Kabanata 3

1.3K 37 9
                                    

Kabanata 3: Lipat Bahay

---DEANNE'S-POV---

Nandito ako ngayon sa kama, nag-iisip-isip. Marami rin kasi akong maiiwan sa dati kong school. Halata naman sa pagsasalita ko na napaka-friendly ko.

People couldn't believe na kahit anong klase pang tao ang makasama ko ay nagiging kaibigan ko. Well it's really their time to believe. Ayoko kasing nao-awkward sa isang lugar kaya hindi ko napigilan at gumagana ang bibig ko at kinakausap ko ang mga nasa paligid.

Advantage naman 'yun sa akin. Kasi... I giggled on my thought. Nakakausap ko 'yung mga crush ko.

Parang nung kay Jacob mylabs. Oh dava, nakausap ko? Ihhh!!! Kinikilig na naman ako. Tsk. Ene be nemen keshe e!

"Hoy, Deandra! Anong mukha 'yan?" natatawang sabi ng taong kapapasok lamang, si Ate Desiree.

Sinimangutan ko ito at binelatan. "Basag trip ka. Nagmomoment ako, 'Te. Marami rin akong maiiwan sa school ko," sabi ko sa kaniya.

"Baliw! 'Eh puro crush mo lang naman 'yang iniisip mo e."

Bad trip! Sinisiwalat niya 'yung sikreto ko. Kainis much huh!?

"Whatever, Ate. Alis na nga! Shoo! Ini-enjoy ko pa 'yung moment ko," asar na saad ko.

Tinawanan niya lang ulit ako at umalis na.

"Baliw ka na, Deandra Amethyst!" sigaw niya pa habang papalayo. Boset siya!

•••—————•••

Umiiyak ngayon sila Mommy. Paalis na kasi kami. 'Kami' as in ako at si Ate Desiree. Ngayon ko lang naisip. Anduga! Bakit kami lang ang aalis? Dapat sinama ko si Derise!

"Mommy..."

"Yes, dear?" naiiyak niyang saad.

"Pwede ko po bang isama si Derise?" tanong ko sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ni Derise at mabilis na pumulupot kay Tita Thea. Nakanguso pa ito habang nagtatago sa likod ng nanay niya. Bata isip talaga 'to kung minsan.

Natawa na lang si Tita Thea sa inasal ng anak niya. "Pasensya ka na, Deanne. Bata pa kasi 'tong si Derise e. Ayaw malayo sa 'kin e," sabi niya pa.

Nag-pout na lamang ako. "Sayang naman," malungkot kong saad.

"Oh siya, tara na," sabi ni Mommy at dinala ang bag namin.

Lumapit naman kaagad sa kaniya si Daddy at kinuha mula sa kaniya ang mga dala. "It's too heavy, sweettie. Ako na," malambing na sabi niya. Hinalikan pa nito ang nuo ni Mommy kaya talagang nag-blush si Mommy nang very very light.

Napakunot ang nuo ko sa inakto nila. Napaka-sweet talaga nila. Nakakabitter.

Teka, ite-text ko nga si Jacob mylabs. Para naman kiligin din ako. I giggled on my thought. Ang landi ko.

"Oy, kung anu-ano naman iniisip mo. 'Yung crush mo 'yan 'no?" sabi ni Ate with matching batok pa. Kasora!

"'La pakels ka nga, Ate. Ginulo mo na naman 'yung hairdo ko," inis kong saad at inayos ang nagulo kong buhok.

Binelatan niya lang ako at sumakay na sa taxi. Hmp. Kaimbyerna siya in a superlative degree!

Taxi.

Taxi 'yung sasakyan namin dahil para daw mas makatotohanan na lumayas kami. Ang chorva kasi nila ay palalabasin nilang naglayas kaming mga anak nila na may sama ng loob sa kanila. Para daw hindi kami madawit sa mga hudas na Veloso. Bad trip!

Too Much Crush✔Where stories live. Discover now