Chapter Seven

2.2K 56 1
                                    

"BIBILI ako ng wine at barbeque para i-celebrate ang pagkatanggap mo sa trabaho."

Pabirong itinulak ni Aya si Thaddeus. "Hindi pa tayo sigurado na matatanggap nga ako. Paano kung hindi pala?" kinakabahang tanong niya kay Thad.

"Sigurado ako na matatanggap ka, dahil magaling ka," siguradong tugon ni Thaddeus.

Lumakas ang loob ni Aya. "Sige na, baka ma-late ka pa sa meeting mo." Inihatid muna siya ni Thad sa office kung saan siya tinawagan para sa isang interview. Ito naman ay may meeting para sa publishing house kung saan ito nagtatrabaho.

Lumakad naman palayo si Thaddeus pero paatras. Napatawa si Aya. "Alam mo," sabi pa lang niya pero tumigil na kaagad si Thaddeus sa kinatatayuan. "Alam mo, naisip ko na kung ano ang gusto kong maging term-of-endearment natin biglang boyfriend-girlfriend."

"Term-of-endearment?"

Tumatango si Aya habang lumalapit dito. "Yep. Bebe."

"B-bebe?" umiling si Thad. Mukhang litong-lito. "Bebe?"

"Oo, bebe. Ang cute kaya," tumatawang sabi ni Aya.

"Sige na, bebe, late ka na." Tumiyad si Aya at at hinalikan ito sa labi.

Nakatanga lang si Thad sa kanya. Ngayon ay siya naman ang naglalakad ng paatras habang nakatingin dito. Pagpasok niya sa building ay hindi kaagad siya sumakay ng elevator. May twenty-minutes pa naman bago ang interview niya. Sadyang inagahan lang talaga niya.

Aya: Simula ngayon, Bebe na ang naka-register na name mo dito sa phone ko. See you later, bebe.

Thad: Ha-ha.

Aya: Subukan mo lang wag ako tawagin ng bebe ia-uppercut kita.

Natatawa pa si Aya bago tuluyang sumakay ng elevator. Sa tenth floor ang office kung saan siya i-interview-hin. Nang maka-receive ng text message ay binasa niya kaagad 'yon sa pag-aakalang galing kay Thad.

Pero hindi pala. Galing sa kompanya na magi-interview dapat sa kanya ang text message. May nakuha na raw ang mga ito sa posisyon na ina-apply-an niya. Pinasalamatan naman siya ng mga ito. Paglabas niya ng elevator ay malungkot na malungkot siya. Wala sa loob na sumakay siya sa kabilang elevator para bumaba.

Pang-sampu na yata ito sa mga in-apply-an niya. Nawawalan na nga siya ng pag-asa. Pagkatapos ay nangyari pa ito.

Thad: How did you come up with bebe, anyway?

Aya: Hindi ako natanggap.

Thad: Huh? Nagbibiro ka ba? Ni hindi pa nga nagsisimula ang interview mo, ah.

Aya: Nag-text sila. May nakuha na raw sila para sa position. I guess I'm not good enough para tawagan at i-inform. Okay lang.

Pero hindi siya okay. Naiinis siya. Sobrang malas niya. Mas lalo pang tumitindi ang inis niya dahil sa pag-iinit ng sulok ng mga mata niya.

Pagkabasa naman ni Thad sa text ni Aya ay mabilis siyang sumigaw sa konduktor na bababa siya ng bus. Kahit tumalon siya ay gagawin niya makababa lang. Mabuti na lang at pumula ang stop-light. Kaya nagmamadali siya sa pagbaba. Hindi pa siya gaanong nakakalayo dahil halos kasasakay pa lang niya ng bus. Tinakbo niya ang pabalik sa building kung saan niya inihatid si Aya.

Eksaktong malapit na siya sa building ay lumabas naman ito roon. Mukhang napaka lungkot nito. Parang may humablot sa puso niya at pinagtatapakan iyon.

Ayaw niya ng nakikitang malungkot si Aya.

Tumakbo siya palapit kay Aya at niyakap ito ng mahigpit. Nang isubsob nito ang mukha sa dibdib niya ay nagsimulang umalog ang mga balikat nito. Mas lalong tumindi ang sakit sa puso niya.

Bebe Now That I've Found You  (TEENAGERS IN LOVE: Book 5 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon