"Tsaka bakit parang hindi maganda ang atmosphere sa loob?"

Yela's POV

(Author's Note: Tenenen te nen! Kamusta kayo?  May maikling POV si Yela XD)

Andito ako sa isang coffee shop para sa isang blind date. Natatandaan niyo ba yung sinasabi ni Mommy na anak ng friend niya? Well, eto na siya. Pero medyo nakakatakot siya. Mas nakakatakot pa sa kin pero okay lang naman siya kausap.

"Yela...a...anong...ho...hobby mo hehehe"

"Magbasa at mag internet. Ikaw?"

"A...ako...gu..gusto...kong...pa..pag..ex..pe..rimentuhan..yu..yung..mga..a..ala..ga ko...ng frogs at..da..ga...lalo...na pag...umiiyak...na sila...hang...saya..."

"Ha...haha! Oo"

Ahmm hindi pala siya okay kausap. Alam kong weird ako pero may reason naman yun pero siya parang may tama na talaga kasi eh. Gustong gusto ko ng umalis sa blind date na to pero kawawa naman to kung iiwan ko. Wala rin naman akong pupuntahan kaya siguro pagtitiyagaan ko na lang siya total naman gusto ko ng kaibigan eh.

"Ken O_____O"

~End of Yela's POV

Dahil nakaupo sila sa may bintana eh nakita agad ako ni Yela. Mukang nagulat pa nga siya. Eh ako rin naman nagulat. Mantakin mong napunta pala siya sa mall.

"Sino yung kasama mo? Akala ko ba hindi ka pwedeng lapitan? Or baka naman hindi KITA pwedeng lapitan? -__________-++"

"Ah Ken, mauna na kami. Kita na lang ulit mamaya!"

Natunugan naman ng barkada ang asar ko kaya iniwan na nila kami. Si Yela naman parang takot, gulat at di mapakali dahil nagkrus na lang bigla ang mga landas namin sa gitna ng lahat ng iwasan.

"Si Alfred. Birthday gift ng Mommy ko"

"Eh bakit parang di ka naman masaya diyan sa gift ng mommy mo?"

"Medyo weird nga siya tsaka nakakatawa yung itsura pero mabait naman siya"

Napabuntong hininga akong tumingin sa lalaki. Mabait? Arrrggghhh! Muka nga may tama yung utak eh!!! Tumingin din si Yela at humirit naman ng kaway at flying kiss yung lalaki na ikinatayo ng balahibo ko. Kung di ako nagkakamali tumulo pa nga ata yung laway kaya bigla kaming napatalikod ni Yela.

"Gusto mo ba yan?"

"Sa totoo lang medyo naweweirduhan ako sa kanya."

"Eh di tara na."

"Huh? Hindi pwede"

"Akala ko ba naweweirduhan ka? Ano ba gusto mong mangyari pahiran ka pa ng laway niyan bago ka umalis?"

"Pero masama yun gawin. Tsaka ano namang idadahilan ko?"

"Arrrgggh! You wait here"

Pumasok ako sa coffee shop at biglang nawala yung sobrang tamis na ngiti nung lalaki. Kinausap ko saglit tapos naglupasay na agad sa sahig yung weirdong lalaking yun. Lumabas na ko ng coffee shop na may ngiting tagumpay!

"Tara na"

"Bakit naiyak si Alfred? Anong sinabi mo?"

"Sabi ko kasama kita sa boy scout ever since grade school at nagpasex change ka lang hahahahaha! Tara na baka humabol pa eh!"

Kinuha ko yung kamay niya at tumakbo paalis  sa mall na yun. Pumunta naman kami sa isang restaurant dahil nagugutom na talaga ako eh. Si Yela naman ewan ko ba kung naguiguilty or ano. Hindi kasi mapinta yung mukha niya.

My Eerie GirlМесто, где живут истории. Откройте их для себя