"Gusto mo malaman kung bakit ako tahimik?"

Inilapit ni Yela yung muka niya sa kin at biglang hinawakan ang kwelyo ng damit ko. Feeling ko nakakakita ako ng anghel....na kumikislap ang mata at nagbabalak na kagatin ang leeg ko! Ano naman kaya ang balak niyang gawin? O___O

"Kaya ako tahimik kasi...."

"kasi?"

"kasi...hmmm"

"ka..kasi?

"Ayokong makipag usap sayo! Ano pa ba! Tumahimik ka na nga!"

Binitawan ni Yela yung kwelyo ko at tinulak. Ako naman parang nastroke na ata at feeling ko naubos lahat ng dugo ko sa katawan sa ginawa niya. Inexcite este tinakot niya ko ng sobra. Parang bigla akong nahiya pagkatapos niya yung gawin.

Teka...nahiya? Sinabi ko bang nahiya ako? Teka mali mali. Never pa kong nahiya sa babae. Kahit nga hagurin ako ng tingin ng mga babae, hindi ako nahihiya. Sadyang nang aasar lang tong eerie girl na to at mukang tuwang tuwa pa siya sa ginawa niya. Tsk! Patay ka sa kin. >:)

"Yela"

"Ano na naman?"

"May napapansin ka ba dito sa room ngayon?"

Tumahimik siya saglit at para bang nakiramdam. Inikot niya yung mga mata niya para tingnan ang paligid. Ako naman natatawa pero di ko pinapahalata. Hindi ko naman talaga alam kung may multo dito eh sadyang may plano lang ako. At yan ang ikamamatay ng babaeng to hahaha!  >:)

"May nararamdaman ka ba dito Yela?"

"Hindi ko alam pero parang..."

"Meron kasing kwento dito. Meron daw kasing pinatay na janitor dito kaya yung kaluluwa niya pakalat kalat. Gusto mo ba malaman kung bakit siya pinatay?"

"O..oo, bakit siya pinatay?"

Sinenyasan ko siyang lumapit sa kin para ibulong sa kanya ang dahilan. Lumapit naman siya na parang eager na eager malaman ang sagot. Kaya sinamantala ko ang pagkakataon para...

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"

Sunod ko na lang nakita ang sarili ko na tumatawa at siya naman nakatakip sa bibig niya. Bakit? Simple lang. Natikman niya kasi ang makamandag kong halik. Paniguradong first kiss niya yun kaya ganun ang reaction niya. Nakakatawa talaga hahahahahahahaha!

"Wag ka mag alala di ko ipagsasabi na first kiss mo ko. Pero pwede rin naman kung gusto mo. Ano? hahahahaha"

"Bastos ka! Ang sama mo!"

Kinuha niya yung bag niya at tumakbo palabas ng room. Ako naman tawang tawa pa din. Siya na nga tong hinalikan ko, siya pa tong galit? Privilege kaya yun. Sows naman! Pabor na pabor na nga sa kanya yun.

Sobrang naentertain talaga ako sa kanya ngayong hapon. Siguro naman walang masama kung hihingan ako ng reward sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko sa pagsunod sunod sa kanya. Kinuha ko na yung mga materials para makauwi na.

*Creakkkkkkkkk*

Ano yun? O______O Nagmasid masid ako sa loob ng room pero wala naman ng tao. Impossible namang si Eerie Girl yun.

"Sino yan?"

*Creakkkkkkkkk*

"Hoy sino yan?"

*Creakkkkkkkkk*

"Yela, ikaw ba yan? Wala namang takutan oh"

*Creakkkkkkkkk*

*Creakkkkkkkkk*

*Creakkkkkkkkk*

*Creakkkkkkkkk*

BOOOOOOOOOGGGGSSSSHHHHHHHH!

Isang mapanindig balahibong kababalaghan na naman ang nangyari. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako makatakbo dahil naiipit ako ng mga upuan sa classroom. Kung sinong may gawa hindi ko alam. Pero isa lang ang sigurado ko, may kinalaman na naman to kay Eerie Girl!

TT____________________________TT

X_________________________________________X

"YELAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"

____________________________________________________________________

Author's Note:

LA LA LA LA!  XD

Medyo natatangahan ako kay Ken. Kayo ba? :)) Pero kinilig ako ngayon sa chapter na to. Sana kayo din ^________________^

May idea na pala ako sa next chapter nito at on the way na siya. Pasensya na talaga pero hindi ako makapag update ng umaga, tuwing gabi talaga ako sinasaniban ni Eerie Girl. Tindihan niyo na lang ang prayers niyo pag gabi para makatulog kayo lels XD

Anyways, please do continue to vote, comment and read para ganahan akong magupdate. Thank you dears! :D

My Eerie GirlWhere stories live. Discover now