5: Missing her?

1.5K 31 3
                                    

Chandra's POV

Nakakapagtaka...may something talaga. Ilang araw ng hindi bumubisita si Poste!? Three days nang sunud-sunod na hindi ito pumunta sa Restaurant. I know something's fishy pero wala namang nabago kay Seven. Busy pa rin sa Restaurant.

Syempre noong unang 'absent' niya sa pagpunta dito nagbunyi ako. Oo, nagdiwang talaga ako deep inside! Gusto ko na ngang magpa Fiesta 'e! Kahit yung mga traidor na waiters na laging nire-reserve ang table niya lagi ay nagtataka din. Seven was Indifferent kahit naglolokohan sa loob ng kusina dahil nga hindi dumadalaw yung poste, deadma pa rin siya. Day 2, ganoon pa rin pero may parang kulang.. ang mga traydor talaga itong mga ungas na mga waiter ni Seven dahil binabakante pa rin nila yung table.

Day 3, ito na nga. Parang walang gana at imik si Seven. Kaya sinipa siya ni Manager sa kusina. Angas no? Yung may ari ng Restaurant sinisipa lang ni Manager. Well—he's smiling while serving the customers pero paminsan minsan nahuhuli ko siya na tumitingin sa pintuan na para bang may ini-expect na bisita tapos biglang nalulungkot kapag hindi. * sight * Seven...nasaan na ba ang attention mo?

Play the Video-
[ Kung ako na lang sana ]
By: Sarah G.

Heto ka nanaman
Kumakatok sa aking pintuan
Muling naghahanap ng makakausap

Hinihintay mo siya ano..?

At heto naman ako
Nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan

Nakakainis ka.

Andito naman ako pero yung poste na yun yung hinihintay mo.

Ewan kung bakit ba
Hindi ka pa nadadala
Hindi ba't kailan lang nang ika'ay iwanan niya-

Hay, bakit kaya ganoon no? Parang tanga lang ang pag-ibig. Tulad nga dun sa sinabi ng favorite kong KDrama " Yung taong gusto ko hindi ako gusto, Yung namang taong ayaw ko, ayaw din ako. " Hay, pero buti pa naman si Kim Bok Joo may Joon Hyung! 'E ako? Ayun bokya pa ata!

At ewan ko nga sa'yo
Parang bale wala ang puso ko
Ano nga bang meron siya
Na sa akin ay di mo makita?

Bulag nga siguro talaga ang pag ibig. Kasi kahit anong sakit at kirot nitong puso ko ayaw paring tumigil sa pagtibok para sa'yo.

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling mag-iisa

Sana pwede na lang turuan ang puso, para hindi ako nagmumukhang tanga kakahintay at tingin sa'yo.

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling luluha pa

It's just unfair...kakarating niya lang tapos mas napapansin mo siya. Samantalang ako? I've been looking at you! Una ko pa lang kita sa'yo naramdaman ko na yung 'Spark' na sinasabi nila. Hindi ko maipalaiwanag basta! I like you..

Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sayo
Kung ako na lang sana...

" Teka nga!? Sino ba nag play nang kantang iyan?! Nakakaloka! " Sigaw ko tapos sinamaan ng tingin yung mga kasama kong waiters. "

Humarap saakin si Raven, tapos inisnob din ako. Iyan ang PMS king saaming lahat laging parang may dalaw hindi pala kibo. Ewan, part timer siya dito na tuwing gabi lang may shift kasi nag aaral. Matalino daw yan.

Seducing SEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon