Dating SEVEN 4

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ako nakasagot agad dahil parang sa sobrang lapit ng mukha niya nararamdaman ko na yung hininga niya sa pisngi ko. W-waaa!

" M-malapit—"

" Hmn? "

" Yung mukha niyo po- sobrang l-lapit. "

" Ah! O-oh. Sorry. "
Biglang bumitiw siya sa pagkakahawak sa mukha ko at dali-daling tumayo.

" a-ahem! Anyway, kahit wala akong tiwala kay Topher na may matututunan ka sa kumag na yun. At least, I'm assured na hindi ka niya papabayaan. He's a teacher student. Hindi lang halata. " Sabi ni Kuya Seven habang nakaiwas ng tingin. * sigh * Buti na lang hindi siya nakatingin. Sobrang init kasi ng mukha ko.

" O-ok po. "
Sagot ko na lang.

" After breakfast..let's got at my working place together. "

" Sige po. K-Kuya Seven. "

" .... "

Pagkatapos naming kumain ng almusal agad akong tinulungan nung isanh maid na maligo at magbihis para sa lakad namin. Kahit sabi ni Kuya Seven malapit lang daw yung Restaurant sa bahay nagpumilit parin siya na mag dress daw ako, and yung kulay Pink daw na binili niya last week. Hindi naman ako nagsalita at tumango na lang. Napaisip tuloy ako.

Mahilig ba ang adult na version ko sa Pink? Baka nga siguro —

Nang matapos na ako sa pag aayos at iika ikang lumabas ng bahay gamit ang saklay ko agad na lumapit saakin si Kuya Seven at inilalayan ako papasok ng Kotse. Tahimik lang ako nang magsimula kaming bumiyahe dahil ito ang unang beses na makakapunta ako sa Restaurant na iyon. Pero dahil kasama ko naman si Kuya Seven...hindi ako masyadong nag aalala sa madadatnan o makikilala ko pa doon.

***

" ...wow.."

Yun yung unang nasambit ko nang makita ko yung Restaurant.

Ang modern nang design pero ang ganda. Hindi magarbo pero hindi naman makaluma yung dating. May mga halaman sa labas na parang garden tapos gawa sa salamin yung mga malalaking bintana ng Restaurant kaya nakikita ng konti sa loob. Parang ang sarap pumasok doon at mag kape o kaya kumain dahil malawak ang loob. Halatang proud si Kuya Seven sa Restaurant na ito dahil nakangiti siya habang tinitignan yung Restaurant.

Kung maganda iyon sa labas mas maganda pala sa loob! Ang lawak pala niya.

Ipinakita saakin ni Kuya Seven lahat ng mga Area doon pati yung VIP area

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ipinakita saakin ni Kuya Seven lahat ng mga Area doon pati yung VIP area.

Ipinakita saakin ni Kuya Seven lahat ng mga Area doon pati yung VIP area

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Seducing SEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon