Kabanata 7

121K 2.6K 168
                                    

Kabanata 7: Pissed

Alexa’s Point Of View

Fpur dayd had passed simula nang mangyari ang pag-aaway namin ni Clark ng gabing ‘yon. Araw na ng ligo pero hindi ko siya iniimik o kahit pinapansin man lang. Binabati ko lang siya kapag kaharap namin sila Ninang Ellaine.

Naging madalang na lang din ang pagkikita namin dito sa bahay dahil tulad ng dati, ginagabi na naman siya ng uwi. Hindi na nagkakapang-abot ang oras naming dalawa. At sa apat na araw na hindi namin pagpapansinan, may kakaiba akong nararamdam sa sarili ko na kahit ako mismo ay hindi ko maintindihan.

Parang napakalungkot… Parang hindi kompleto ang araw ko at mabigat sa dibdib.

Tulad ngayong araw, nasa alas-otso na ng umaga pero nananatili pa rin akong nakahilata sa kama ko. Pagkatapos kong maligo kanina ay bumalik kaagad ako sa kama at tumulala sa kawalan habang nililipad ng hangin ang utak.

Naputol lang ang paglalakbay ng aking isipan nang marinig ko ang pag-ring ng phone ko. Tinatamad kong kinuha ‘yon sa bed side table, tiningnan ko muna ang pangalan ng caller at bahagyang kumunot ang noo ko nang makita kong unregistered number ito. Ganoon pa man, sinagot ko pa rin ito.

“Hello,” bungad ko. “Who’s this?”

[“Good morning, Alexa!”] nabosesan ko na kaagad ito.

“Lance?”

[“Yeah… It’s me.] Kaagad niyang tugon. [“By the way, how are you?”]

Umayos ako ng upo sa ibabaw ng kama at ibinaling ang tingin sa labas ng nakabukas na bintana rito sa kwarto ko. “I’m not okay.” Pagsasabi ko ng totoo.

[“Wait—what? You’re not okay? Why?”] ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala.

“Honestly, I don’t know why…”

Biglang natahimik ang nasa kabilang linya, akala ko ay putol na ang tawag pero nang tingnan ko ang screen ng phone ko ay patuloy pa rin naman ang pag-andar ng oras ng tawag sa akin ni Lance.

“Lance?”

[“Wanna go out? Para rin ma-refresh ang utak mo at baka sakaling um-okay ang pakiramdam mo.”] Bahagya akong napangiti. [“At isa pa, sabi ko naman sayo ay lalabas tayo ng weekend, right?”]

“Yeah… Natatandaan ko.” Naging laman din ‘yon ng isipan ko, lalo na ‘yong tungkol sa sinabi niya tungkol sa ligaw.

[“So game ka ba, Alexa?”]

Saglit akong natahimik bago malalim na bumuntong hininga. “Game.”

[“Puwede mo bang i-send sa akin ang address ng bahay nila Clark? Susunduin na lang kita diyan… Kung okay lang sayo?”]

“Of course… Okay lang.” Sagot ko. “Mas maganda ‘yon, hindi ko na kailangang magtaxi pa.”

[“Oh… Okay. Wait ko na lang ang address at susunduin na kita diyan kaagad.”]

“Okay.” After that, narinig ko na lang ang pagkaputol ng tawag.

Inalis ko na ang phone ko sa aking tenga at isin-ave muna ang number ni Lance bago ko itin-ext sa kanya ang address nila Ninang Ellaine. Matapos non ay umalis na ako sa kama at dumeretso sa banyo upang makaligo na muli at nang makapagbihis at makapag-ayos na.

Almost forty-minutes din ang lumipas bago ako tuluyang matapos sa pag-aayos ko ng sarili ko. Lumabas na ako ng aking kwarto at bumaba sa unang palapag ng bahay.

Nilibot ng tingin ko ang unang palapag ng bahay upang hanapin si Ninang Ellaine, para makapag-paalam ako rito. Natagpuan ko naman si Ninang Ellaine dito sa living room, pero bahagya akong nagulat nang makita ko si Lance na nakaupo sa isang couch at kaharap si Ninang Ellaine. Nag-uusap silang dalawa ni Lance.

Nabaling ang tingin nila sa akin nang mapansin nila ako, parehong may ngiti sa kanilang labi.

“Naririto na pala si Alexa,” sambit ni Ninang Ellaine.

Nahihiya akong ngumiti at naglakad palapit sa kanila. “Ahm, Ninang Ellaine,” panimula ko. “Magpapaalam po sana ako, aalis lang po kami ni Lance.”

Nakangiting tumango ito. “Okay lang, Alexa, basta’t huwag masyadong magpagabi, ha? Babae ka pa man din.”

Tumango ako. “Opo, Ninang.”

Inalis na niya ang tingin sa akin at ibinaling ‘yon kay Lance. “Ikaw naman, huwag mong pababayaan si Alexa, ha? Ikaw na muna bahala sa kanya.”

“Yes po, Tita. I promise.” Walang pag-aalinlangang tugon ni Lance habang may ngiti ang labi. “Ihahatid ko rin po siya rito mamaya.”

“Okay, good.”

Tumayo na si Lance mula sa pagkakaupo sa couch. “Alis na po kami.” Pagpapaalam niya.

Tanging tango na lang ang itinugon ni Ninang Ellaine.

“Ninang, alis na po kami.”

Inaya ko na si Lance na umalis dito sa living room at sabay na kaming naglakad palabas ng bahay.

“Saan pala tayo pupunta?” tanong ko habang naglalakad na kami palabas ng gate.

“Secret! Walang clue! Hindi ko sasabihin!”

Natawa ako dahil sa itinugon niya sa akin. Parang isa siyang bata. And he’s really cute.

Paglabas namin ay iginaya niya ako sa kotse niyang nakaparada rito sa harapan ng bahay at pinagbuksan pa ng pinto. Umikot na siya patungo sa kabilang pintuan ng kotse at siya naman ang pumasok.

“Promise, hindi ka magsisising sumama ka sa akin ngayon.” Sambit ni Lance at binuhay na ang makina ng kotse at pinaandar. Nanahimik na lang ako at ibinaling na lang ang tingin sa labas ng bintana at nag-isip-isip.

Hindi ko alam kung date bang matatawag itong gagawin ngayon namin ni Lance. Hindi naman niya kasing sinabi kung date ba ito, basta’t ang sinabi niya lang ay lalabas daw kami. Pero ayaw ko muna mag-isip ng kung ano-ano. Ayaw kong mag-assume.

Halos isa’t kalahating oras din kaming nagtagal sa byahe bago makarating dito sa isang simbahan sa Antipolo, sa Antipolo Cathedral. Nang maayos na ni Lance ang pagka-park ng kotse ay kaagad na kaming bumaba ng sasakyan.

“Magsisimba tayo?” tanong ko kay Lance habang ang tingin ko ay nasa simbahan na nasa harapan ko.

“Yes,” tugon niya at lumapit sa akin. “Naisipan ko kasing linggo naman ngayon, kaya’t imbes na maggala kung saan-saan ay magsisimba na lang tayo ng sabay.”

Napatango-tango ako. “Ang bait naman,” papuri ko sa kanya. Kakaunti na lang kasi ang mga lalaking ganito, ‘yong mga lalaking mas pipiliin ang magsimba kaysa maggala kung saan-saan.

“Gusto ko rin kasing magpasalamat sa Diyos ngayon,” sambit niya habang nakangiti ng pagkatamis-tamis.

“Ano naman ‘yong ipagpapasalamat mo sa kanya?” curious kong tanong.

Binigyan ako nito ng ngiti at ibinaling muna ang kanyang tingin sa kaharap naming simbahan bago tugunin ang tanong ko. “Magpapasalamat ako sa kanya dahil ibinalik ka na niya rito... at makakasama na muli kita.”

Hindi na ako nakapag-react sa sinabi niya dahil hinawakan na niya ang pulsuhan ko at hinatak na patungo sa loob ng simbahan, pero nasa mismong pintuan pa lang kami ng simbahan ay tumigil siya sa paglalakad, napatigil din ako dahil doon.

Kumunot ang noo ko nang makita kong kinuskos niya ang mga mata niya.

“Aray! Napuling ako!” daing nito habang patuloy sa pagkuskos sa kanyang mga mata.

“Okay ka lang ba?” kaagad kong tanong. “At saka, Lance, napuwing ‘yon, hindi napuling.” Pagtatama ko sa sinabi niya.

“Nah,” kaagad nitong sambit. “Tama ‘yon, napuling ‘yon!” tumigil na siya sa pagkuskos sa kanyang mga mata.

Nagkaisang linya ang kilay ko. Naguguluhan ako sa sinasabi niya. “Aber, paano mo naman nasabi na napuling ‘yon kahit napuwing naman talaga ‘yon?”

“Tama ‘yon,” ngumiti ito ng pagkalapad-lapad. “Napuling… Napuling-inlove sayo.”

Matapos niyang sabihin ang mga salitang ‘yon ay tuluyan na niya akong hinatak papasok sa simbahan. At dahil nagsisimula na ang misa ay hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magtanong tungkol sa sinabi niyang ‘yon.

Geez. Ayaw kong magfeeling, ayaw kong mag-assume, pero ‘yon talaga ang nararamdaman ko sa inaakto ni Lance sa akin. Sa tingin ko ay may gusto siya sa akin.

“THANK you, Lance!” nakangiting pasasalamat ko.

Tulad ko ay ngumiti rin ito. “Ako nga ang dapat magpasalamat sayo.”

Natatawang hinampas ko siya sa braso habang bahagyang umiiling. “Ako dapat,” sumeryoso ako. “Alam mo kung bakit?”

“Bakit?”

“Kasi napagaan mo ang loob ko at dahil sayo ay kahit papaano ay nakalimutan ko ang mga gumugulo sa isipan ko ngayong araw.”

Napatigil ako nang ilagay niya sa aking ulo ang kanyang kamay at marahan na hinaplos ang aking buhok. “Basta’t kung may problema ka man o kailangan mo ng karamay, nandito lang ako. Huwag mong kakalimutang may kaibigan kang singkit na handang tumulong sayo.”

Natawa ako. “Oo na,” tugon ko. “Hindi ka na ba talaga papasok muna?”

Umiling siya. “Hindi na, mauuna na ako.” Inalis na niya ang kamay niya sa aking ulo. “Pumasok ka na.”

Tumango ako at binuksan na ang gate ng bahay nila Ninang Ellaine. Binalikan ko pa ng tingin si Lance at kumaway pa sa kanya bago ako tuluyang pumasok sa gate at muli itong ini-lock tapos dumeretso na ako sa loob ng bahay.

“Bakit ngayon ka lang?”

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa tinig na ‘yon. Kaagad kong nilingon ang pinaggalingan ng boses. Natagpuan ko ang taong nagsalita sa living room, nakaupo sa couch. Pagpasok kasi ng pinto mula sa labas ay ‘yong living room kaagad nila Ninang Ellaine ang sasalubong.

“May pinuntahan lang kasi ako,” sagot ko.

“At saan?”

Napabuga ako ng hangin. “Nagsimba ako, kasama kaibiga—”

“Kasama si Lance,” he cut me off.

Napaiwas ako ng tingin at marahan na tumango. Bakit ba kasi maaga siyang umuwi ngayon? Nagkapang-abot pa tuloy kami.

“Nagsimba, pero ginabi ng uwi?”

I rolled my eyes at him. “Hindi ba puwedeng pagkatapos ng simba ay naggala? At saka, sa labas na rin kaming kumain ng dinner kaya’t ginabi na kami!” may bakas na ng iritasiyon ang boses ko. “At bakit ba? Nasa alas-otso pa lang naman ng gabi, ha?”

Nagsisimula na namang uminit ang ulo ko. Hindi ko malaman kung bakit tuwing nakikita ko si Clark ay biglang nag-iiba ang mood ko. Okay naman ako kanina, nakangiti pa nga ako, e.

“Nakikipagdate ka ba kay Lance?”

Puno ng inis akong natawa. “Teka nga lang, Clark, bakit ba parang iniimbestigahan mo ako?” inis kong tanong. “Nagpaalam naman ako kay Ninang Ellaine at ipinaalam din ako ni Lance sa kanya. Inihatid din naman ako ni Lance roon sa labas.”

Kita kong parang napikon ito sa sinabi ko. Bigla kasing nag-iba ang aura niya. “Bakit ba ganito ka sa akin makitungo? Tungkol pa rin ba ito sa dea—”

“Ikaw ang bakit ganito sa akin, Clark?” pangpuputol ko sa kanya. “Bakit parang kailangan kong ipaalam sayo ang lahat ng ginagawa ko? Bakit parang kailangan kong ipaalam sayo kung saan ako nagpunta? Bakit parang kailangan kong ipaalam sayo ang bawat galaw ko?”

Nag-iwas siya ng tingin. Nakita ko rin ang pagkagat niya sa ibabang labi nya, siguro ay dala ng inis niya sa akin.

Marahas akong napabuga ng hangin at ikinalma ang sarili ko. Walang mangyayari kung magpapadala ako sa emosiyon ko, magkakasagutan lang kami. Hindi ko lang kasi maintindihan, bakit ganito siya sa akin?

“Akyat na ako,” malamig pa sa yelo kong sambit. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dere-deretso na akong naglakad sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay.

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon