Kabanata 4

128K 3.2K 352
                                    

Kabanata 4: Deal

Alexa’s Point Of View

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nagkulong doon sa loob ng comfort room, siguro ay nasa kalahating oras din bago ko mapagpasyahang lumabas na mula roon.

Hindi rin muna ako bumalik sa table namin nila Clark at mas pinili ko na lang na makipag-usap sa mga ibang bisita at costumer. Pati na rin sa mga dati kong kaklase.

“Kumusta na ang lovelife mo, Alexa?” may bakas ng excited na tanong sa akin ni Julia. Isa sa mga naging kaklase ko noon.

Nahihiyang ngumiti ako. “Wala.”

Kita ko ang gulat sa kanilang mga mukha. Apat kasi kaming naririto sa isang lamesa at lahat ng naririto ay puro babae. Bilang lang kasi ang mga kaibigan kong lalaki.

“Don’t tell me… Hindi ka pa nagkakaroon ng boyfriend?”

Napakagat ako sa ibabang labi ko at muli ay nahihiyang ngumiti. Sila naman ay napatitig lang sa akin habang bakas sa kanilang pagmumukha ang gulat. Tila hindi sila makapaniwala.

“You went Abroad, pero hindi ka man lang nagkaroon ng boyfriend doon? My gosh, Alexa!” pabirong sabi ni Julia.

Ang ngiti ko ay nauwi sa ngiwi.

“Ma’am Alexa.”

Nawala ang atensiyon ko sa kanila dahil sa tinig na ‘yon. Kaagad kong hinanap ang pinaggalingan non.

“Yes?” tanong ko sa isang waiter na siyang tumawag sa akin.

“May naghahanap po sa inyo sa labas.”

Bahagyang nagkadikit ang kilay ko dahil sa sinabi nito. “Sino raw po?”

Nagkibit-balikat ito. “Hindi po nagpakilala, pero ang sabi niya po ay kilala mo raw po siya.”

Napatango-tango na lang ako at tumayo na mula sa pagkakaupo. “Maiwan ko muna kayo, girls. May kakausapin lang ako.” Pagpapaalam ko kina Julia na pareho-pareho lang nilang tinanguan.

Ibinaling ko muli ang tingin ko sa waiter na nagsasabing may naghahanap daw sa akin. “Nasaan po siya?”

“Nasa labas po.”

Tumango na lang ako at naglakad na palabas ng restaurant at dito sa labas ay may naabutan akong isang lalaki na nakatayo rito. Hindi ko pa makita ang pagmumukha nito dahil nakatalikod pa ito mula sa akin.

“Ikaw po ba ‘yong naghahanap sa akin?” magalang kong tanong.

Nang marinig nito ang tinig ko ay humarap na ito sa akin at saka ko pa lang nakita ang pagmumukha nito. Kusa akong napatigil nang kaagad kong nakita ang mga mata niyang singkit.

“Lance…” May bakas ng gulat kong sambit sa kanyang pangalan. Nag-iisa lang ang kilala kong may mga singkit na mga mata--at siya ‘yon.

Malapad siyang napangiti. “Long time no see, Alexa.”

Napalunok ako nang may inabot ito sa aking isang bouquet of red roses. Hindi ko napansin kanina na may dala siya nito.

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon