibang bar na maingay, iba itong bank bar kasi pang hangout lang talaga siya. Well, okay nga kung ganoon.

"Akala ko hindi kana makakarating." Natatawang sabi ni Jenna. Nakipag beso siya saakin.

Nahagip ng paningin ko ang mga Falcon. Kompleto sila tulad ng sabi ni Fire. Pinasadahan ko rin ng tingin ang mga kasama nila. Nandoon ang iilang kakilala.

"Si Jam na lang ang kulang." Sabi ni Jenna.

Tumango ang mga nakarinig at tinignan ang cellphone. Lumapit saakin ang babae'ng pinsan ni Fire at si Jewel.

"Hi ate Janna!" Bati ni Jewel at naki beso. Ganoon rin ang babae'ng kasama niya.

"Hello!" Ngumiti ako.

"Si ate Tricia nga pala, pinsan namin." Pagpapakilala niya.

"Ikaw pala si Janna." She smiled. "Ang ganda mo."

"Salamat. Kayo rin naman." Sabi ko.

"Nandito na si Jam!" Sigaw ni Jenna.

Hinawakan ako sa braso ni Jewel at sa kabila naman ay si Jenna. Sabay kaming pumasok at deretso sa reserved seats. Nagpa-reserve pala sila pero hinintay pa kami.

"Hi Janna!" Bati ng isang pamilyar na babae. "Jam. Kasa-kasama niyo ako sa library dati."

"Ah! Yes." I chuckled. "Sorry, hindi ko na kami natandaan. Ang tagal na rin kasi."

"Naku! Okay lang 'yon." Aniya. "Eto nga pala si Lexi, Cara, Jona at Risha." Pagpapakilala niya sa apat na babae.

"Janna! Ikaw na 'yan? Grabe! Mas lalo kang gumanda!" Sabi no'ng si Risha.

"Thank you." Ngumiti ako.

Ni welcome ako ng mga ka-close namin ni Jenna dati. Ka-close lang, kasi kami talaga ni Jenna ang best friends. Niyakap yakap pa ako ni Lexi, iyong nerd saamin. Namiss niya daw ako. Wala na daw kasing nag-aaya sakaniyang kumain ng Chinese foods. Tawa lang kami ng tawa. Habang ang boys ay nasa kabilang table.

Iba't ibang inumin din ang ibinibigay saakin. Tinatanggap ko nalang kasi niloloko ako kapag hindi e.

"Janna, last na!" Sabay bigay saakin ng vodka.

Tumawa ako at tinaggap ang vodka. Ang init ng vodka ay nanuot sa lalamunan ko. Ang tagal na rin kasi simula noong uminom ako nito.

"Sa mga boys tayo!" Yaya ni Cara.

"Kaya pa?" Panunuyo ni Risha.

Tumango ako at tumayo. Medyo hilo na ako pero kaya ko pa namang maglakad. Nilapitan ako ni Jewel at inalalayan.

Tumawa ako, "kaya ko. Salamat."

"Tulungan na kita." Sabi niya at inalalayan ako.

Sa boys medyo maingay na rin sila. Napatingin sila saamin ng ginulo nila Cara at mga babae'ng Falcon ang table at kinuha ang mga beer.

"Sana sa tribe lounge nalang tayo!" Rinig kong sabi ng isang babae'ng Falcon.

"Janna!" Lumapit si Fire saamin. "Ayos ka lang?"

"Obviously." Sabi ni Jewel sa gilid.

"Okay lang ako. A little bit tipsy, but I'm not drunk." Sabi ko.

"Right!" Sabi naman ni Risha at tumawa.

Pinaupo kami ng boys sa upuan. Sa kanan ko si Fire at sa kaliwa ko naman si Drew. Na katabi si Carter.

"Jan?"

"Hi!" Bati ko at ngumisi.

"Ikaw iyong sa restaurant, 'di ba?" Tumango ako.

Tinignan niya ako at tinignan niya rin si Drew. Pa balik balik.

"Janna..." Tawag ni Cara at ipinakita ang shot ng vodka.

I groaned. Tumayo ako at ngumisi. Kinuha ko ang shot at ang lemon. Nilagok ko ang vodka at sinipsip ang lemon. Woah! Ang init! Si Jenna ay beer lang ang iniinom.

"Hey, that's enough. Janna, you're drunk." Sabi ni Fire.

"I am not." Sabi ko at umupo ulit dahil sa pagkahilo.

Ang mga babae'ng Falcon ay bumalik sa upuan namin kasama si Lexi at Jam na mukhang ka-close nila. Ang mga nakababatang kapatid nila Fire na lalaki ay sinundan ang mga babae. Kaya kami kami na lang ang naiwan.

Binigyan ako ng shot ni Carter. "Scotch." Aniya.

Tatanggapin ko na sana pero kinuha ni Drew 'yun at siya na ang linagok. Kumunot ang noo ko at nag iwas ng tingin. Umalis si Fire sa tabi ko kaya naiwan ako na katabi si Drew.

Kinuha ko ang vodka sa table pero agad niyang kinuha sa kamay ko ang shot. Napatingin ako sakaniya ng siya na ang lumagok no'n.

"What's your problem?" Mahina kong tanong.

"You." Mariin niyang sagot.

Natawa ako, "wala akong ginagawang masama sayo."

"Because you already did." Sabi niya kaya napatingin ako sakaniya.

Mapupungay ang mata na nakatingin saakin. Naalala ko tuloy si Jade. Sabi ng uuwi ako ng maaga e!

"You're drunk, Love. Should I drive you home?"

A Love that Bring Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon