Chapter Three

2.3K 63 0
                                    


"BASTA kapag tinapakan mo ang paa ko, gagantihan kita," mahinang wika ni Aya kay Thad. Silang dalawa ni Thaddeus ang partner para sa cotillion na ipe-perform nila sa nalalapit na JS Prom.

"Marunong akong sumayaw," sagot ni Thad.

"Ow," nakataas ang kilay ni Aya. "Hindi Macarena ang ituturo sa'tin, Lagdameo."

Napatawa si Thad. Mabilis na tawa pero malutong. Dahil doon ay napatingin sa kanila ang mga kaklase nila. Halos lahat ay nagulat. Kahit si Thaddeus ay mukhang nagulat rin sa ginawa nitong pagtawa. Bigla itong sumeryoso ng husto.

Pabirong siniko ito ni Aya. "Uy, marunong ng tumawa si Lagdameo."

"Tigilan mo 'yan," seryosong sagot ni Thad.

Kahit sobrang seryoso nito ay hindi kinakabahan si Aya. Hindi niya ito kilala talaga pero pakiramdam niya ay kilala niya naman ito. Magulo pero gan'on talaga ang nararamdaman niya.

Nang magsimula na si Mrs. Hablando, ang P.E teacher nila, na magturo ng steps ay nalaman ni Aya na totoo ang sinasabi ni Thaddeus. Marunong nga itong sumayaw.

"Naks naman. May itinatago ka palang galing sa pagsasayaw!"

"Sinabi ko naman sa'yo kanina." Walang yabang sa boses nito. Nagsasabi lang.

Makalipas ang ilang sandali ay si Aya pa tuloy ang nakakatapak sa paa ni Thaddeus. Paano ba naman ay sobrang tangkad nito. Hindi balanse ang taas nila kaya nahihirapan siya.

"Ang sakit na ng mga paa ko, Hizon. Ayusin mo naman."

Kahit napipikon ay nagpigil si Aya. Hanggang sa matapos ang praktis nila para ngayong araw ay tiniis niya ang mga parinig ni Thad. Pero pagkatapos na pagkatapos sabihin ni Mrs. Hablando na bukas na lang ulit ang praktis ay hinarap ni Aya si Thad at pinamaywangan.

"Ikaw kanina ka pa ha," dinuro niya ito sa balikat dahil iyon ang pinaka abot niya.

"Bakit? Anong ginawa ko?" pinag-krus nito ang mga braso sa dibdib.

"Hindi por que mas magaling kang sumayaw sa'kin e ganyan ka na." Habang dumadaldal, pakiramdam ba ni Aya ay umuusok na ang ilong niya. Pero natawa din siya ng ma-realize na para siyang bata. "Magse-seventeen na ako pero parang nagiging asal seven ako. Tsk. Oo nga pala, invited ka sa birthday ko Lagdameo. Ngayon lang kita i-invite kaya syempre hindi familiar sa'yo ang mga magulang ko. Ako ang bahala. Wag kang magiging weird d'on ha? Baka doon mo pa sabihin 'yang walang pamilya chu-chu mo."

Nang tingnan niya ang mukha ni Thad ay nakatitig lang ito sa kanya. Napakurap si Aya. Sobrang seryoso kasi ng mukha nito. Para pa ngang galit ito. Ang mukha nito ay iyon bang parang may hindi ito matanggap. Nakamot niya ang dulo ng ilong. Napasobra na yata ang mga nasabi niya.

"Sorry. Hindi ko dapat sinabi 'yon."

Napailing si Thad. Kinuha nito ang bag at naglakad na palabas ng gym. Napasunod naman kaagad si Aya dito. "Wag mo muna akong i-tutor ngayon," wika nito.

"Bakit?" nag-aalalang tanong ni Aya habang nakasunod dito. Nagalit nga yata talaga ito. Nang bigla itong tumigil sa paglakad ay bumunggo ang mukha ni Aya sa bag nito. "Ugh, asar." Umikot siya sa harap nito.

"Wag mo rin muna akong sundan ngayon," seryosong sabi nito.

"Bakit nga?" seryosong tanong din ni Aya.

"May mahalaga akong pupuntahan."

Gusto pa ri Aya na makipagtalo dito at kulitin ito kung bakit at kung ano ang gagawin nito. Pero tumango na lang siya. Susundan pa rin kita. Sinabi nitong wag kaya mas lalo lang siyang nangangati na sundan ito.

Bebe Now That I've Found You  (TEENAGERS IN LOVE: Book 5 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon