"And you probably won't care?"


"Not a thing." kapal rin talaga ng mukha nito eh.

"You should probably head off to class." sabi ko sa kanya. Syempre kaibigan ko rin naman siya at concern din naman ako dito sa mokong na ito.


"Ayoko. Pinagkakaguluhan ako eh." forever mahangin talaga.


Sinamaan ko siya ng tingin. May pagkapilyo din minsan itong si Liam eh. Wait not minsan, always pala.


"You go to class or I'll tell everyone that you wear duck boxers." sabi ko na may nakakalokong ngiti.


Dahil doon ay tinalikuran na niya ako sabay kumaway na. Sabi na nga ba, wala lang talagang magawa sa buhay itong si Liam.


Saan naman kaya ako pupunta ngayon?

Sarah's POV

Nakatutok ako ngayon sa prof kong naglelecture about sa history of measures. Inaantok ako pero nakikinig pa din ako. Mahirap na, si Sir Panganiban ito eh. Ang pinakastrict na prof sa buong university. Ito ang pinakafavorite na teacher ni Ella. I was being sarcastic there though.


Napatingin ako sa orasan. Malapit na pala mag-time. So may free cut ako ng 1 hour. Makakasama ko pala si Ella kahit papano.

"Ms. Alvarez, is there any problem with the clock?" nagulat ako dahil tinawag ako ni Sir. Oh no.


"Nothing sir. I was just trying to adapt your lecture on the clock." salamat at naimbento ka palusot.


Tumango nalang siya and he continued lecturing.

Iniisip ko pa din 'yung mga nangyayari ngayon. May strange kasi akong nafefeel. Iniisip ko kasi kung bakit madikit na ngayon si Dale kay Ella. He's somehow beginning to be friends with her after ng ilang taon.

*Kring Kring*

Saved by the bell. Lumabas na agad ako ng room. Nagulat ako dahil biglang may humatak sa akin.

"What the---"


Napalingon ako sa humatak sa akin. Pagkaswerte ba naman ng araw na ito.


"What the hell do you want?!?"

"Sarah, please?"


"Anong please ka diyan? Ano ba ang kailangan mo?" tinaasan ko siya ng kilay. Wala naman siyang hinihingi favor sa akin tapos please?


"Can we talk?" he asked me.


"We are already talking you dumb-o."

Napakamot siya ng ulo. Hindi ko alam kung frustrated siya o nagpapaka-feeling gwapo siya.

"I mean, privately?"

Dahil doon ay tinalikuran ko siya. Wala akong pakielam sa mga gusto niyang sabihin sa akin. Narinig ko pang tinawag niya ako but I didn't dare to look back. Wala akong pake sa Dale na 'yan. And yes, si Dale ang humatak sa akin.

KathNiel: How A Broken Heart Gets BrokenWhere stories live. Discover now