Tumambay na lamang ako sa sala at nanood ng tv. After fifteen minutes ay naririnig ko ng tumatawag si Acey. Wala akong nagawa kundi puntahan sya sa kwarto nya.

"Ano po 'yon?─ hey! bakit mo nilaglag ang mga pagkain?" nakakalat sa sahig ag mga pagkain tapos nadatnan ko pa syang pagulong gulong sa kama.

"Gusto kong matulog pero hindi ako makahanap na magandang pwesto." nagmamaktol na sabi nya.

"Problema ko ba 'yon? ligpitin mo 'yan!" hays kababaeng tao, ang kalat-kalat!

"Babe rito ka sa tabi ko baka maging komportable ako." kumunot noo ko.

"Magtigil ka nga. Dami mong alam." palabas na sana ako ng kwarto nya nang mag-inarte na naman sya.

"Sige na babe! hindi ako sanay na walang katabi kapag nagkakaroon ako please!"

Napahawak ako sa sentido ko. Ano ba 'tong babaeng 'to ang daming ek-ek!

"Babe sige na, kung nandito lang si Lorenzo o si Ate okay lang na sila yung makatabi ko. Eh ikaw lang ang nandito." at talaga gusto nyang makatabi pa si Lorenzo. Hanep talaga ang kabit na ito.

Ang sakit sa tainga ang kakangaw-ngaw nya kaya napilitan akong lumapit sa kanya. Sya naman ay ngiti-ngiti. Tsk. Tumabi ako sa kanya at mabilis nya naman akong niyakap na ikinagulat ko. Napahiga kami sa kama at sumubsob na naman sa leeg ko. Idinatay nya ang hita nya sa hita ko.

"Hmm...bango." walangya, inamoy pa ako. Nakikiliti pa naman ako sa ginagawa nya.

Kinuha ko ang cellphone ko para naman malibang-libang ako. Nag-Instagram ako, scroll-scroll lang hanggang sa makita ko ang picture ni Jelly kasama ang asawa't anak nya.

"Si Francis ang asawa ni Jelly?" napatingin ako kay Acey na nakatingin pala sa cellphone ko. "Hindi sila bagay." sabi nya at sumubsob ulit sa leeg ko. Nanlait pa.

Nag-scroll na lang ulit ako pero minsan napapatigil ako sa pag-scroll hindi dahil may nakita akong picture kundi dahil may lapastangan na ginawang candy ang leeg ko!

"Acey ano ba!" saway ko sa kanya. "Shit!" dinilaan nya na naman ang leeg ko at tuwang tuwa naman sya dahil naramdaman kong nakangiti sya. My god!

Napabuntong hininga ako nang tumigil sya kaya nilibang ko na naman sarili ko sa cellphone.

Sa pagkakataong 'to napatigil ako sa pagscroll dahil may nakita akong ikinabiyak ng puso ko. Si Lorenzo na may kasamang babae. At may caption pa syang  'Nice to see you again, baby Gil' at mukhang sobrang saya nila.

"Wag kang magselos. Bestfriend namin 'yan si Gil, nasa America sya dahil dyan na sya nakatira." sabi nya habang dahan-dahan na pumapatong sakin pero hindi ko 'yon pinansin dahil nakatutok ako sa babaeng kasama ni Lorenzo. Maganda sya, maputi at makinis ang balat, hindi ko alam kung naka-make up pa ba sya dahil kung titignan kahit wala syang make up ay maganda pa rin sya. "At oh, ex nya pala 'yan si Gil."

"What?!" bulyaw ko. Ngisi ngisi naman 'tong babaeng 'to.

"Bestfriend na lang ulit sila, okay?" napa-tsk ako. Hindi ako naniniwala. Hindi pa ba sya kontento? ang kapal talaga ng lalaking 'to. Hindi naman sya ganito dati. "With benefits."

"Acey!"


Ilang oras na nakatulog si Acey sa ibabaw ko. Naiinis ako sa kanya kung bakit nasa ibabaw ko pa sya kailangan matulog, ang sabi nya roon daw sya komportable. Lakas din ng amag ng isang 'to. Hinayaan ko na lang dahil hindi ko rin naman sya mapapaalis dahil ang ibagat nya lang. Medyo nasasaktan na nga ako eh sana nga magising na 'to.

Tinignan ko ang cellphone ko at instalk ang Gil na sinabi ni Acey na bestfriend with benefits daw ni Lorenzo. Nakakabadtrip lang ang isang 'to halatang pinagtri-tripan ako pero ako naman si uto-uto naniwala naman kaya ito ako nang-iinstalk. May picture rin sya na kasama si Lorenzo. Ang caption nya naman ay 'With handsome baby!' tsk.

Malaman ko lang talaga na totoo ito ay hindi na ako magdadalawang isip na putulin ang alaga nya. Ang landi eh! May asawa na sya at kabit tapos may bestfriend with benefits pa sya. Ano bang gustong mangyari ni Lorenzo sa pamilya namin? Hindi ba sya makontento na meron sya? hindi naman sya ganyan dati eh. Bakit bigla na lang nagbago ang lahat? May nagawa ba akong mali?

Ang dami kong tanong pero lahat 'yon hindi masasagot. Yung tanong ko nga kung bakit sya nambabae ay hindi nya masagot, ayun pa kaya?

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Tumingin ako sa babaeng nasa ibabaw ko. Napangiti ako nang makita syang parang anghel na natutulog. Nakabukas ng kaonti ang bibig nya at humihilik. Speaking of her, bigla ko naisip na iinstalk sya. Hindi nya naman makikita dahil tulog sya.

Bumungad sakin ang puro picture ni Kevin. Close na close talaga silang dalawa. May mga picture din na solo nya, kadalasan na picture nya ay hindi sya nakangiti, laging syang walang emotion na pinapakita. Pero kapag may kasama naman sya katulad ng mga magulang nya ay nakangiti sya, hindi ko lang alam kung mga kapatid nya rin ang kasama nya sa iba dahil medyo magkakahawig sila. Meron din akong nakita na may kasama syang nakawheel chair pero nakatalikod silang dalawa at nakatanaw sa magandang tanawin na dagat.

Totoo nga na may kapatid syang hindi na nakakalakad.

Wala akong nakitang picture na kasama nya si Lorenzo, nakita ko na kasama nya yung Gil na tinutukoy nya pero si Lorenzo at Jelly na kaibigan nya hindi. Malamang, ngayon lang naman sya nakauwi ng pilipinas.

Itigil ko na ang pagtingin ng instagram nya. Itinabi ko ang cellphone ko at tumingala sa kisame. Ano na ang gagawin ko ngayon?

Nasa malalim ako na pag-iisip kung anong gagawin ko nang biglang bumukas ang pintuan.

"Mommy?"

Bigla kong itinulak si Acey paalis sa ibabaw ko.

"Kevin!"




----------------------------------------

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon