Chapter 20

1K 22 4
                                    

Asher Nicole's PoV

"Ma, bakit mo kami piniktyuran?!" Tanong nito sa nanay niya na ngayon ay tumatawa na dahil sa itsura ng anak niya, sa sobrang puti halatang namumula.

‘Tss, bading pero okay lang, malapit na. Konti na lang, hindi ko na siya kayang pigilan.’

"Ang cute niyo kasing dalawa, alam niyo ba'yon?" Napabungis-ngis siya bago nagpaalam na lalabas, pero bago 'yon may pahabol pa si Tita, "Baka naman gusto niyong maghiwalay, baka magkapalit kasi kayo ng mukha e. Bye!"

Kanina pa pala kami nakaganoon, nakakahiya! "Sorry, sorry. Natuyo na tuloy 'yung nabuga ko sa'yo. Maghilamos ka na lang, hehe."

Ginawa niya naman ang sinabi ko tsaka umupo sa tabi ko, "Pahiga nga inaantok na naman ako." Naglagay ako ng unan sa hita ko bago ko siya pahigain.

"Tulog nang tulog 'di naman lumalaki, tss." Pinalo niya ako sa braso bago ngumiti, "Atleast mas matangkad pa rin ako sa'yo."

"'Wag kang pakampante, ilang inch lang ang tangkad mo sa'kin. Maabutan pa kita o kaya mas tatangkad pa ako sa'yo." Tumawa ako at sumibi naman siya.

"Bakit ba matutulog ka na naman?" Tanong ko, "Ang likot mo kanina e, pagising-gising ako." Sisi niya sa'kin. Hanep ah, sana tinulak niya na lang ako. Tulog mantika naman ako e.

"Nakanganga ka pa nga matulog e, nakakamaze lang kase walang laway na tumutulo." Winagwag ko siya ng mahina, "Letse ka ah! Hindi ako ganoon matulog!"

Enemies Into Lovers || p.jm (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now