Hindi ko maisip kung bakit sya naging kabit ni Lorenzo. Oo, maganda nga at sexy sya pero bakit sa may asawa't anak pa sya pumatol?

"Mommy." napukaw ang atensyon ko kay Kevin. "Nanliligaw po ba sa inyo si Tito Christian?" napataas kilay ko sa tanong nya.

Nasa tapat na kami ng school nya. Itinabi ko sa gilid ang sasakyan ko.

"Mommy gusto ninyo po ba si Tito Christian? narinig ko po na matagal na syang nanliligaw sa inyo." tumingin ako kay Kevin.

Nitong nakaraang araw kasi laging nagpapadala ng bulaklak si Christian, minsan may kasama pang chocolate na sila Acey lang naman ang kumakain. Dumadalaw rin si Christian sa shop ko at dinadalhan ako ng lunch.

"Mommy, mahal ninyo po si Daddy hindi ba?" tanong nya pa.

"Oo naman." sya lang naman yung hindi ako mahal dahil nagawa nya pang mambabae.

"Hindi ninyo po sasagutin si Tito Christian, hindi ba?" tanong nya ulit.

"Hindi, bakit mo naman naisip 'yan?" hindi naman ako katulad ni Lorenzo na pumapatol sa iba.

"Kasi po napapadalas po kayong magkasama ni Tito Christian." nakayukong sabi nya. "Mommy, kahit po nagkagusto sa iba si Daddy, mahal na mahal ka po nya." seryosong sabi nya. Tinignan ko sya ng maigi at ganon rin sya sakin.

"Naalala mo ang sinabi ko sayo noon? na ang puso, iisa lang ang minamahal." sabi ko sa kanya. "Bata ka pa Kevin, kahit matalino ka, ang problema ng matatanda ay hindi mo dapat masyadong iniisip. I-enjoy mo muna ang kabataan mo dahil kapag tumanda ka na ay hindi mo na magagawa pa ang ginagawa mo ngayon." hindi ko alam kung bakit ayos lang sa kanya na may nagugustuhang iba ang daddy nya. Nalason na nga ba talaga si Acey? may sinabi ba sa kanya si Lorenzo na hindi sinasabi sakin?

"Basta po wag po kayo magkakagusto kay Tito Christian, magiging magkapatid kami ni Jessica." napataas kilay ko. Ayun lang ba ang prinoproblema nya kay Christian?

"Ikaw talaga." 

"Pasok na po ako Mommy." tumango ako sa kanya. Kinuha nya ang bag nya sa backseat. Palabas na sya nabf pigilan ko sya.

"Alam mo ba kung bakit nagkagusto ang daddy mo kay Acey?" tanong ko sa kanya. Hindi ako sinagot agad ng anak ko. "Kevin."

"Bye po." mabilis nya akong hinalikan sa pisngi at bumaba ng kotse. Pinasmadan ko sya pumasok sa school.

Sabi na may alam sya. Napabuntong hininga ako. Ang kaisa isang kakampi ko ay pinaglilihiman na ako.


Pumasok ako sa kwarto ni Acey at nadatnan ko syang nakatuwad. Napatitig naman ako sa pwetan nya. Bago na rin ang suot nyang shorts

"Babe?" inalis ko ang tingin sa pwetan nya. Umayos sya at hindi ko alam kung maawa o matatawa ako sa kanya. Halatang iyak sya ng iyak kanina. "Babe!" itinaas nya ang dalawang kamay nya.

Tinaasan ko lang sya ng kilay at binato sa kanya ang plastic bag na may laman na puro snacks at chocolate.

"Wow!" para syang bata sa totoo lang.

"Iligay mo ito sa puson mo." ibinigay ko sa kanya ang hot compress bag.

"Thank you!" ang laki ng ngiti nya habang nakataas ang dalawang chocolate bar na hawak nya.

Tumango ako sa kanya at tumalikod.

"Wait, saan ka pupunta?" pagpigil nya.

"Nasa baba lang ako, tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka." walang lingon na sabi ko.

"Meron akong kailangan, ikaw." napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganyan sya makatingin sakin.

Nailing na lang ako at lumabas ng kwarto nya. Huminga ako ng malalim. Parang kasing walang hangin sa kwarto nya.

KabitWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu