[46] Instant Reunion

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano ba yan?" Hindi ko na napigilan ang hindi mapalingon sa kotse at sinamaan ng tingin ang kung sinumang driver nito. Nasa sidewalk kami pero ang bagal ng andar nito. Halatang sinusundan ako.

Huminto naman ang kotse nung huminto ako, at nakita ko ang pagbukas ng pinto sa driver's seat at ganun din sa passenger's seat... And I was stunned upon seeing these two gorgeous guys.

"Gail!" "Princess..."

"Toffer? Arthur?"

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Sinalubong ko sila at tinitigan sila. Oh my God, ang tagal ko na silang hindi nakikita. "Wow, kayo ba yan? Lalong gumwapo ah?"

Natawa sila. Binigyan ako ng mabilis na yakap ni Toffer, samantalang si Arthur naman ay ngumiti lang.

"Princess, namiss ka namin. Kamusta ka na? Akala ko, 'di mo kami papansinin," nakalabing sabi ni Toffer. Lumaki ang katawan niya 'di katulad noon. Nagmature na siya, pero ganun pa rin yung facial expression niya. Mukhang bata. Wow.

But wait... Did he call me 'Princess'?

I frowned a bit. "Gail nalang. Hindi Princess ang pangalan ko," sabay tawa ko. "Kamusta kayo? Arthur, ikaw?"

Napakamot sa batok si Arthur at pinagbuksan nalang ako ng pinto sa backseat. "Sama ka sa amin, Gail. Magkukwento kami."

Nagpalipat-lipat ako ulit ng tingin sa kanilang dalawa. Si Toffer, mukhang nagpapuppy face look pa. LOL. How could I resist the two of them?

Minutes later, I found myself sitting at the backseat with Arthur and Toffer infront. Si Arthur ang nagdadrive, samantalang si Toffer naman ang nagkukwento.

"I'm single at the moment, Gail. Ikaw?" Sagot ni Toffer nung tinanong ko kung kamusta na siya. Yep, yun ang sagot niya. Trip niya yun eh.

"Single," matipid na sagot ko at tinignan si Arthur sa rear view mirror. "Ikaw, Arthur?"

Bago pa man sumagot si Arthur, sumingit na si Toffer. "Single siya. Single dad siya."

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. "What?"

"Hahaha! Oo nga. Diba Arthur?"

Ngumiti lang si Arthur at tumango, which means totoo ang sinabi ni Toffer. Paano nangyari yun? Err... Hindi ko na rin siguro dapat yun tanungin pa. Besides, hindi na kami katulad noon. May kanya-kanya na kaming buhay.

"Anyway, saan nga ba tayo pupunta?" Pag-iiba ko ng topic.

Nakita ko silang nagkatinginan sa rear-view mirror, pero hindi man lang ako sinagot. The next thing I knew is we stopped infront of a bar--- Midas Bar. Kinabahan ako for some reason. Ba't kami nandito?

Pinagbuksan ako ng pinto ni Toffer, kaya lumabas naman ako. They escorted me up to the entrance but before we could step in, I stopped and pulled them sideways.

"Wala akong balak mag-bar. May business trip kami bukas," dahilan ko. May pasok kami ng umaga ni Kurt bukas, at 3PM ang flight namin. Ayokong magkaroon ng hang-over.

Nagkatinginan ulit sila. Si Arthur, umiwas ng tingin. Si Toffer naman nakatingin lang sa akin.

"What now, Toffer?"

He smiled sadly. "Gail, birthday ni Kurt ngayon. Pwede naman siguro tayong mag-hang out kahit saglit lang?"

"Uh? Bakit? Ayos na kami. Ba't may ganito-ganito pa?" Hindi ko magets ang point nila. Nakakastress tuloy.

"Ayos naman pala kayo, edi tara nasa loob. Ayaw mo bang makita ang ibang X10?"

Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na sumagot pa dahil hinawakan na ako sa wrist ni Toffer at hinila na paloob. Dumiretso kami sa VIP lounge, at pumasok sa third room. Nagulat ako nung makita ang complete attendance ng barkada ko noon; X10, Chloe, Nathan, Kaye Anne, Lovely and Sandy.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon