Kabanata 15

78.7K 1.8K 105
                                    

Kabanata 15 : 25Kisses

Alexa’s Point of View

Naka-akbay sa akin si Clark habang naglalakad pa rin kami pauwi sa bahay, at nang nasa ilang hakbang na lang ang layo namin sa bahay ay natatanaw na namin ni Clark ang kotse ni Ninong Tony. Nagmamadali rin na ilabas ng mga maids nila ang ilang maleta. Nagtatakang naglakad kami ni Clark patungo sa kanila.

“Mom, Dad, where are you going?”  naguguluhang tanong ni Clark nang makalapit na kami.

Sinusubukan kong tanggalin ang pagkaka-akbay sa akin ni Clark dahil baka iba ang isipin nila Ninang Ellaine at Ninong Tony pero ang lokong Clark, ayaw niya ako pakawalan.

“May emportante lang, nagkaroon ng problema sa businesstrip nila Ches, at bilang business partner nila ay kailangan namin na tulungan sila doon kaya susundan namin sila ngayon na.” Ang tinutukoy niyang Ches ay si Mama.

“Bakit po agad-agad?” tanong ko, nagtataka.

“Saka ko na mapapaliwanag sayo, Alexa. Hindi ko rin kasi alam kung anong nangyari, basta sabi nila ay nagkaroon daw ng problema.”

Naputol na ang pag-uusap namin nila Ninang Ellaine nang magsalita na si Ninong Tony. “Sige na, kailangan na namin na umalis. Kayo na muna bahala sa bahay, ha? Mag-ingat kayo.”

“Sige po, mag-iingat din po kayo.” Sagot ko. Nagkausap pa sila ni Clark at nagbilin pa si Ninong Tony saka pumasok na sila ni Ninang Ellaine sa kotse at tuluyan nang umalis.

“Take care!” pahabol pang sigaw ni Ninang Ellaine bago tuluyang makalayo ang kotse nila.

“Bitiw na!” sigaw ko kay Clark na hanggang ngayon ay naka-akbay pa rin sa akin.

“Ayaw,” walang ganang sagot nito sa akin at hinatak na ako papasok ng bahay. Wala akong nagawa kundi ang magpahila sa lalaking ‘to.

Pagpasok namin sa bahay ay hindi niya pa rin ako binibitiwan. Naglakad na kami paakyat sa second floor at ngayon ay nasa harapan na kami ng pinto ng mga kwarto namin.

“Baka naman puwede mo na akong bitiwan?” sarcastic na pagkakatanong ko kay Clark. Humarap ito sa akin at mas hinigit pa papalapit sa kanya.

“Sabay na lang kaya tayong maligo?” tanong niya habang may suot na nakakalokong ngiti.

“Sapak? Gusto mo?” nanlalaking mga mata kong sambit, nagbabanta.

Natawa siya sa sinabi ko, akala ko ay bibitiwan na niya ako pero hinawakan niya ako sa batok ko at hinila papalapit sa kanya at hinalikan. Gulat at nanlalaki ang mata ko habang nakatitig sa mga mata niyang ngayon ay nakapikit, parang hindi ako makapaniwala na hinalikan niya ako sa labi ko mismo.

“Your lips are like wine, and I want to get drunk.” Mahina niyang sambit matapos niya akong halikan.

Nananatili pa rin kaming magkalapit, hindi rin ako makalayo dahil hawak-hawak niya pa rin ang batok ko. Ilang segundo pa lang ang lumilipas ay muli na naman akong napapikit nang halikan niya muli ako, pero mas matagal na.

Bumitiw na siya sa pagkakahalik sa akin at muling tumitig sa mga mata ko. Napatitig na lang kami sa isa’t isa.

Nang mailang ay iniwas ko na sa kanya ang tingin ko at humakbang papaatras. “Nakakarami ka ng bwiset ka!” kunwaring naiinis kong sabi sa kanya at bahagya pa siyang kinurot sa tagiliran niya.

Natatawang inawat ako nito. “22 na lang,” saka dahan-dahan na inalis ang kamay kong nakakurot sa tagiliran niya.

Ipinagkrus ko ang mga braso sa dibdib at pinakatitigan siya. Sinusubukang ipakita sa kanya na inis ako, kahit hindi naman talaga.

“Nant-tsansing ka na, ah!” pang-aasar niya sa akin.

Bahagya akong natigilan. “Tsansing ka riyan? Eh mas hot pa nga sayo si Jungkook!” Inis kong sambit habang nag-iiwas ng tingin. Pakiramdam ko ay namumula na ako dahil sa sobrang kahihiyan.

Nagtaka ako nang makita kong naghubad siya ng damit niyang pang-itaas, kaya ngayon ay kitang-kita ko na ang katawan niyang makalaglag panga! Sunod-sunod akong napalunok sa nakikita ko. Hindi ako sanay na makakita ng ganito. My virgin eyes!

Napaatras ako nang ilapit niya ang sarili niya sa akin, napasandal ako sa pader na nasa likod ko nang wala na akong maatrasan pa.

“Now, tell me that his hotter than me...” mahinang bulong niya sa tainga ko.

Muli akong sunod-sunod na napalunok. Parang hindi kakayanin ng puso ko kapag ganito kalapit sa akin si Clark. Pakiramdam ko ay kailangan kong lumayo sa kanya para manatiling kalmado ang puso ko.

Muli ay nagulat ako nang dampian ako nito ng halik sa noo ko, sumunod sa dulo ng ilong ko at huli ay sa labi ko.

“Maligo ka na,” sabi niya at naglakad na papasok sa kwarto niya, hindi ako muli pa tinapunan ng tingin.

Naiwan akong nakatulala dito habang nakatingin sa pinto ng kwarto niya kung saan siya pumasok na ngayon ay nakasara na, hindi ko alam kung ilang minuto akong natulala dito habang malalim ang iniisip.

KINAGABIHAN ay naisipan ko nang bumaba at magtungo sa kitchen, buong araw kasi akong nagkulong sa kwarto. Bumaba lang ako noong kumain kami ng lunch, halos hindi pa nga ako makatingin ng deretso kay Clark dahil sa nangyari kaninang umaga. Nahihiya kasi ako at naiilang, kaya’t umiiwas muna ako sa kanya.

Tuwing naaalala kong hindi ako umaangal sa halik niya, naiinis ako sa sarili ko. Baka mamaya ay gamitin ‘yon ni Clark na pang-asar sa akin! Baka sabihin niya ay nagugustuhan ko na ang kiss niya!

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Clark na nakaupo sa stool ng kitchen habang may hawak na baso ng tubig, aatras sana ako at babalik na lang sa kwarto ko pero huli na dahil nakita na niya ako.

Tinaasan niya ako ng kilay. “Iniiwasan mo ba ako?” saka siya ngumisi.

Hindi dapat ako magpahalata sa kanya na iniiwasan ko siya. Dahil kapag nalaman niya ‘yon, mas lalo niya lang akong aasarin at b-bwisetin tulad ng ginagawa niya ngayon.

Sunod-sunod akong umiling. “H-hindi, ah!” pinipilit kong huwag mautal sa harapan niya pero bwiset! Hindi ko kaya.

Huminga muna ako ng malalim bago maglakad pagtungo sa refrigerator at kumuha dito ng gatas, umupo ako sa katabing stool ni Clark habang bitbit ko ang isang basong puno ng gatas at sinimulan ko nang inumin ito.

“I really want to kiss you, right now.”

Nasamid ako nang marinig ko ang sinabi ni Clark. Muntik ko pa maibuga ang iniinom ko. Inis akong tumingin sa kanya habang siya naman ay tawa nang tawa. Natatawa pa talaga siya sa reaksiyon ko? Pinaglalaruan niya ba ako?

“Tigilan mo ‘ko!”

Uminom ito ng tubig at nang matapos niyang uminom ng tubig ay tumingin ito sa akin sabay kagat ng ibabang labi na tila inaakit ako, sa kaloob-looban ko ay napapalunok na ako at kinakabahan dahil sa nakikita kong ginawa niya. Pero sa labas ay kalmado ako.

“I can’t taste my lips, could you do it for me?” tila inosente niyang tanong sa akin, tila walang kaalam-alam at nakikisuyo lang.

Sunod-sunod ang naging paglunok ko, napatitig din ako sa kanya at kitang-kita ko ang paggalaw ng adam’s apple niya.

“Hindi mo ba ako titigilan?” asar kong tanong sa kanya para takpan ang totoo kong nararamdaman. Pakiramdam ko kasi ay naaakit akong halikan siya!

Nahihiya na nga ako dahil sa nangyari kaninang umaga, nagagawa niya pa na magbiro ng ganito.

Tumayo na ako at inilagay sa lababo ang baso ko kahit may gatas pa ‘yon at padabog na naglakad palabas ng kitchen, pero nasa pinto pa lang ako nang muli ko siyang marinig na nagsalita.

“Kissing burns 6.4 calories a minute. Wanna workout?” sambit niya habang ang lapad-lapad ng ngiti sa labi niya.

Kaagad kong kinuha ang suot kong pangbahay na tsinelas at binato sa kanya pero naiwasan niya ‘yon, dahil doon ay mas lalo akong nainis.

“REST. IN. HELL!” malakas kong sigaw at padabog na nilayasan siya doon at hinayaan na ang tsinelas kong ipinangbato ko sa kanya.

Buti na lang ay gabi na at tulog na ang mga maids kaya ‘di nila maririnig ang mga kalokohan sa akin ni Clark, pero kung gising pa sila at sakaling narinig ‘yong pinagsasabi ni Clark ay sigurado akong mas lalong madadagdagan ang hiya ko.

Kaagad akong nagtungo sa second floor at ng nasa harap na ako ng pintuan ng kwarto ko ay napatigil ako nang maisip ko ang sinabi ni Clark kanina, dahil sa totoo lang ay na-curious ako sa huling sinabi niya.

Kissing burns 6.4 calories a minute. Totoo kaya ‘yon?

“Bwiset,” mahina kong bulong at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko. Ise-search ko na lang ‘yon sa internet para matigil na ang pagka-curious ko.

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon