Epilogue

3.5K 117 11
                                    


One year later...

HABANG palapit sila sa bahay ng pamilya ni Thad ay parang malulusaw an ang mga binti ni Aya sa sobrang kaba. Ikakasal na sila sa susunod na buwan. Umuwi ang mama at mga kapatid ni Thad from London para makadalo sa kasal.

Noong nakaraang buwan pa nila sinimulan ang paghahanda para sa kasal nila. Simpleng kasal lang naman. Ang mga kamag-anak lang at mga malalapit na kaibigan. Last year ay ikinasal sina Dax at Tala. Sa Kaya ngayong taon lang sila magpapasal ni Thad.

Last year ay ipinakilala siya ni Thad sa adopted family nito. Okay naman ang mga ito. Thankful si Aya sa mga ito dahil ang mga ito ang nagpalaki kay Thad. Kung hindi rin dahil sa mga ito ay hindi niya makikilala ang bebe niya.

Pero sa ngayon ay hindi talaga niya kayang pigilin ang kaba niya. Makikilala niya ang mama Jean ni Thad ng personal. Nagkausap sila ng isang beses sa skype. Mukhang mabait naman ito. Pero iba pa rin kapag harap-harapan na.

"Paano kung hindi niya ako magustuhan?" nag-aalalang tanong niya kay Thad. Kung hindi magkahawak ang mga kamay nila ay baka napaupo na lang siya.

"Kahit nung hindi ka pa talaga niya nakikilala ay gusto ka na niya," pinisil ni Thad ang kamay niya. "She will love you. Don't worry."

"Pero, Thad." Namamasa ang kamay niya kaya ikiniskis niya 'yon sa pantalon niya. Palapit na sila ng palapit sa pinto. Pero ng nakatayo na sila roon ay hinarap niya si Thad. "Natatakot ako."

Natawa ito. Na para bang wala namang basehan ang takot niya. "Relax."

"Paano kung hindi niya magustuhan ang hairstyle ko? Paano kung may masabi ako na hindi niya gusto? Minsan basta na lang akong napapasabi ng gago ng hindi ko sinasadya. Baka isipin niya mahilig akong magmura. Baka hindi siya pumayag na ikasal tayo. Hindi ako kumakain ng palabok. Pero sabi mo paborito niya 'yon. Paano kapag pinakain niya ako ng palabok pero hindi ako makakain? Thad..." hinihingal siya sa dami ng nasabi niya.

Dahil busy sa paglilitanya ay hindi niya napansin na nagpipigil na mapatawa si Thaddeus. Kinabahan siya ng husto. Nararamdaman kasi niya na parang may nakatingin sa likod niya.

"Bukas na ba ang pinto?" pabulong niyang tanong kay Thad habang nanlalaki ang mga mata niya.

Inakbayan siya ni Thad at pinihit paharap sa pinto. "Mama, meet my soon to be wife, Malaya Hizon."

Isang ginang na may maiksing buhok at magandang ngiti ang sumalubong kay Aya. Hindi maipagkakaila sa mga mata at ilong na ito nga ang nanay ni Thad.

"Ikinagagalak kitang makilala, Malaya."

Nang yakapin nito si Aya ay saka pa lang niya unti-unting pinakawalan ang pinipigil na paghinga. "Ikinagagalak ko rin ho kayong makilala. Aya na lang po."

"Aya," mas lalong lumawak ang ngiti ng ginang. "I love your hair. Ang ganda-ganda mo. Minsan napapamura rin ako. Okay lang 'yon. At huwag kang mag-alala. Hindi kita pipilitin na kumain ng palabok. Wag mo rin akong pipilitin na kumain ng pastillas. And I love you already."

Natawa na lang sa sobrang kagalakan si Aya. "Thank you po, Ma'am."

"Mama na rin ang itawag mo sa'kin."

"Opo, mama."

"Ma, mag-uusap po muna kami sandali. Susunod na kami sa loob," paalam ni Thad sa ina nito.

Nang pumasok na ulit ang ginang sa loob ay kinabig ni Thad pasara ang pinto.

"Okay na? Hindi ka na ba kinakabahan?"

"Hindi na," natutuwang sabi niya. Pinisil niya ang panga ni Thad. "Kamukhang kamukha mo talaga ang mama mo. Ang bait niya. Ang saya ko."

Hinalikan siya ni Thad sa labi. "I told you she will love you. Because I love you."

Tumango si Aya. "Tara na, pasok na tayo. Hindi ko pa siya napapasalamatan."

"Dahil hindi ka niya pakakainin ng palabok?" pabirong sagot ni Thad.

"Dahil isinilang ka niya sa mundong ito," seryosong sagot ni Aya.

Niyakap siya ng mahigpit ni Thad. "Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko."

"Ikaw rin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko."

Wakas...

7r3

🎉 Tapos mo nang basahin ang Bebe Now That I've Found You (TEENAGERS IN LOVE: Book 5 ) 🎉
Bebe Now That I've Found You  (TEENAGERS IN LOVE: Book 5 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon