Chapter Eight

2.2K 55 1
                                    

DINI-DISTRACT ni Thaddeus ang sarili habang naghihintay kay Aya sa lobby ng building kung saan ito naga-apply ng trabaho. Ang totoo ay final interview na nito ngayon. Nakikinig siya ng music sa cellphone niya pero kahit itodo niya ang volume ay hindi naman siya makapag-focus. Nakatutok ang mga mata niya sa elevator.

Kahit kinakabahan ng bahagya ay proud siya rito.

Naalala niya ang usapan nila kaninang bago sila pumasok sa loob ng building.

"Mer'ong isang bakanteng posisyon sa publishing house. Baka interesado ka..."

Tinapik ni Aya ang dibdib ni Thad bago tumaas ang kamay nito at humawak sa panga niya. "Thaddeus Lagdameo, hindi damsel in distress ang girlfriend mo. Baka nakakalimutan mo kung paano kita in-stalk nung high school tayo. Wag kang mag-alala, bebe ko. Makukuha ko 'tong trabaho na 'to."

Napangiti siya ng malawak. Hinaplos niya ang buhok nito. Proud siya hindi lang dahil sa confidence at determinasyon na nasa mukha ni Aya. Proud siya dahil naniniwala siya rito.

Halos kalahating oras din ang lumipas bago niya nakita si Aya na lumabas ng elevator. Gusto niyang takbuhin ang paglapit dito. Pero ayaw niyang magmukhang nagpa-panic na pusa. Kaya hinintay na lang niya ito sa kinatatayuan niya.

Habang papalapit ito sa kanya ay wala siyang mabasang anuman sa mukha nito. Para pa ngang...malungkot ito. Huminga siya ng malalim.

"Aya, wag kang mag-ala––"

"I'm hired!" biglang bulalas nito. May malawak na ngiti sa mga labi nito.

Biglang natawa si Thad sa pinagsamang relief at katuwaan. Niyakap niya ito ng mahigpit. His heart was thundering against his chest. "Congratulations. I knew it. I knew you can do it."

Yumakap rin ng mas mahigpit si Aya. "Hay, ang sarap naman ng reward ko. Gwapo na mabango pa," sa halip ay sabi nito.

"Dapat i-celebrate natin 'to. May gusto ka ba?"

Sunod-sunod na tumango si Aya.

"SIGURADO ka ba? Ito talaga ang gusto mo?" tanong ulit ni Thad bago sila tuluyang pumasok ng sinehan.

"Pang-limang tanong mo na 'yan, bebe. Sure na sure ako. Ito talaga ang gusto kong panoorin." Hinila na ni Aya si Thad papasok sa loob. Maliwanag pa dahil ilang minuto pa bago magsimula ang pelikula.

Horror movie ang panonoorin nila. Si Keila ang niyayaya niyang sumama sa kanya. Pero ayaw nito. Mabuti na lang at may mapagmahal siyang boyfriend na handa siyang samahan.

"Maganda 'to," bulong niya kay Thad ng nakaupo na sila. Maganda ang pwesto nila. Hindi masyadong malapit pero hindi rin masyadong malayo.

May iginanting ibulong sa kanya si Thad pero hindi niya masyadong marinig dahil sobrang hina. Isa pa ay busy na siya sa pagi-imagine kung paano siya magi-inarte mamaya. Magpapanggap siya na natatakot para makayakap.

He-he.

Nang mamatay ang mga ilaw ay mas lalong na-excite si Aya. Si Thad naman ay hinawakan ang kamay niya. Aba, at mukhang mas excited pa ito sa kanya.

"Aya..."

"Shh... magsisimula na."

"Pero, Aya. Kasi..." hindi na itinuloy ni Thad. Sa halip ay humigpit lang ang hawak nito sa kamay niya.

Walang ideya si Aya. Nalaman lang niya ng magsimula na ang mga nakakatakot na eksena.

"Waaaaaahhhh!"

Bebe Now That I've Found You  (TEENAGERS IN LOVE: Book 5 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon