Chapter 22

961 22 26
                                    

Asher Nicole's PoV

"Paano?" Tanong ko, "Nakita ko sila dati pa pero akala ko namamalik-mata lang ako... Pero kanina, sure na ako na hindi lang basta-basta halusinasyon iyon. Totoo sila." Nagkibit-balikat si Mama.

"I don't know if  you're just hiding your feelings, Ma. Wala kasing emosyon na mababasa sa'yo. Ang galing mong mag-tago." Lumabas ako ng bahay at pumunta sa malapit na parke.

Maraming batang naglalaro, mga magkarelasyon, nagiikot-ikot. Buti na lang nakapantalon ako baka kasi magmukha akong kaawa-awa o naglayas sa bahay kung naka-usual clothing ako.

"Miss, mag-isa ka?"

"May nakikita ka bang ibang tao bukod sa'kin? Tanga." Sarkastiko kong saad, napangiti siya. "Pa-hard-to-get ah. Sama ka sa'min masaya doon."

"Ha?"

"Sumama ka kako--"

"Hakdog." Iniwan ko siyang nakatayo doon, tumingin ako sa kaniya, "Pumili ka ng babaeng marupok na sa isang pa-sweet at ngiti mo ay bibigay na at sasama sa'yo. 'Wag mga katulad ko, mas bato pa sa iniisip mo."

"Akala mo kung sino kang maganda--"
Pinutol ko siya. Kung pwede lang din putulin 'yung dila nito ginawa ko na.

"Alam kong 'di ako maganda, bakit? Gwapo ka ba? Hindi e, malandi ka lang." Sagot ko rito at umalis na. Narinig ko pang naghiyawan 'yung mga kasama niya na, “Wala ka pala par, ang hina mo. HAHAHAHA!”

Tss, Oliveros ata 'to! 'Di ako nagpapadala sa mga ganiyan, loyal ako noh!

Enemies Into Lovers || p.jm (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now