Chapter Four

2.1K 69 2
                                    


"KAPAG ganito ka ka-clingy, baka isipin ng mga tao na girlfriend kita."

Para asarin si Thad ay itinaas pa ni Aya ang magkasalikop nilang mga palad. Naglalakad silang dalawa sa campus kung saan sila pareho pumapasok ng kolehiyo. Nakita niyang naglalakad si Thad. Kaya naman mabilis niya itong nilapitan mula sa likod at hinablot ang kamay nito para hindi na ito makapalag.

"Anong baka isipin? Talagang iniisip nila na girlfriend mo ako at boyfriend kita. Matuwa ka dapat dahil maraming nagkakagusto sa'kin," mayabang na sabi ni Aya.

Totoo naman 'yon. Pangalawang semester na nila ngayon. N'ong unang sem pa lang ay marami ng nagpapalipad-hangin sa kanya. Wala siyang panahon. Ang paraan niya para itaboy ang mga ito? She always grab Thad's hands. Hindi na kailangan pa ng maraming paliwanag. Hindi mahirap isipin kung bakit nagho-holding hands ang isang lalaki at isang babae.

"Mer'on ba talaga o gawa-gawa mo lang 'yan?"

Kinurot ito ni Aya sa tagiliran. "Kahit pangit ako sa paningin mo, maganda ako para sa ibang guys dito sa campus."

Tumabingi ang ngiti ni Thad. "Sabi ko na nga ba at gawa-gawa mo lang 'yan." Kukurutin sana ito ulit ni Aya pero mabilis nitong hinuli ang kamay niya. "Time-out muna."

Inirapan ito ni Aya. Pero habang naglalakad ay patingin-tingin siya kay Thad. Bago ang graduation nila ay kinukulit niya si Thad kung saan ito maga-aral. Hindi raw ito maga-aral. Syempre hindi siya naniniwala. Kaya pinilit niya ito na doon na rin mag-enrol sa school kung saan sila papasok ni Tala.

Hindi niya ito tinigilan. Pagkatapos ng graduation ay panay ang bisita niya rito sa bahay nito. Hah. Isang malaking kamalian nito na isama siya sa bahay nito. Ewan niya kung nakulitan na lang ito o talagang doon na rin sa school kung saan siya maga-aral ang gusto nitong pasukan. Isang linggo pagkatapos niyang makapag-enrol ay pinuntahan niya ito sa bahay nito. Isinalubong nito sa mukha niya ang enrollment form.

"Thad, ikaw ang escort ko sa debut ko next month ha?"

Naging seryoso bigla ang ekspresyon ni Thaddeus. "Sa sembreak ba matatapat ang birthday mo?"

"Oo, bakit? May gagawin ka ba ngayong sembreak? Isang araw lang naman 'yon. Basta siguraduhin mo lang na dadating ka sa mismong araw. Okay?"

Hindi sumagot si Thad. "Bakit kailangan pa ng escort? Ano bang ginagawa ng escort pag debut? Kailangan ko bang hawakan yung gown mo para hindi sumayad sa lupa?"

Inis na itinulak ito ni Aya. "Oo! Oo, kailangan mong hawakan ang gown ko para hindi sumayad sa lupa!"

Natawa si Thad. Alam na alam ni Aya kung kailan totoo ang tawa nito. Kapag ganitong naniningkit ang mga mata nito ay totoong tawa iyon. Sobrang cute nito kapag tumatawa. Parang gusto niyang panggigilan ito at pupugin ng halik sa mukha.

"Tapos anong itatawag ko sa'yo? Mahal na prinsesa?"

Mukhang nasa mood talaga ito para mang-inis. Kung halikan kaya niya ito? Maiinis kaya ito? Tingnan natin...

Hinawakan niya ang kwelyo ng polo nito at hinila ito. Nanlaki ang mga mata nito. Bago pa ito makaimik ay hinila niya ito palapit sa mukha niya. Sinalubong niya ang labi nito ng labi niya. Naramdaman pa niya ang pagsinghap nito. His lips were so soft. Para bang lumutang siya sa hangin sa sandaling naglapat ang mga labi nila Kahit nanghihinayang ay tinapos din niya kaagad ang halik dahil nasa school premises sila.

Nakaawang ang labi ni Thaddeus at parang luluwa na ang mga mata sa panlalaki. Makalipas ang ilang sandali ay tinakpan nito ang labi. "Malaya... Aya... Tuazon. Nasa school tayo!" naglumikot ang mga mata nito. Pero maaga pa. mangilan-ngilan pa lang ang mga estudyante na pumapasok. Sa tingin ni Aya ay wala namang nakakita sa kanila dahil walang mga estudyante sa paligid.

Bebe Now That I've Found You  (TEENAGERS IN LOVE: Book 5 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon