Kabanata 1

1.8K 47 6
                                    

Kabanata 1: Supladong Pogi

---DEANNE'S-POV---

Naabutan ko ang ate ko na umiiyak. Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinapik nang marahan ang likod niya.

"Ate," mahinang saad ko.

She looked at me with her reddish eyes. Sobrang sakit nito para sa kaniya. I feel so sorry for her. Wala akong magawa para patigilin siya sa pag-iyak.

Umupo ako sa tabi nito at agad niya akong niyakap. Humahagulgol ito at patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Ang sakit, Deandra... Ang sakit-sakit," she said in between her sobs.

Wala akong magawa kundi ang haplusin nang marahan ang likod niya. I know my sister. She will only stop crying if there is no more tears left in her eyes. Ang tanong ay kung kailan mauubos ang luha niya.

"Stop crying, sis. Don't cry for him. He's not worth it," sabi ko rito at pinunasan ang luha niya.

Tumingin ito sa akin at pinalis ang luha niya. "Bakit kasi ganun, sis? Ginawa ko naman ang lahat. I always send chocolates, love letters and gifts to him. Kulang pa ba 'yung efforts ko? Bakit hindi niya pa rin ako magawang mahalin?" parang batang nagsusumbong ang tono nito at awang-awa ako rito.

"You've done enough, Ate. Tama na," sagot ko na lang dito.

Mas lalo itong napaiyak kaya nayakap ko na lamang siya ulit. Bad trip na pag-ibig 'to. Puro iyak na lang ang ginawa ni ate e. Kaya hanggang crush lang ang kaya ko. Ayaw ko kasing masaktan.

•••—————•••

Nandito kami ngayon sa isang restau bar. At nakakahiya mang aminin, mukha kaming ewan dito. Naka-nerdy style kasi ako ngayon at 'yung ate ko naman ay parang rakista sa outfit niya. Mukha kaming ewan dito.

"Ate, ba't nakaganito tayo ngayon?"

Hindi ko na napigilan at natanong ko na rin siya. Hindi ko kasi talaga trip 'to e. Simple lang naman ako manamit pero hindi naman ako manang or nerdy style 'no!

"E kasi nga, nakahihiya ako. I'm what? The former fiancee of the Jasper Veloso. Ang inayawan ng idol nila. Kukutyain nila ako for sure," paliwanag niya.

Napakunot ang noo ko. Bakit siya kukutyain? E 'di ba dapat nasa kaniya ang awa ng mga fans?

"Why would they do that? Ikaw na nga 'yung---"

"Hold it right there, sis," sabi nito at may kinuha sa bag niya. 'yung cellphone niya pala 'yun.

Hinarap niya sa akin ang cellphone at doon ko nakita ang statement ni Jasper. Hinayupak na 'yun!

BREAKING NEWS!!

Jasper Veloso claimed that he don't want the marriage because it was just arranged.

"Pinilit lang ako. Hindi ko naman gusto siyang ipahiya sa harap ng Diyos. It's a sin. I just can't force myself to love her. And she's too obsessed. Nagawa pa niyang ipakiusap ito sa mga parents ko." Jasper Veloso end the interview with that statement.

I gritted my teeth while reading the article. Ang kapal ng mukha niya. Masama mang magmura pero p*t*ngina niya! Sumo-sobra na siya.

"What the f*ck is he talking about!?"

Napatingin ang lahat sa akin. Napalakas na kasi ang boses ko. Nakaka-frustrate naman kasi 'yang Jasper na 'yan. Ang sama ng ugali niya.

"Lower your voice, sis," sabi ni Ate Desiree.

Too Much Crush✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon