iii | Catching up with the past

220 26 22
                                    

Sinundan ni Solar si Chase sa loob ng mansion. Nangangamba siyang naghihintay si Hunter sa loob, ngunit wala ito. Umakyat sila sa malaking hagdan sa gitna at pimasok sa isang kwarto na nakapwesto sa dulo ng hall. Kumatok  si Chase pinaalam kung sino sila. Naghintay siya ng ilang segundo bago binuksan ng marahan ang pinto.

Sa gitna ng silid ay may isang malaking kama na napapaligiran ng gintong kurtina ay may nakahigang matandang lalake. Siya ba si Lucas?

"Master Lucas, ito na po si miss Solar Swan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Master Lucas, ito na po si miss Solar Swan." magalang na sabi ni Chase. Itinaas lang nito ang kanyang kamay para hudyatan si Chase na palapitin ako sakanya. Marahan akong lumapit at nasilayan ang kanyang mukha.

Makikita mo sa kanyang mukha at pagkaputi ng buhok ang pagtanda. Tumango siya kay Chase at agad itong lumabas ng pinto at naiwan kaming dalawa sa loob.

"Solar,kamusta ang iyong byahe?" sa wakas ay angsalita siya. "Pasensya na at hindi kita nasalubong sa baba, mahina na kasi ang katawan ko." dagdag niya.

"Naku, okay lang po."

"Pwede mo ba ang tulungang umupo?" aniya. Hinawakan ko siya sa balikat at sinuportahan ang kanyang likod, saka ko siya hinila pataas at pinasandal sa ulo ng kama. "Kamusta na si Alfonso?"

"Si Lolo Al? Okay naman po, may pagka ulyanin na pero mas malakas pa siya sa kalabaw." natawa siya sa sinabi ko.

"Alam mo ba kung bakit ka nandito?"

Nag-flash back lahat ng nanyari kanina kay Hunter. Nagsimulang kumulo ang dugo ko pero sinubukan kong kumalma at magsalita ng marahan.

"Uhm, akala ko biro biro lang ni Lolo Al, pero engaged  po ako kay Hunter?" sabi ko.

"Kilala mo ang apo ko?" aniya na parang gulat. Panong hindi ko makikilala ang kutong demonyong yon?

"Ah, nagkasalubong kami kanina." tipid kong sagot, pinipigilan ko ang bunganga ko at baka kung ano pa ang masabi ko.

"Ano sa tingin mo sa apo kong iyon?" curious niyang tanong.

Napakabastos, walang modo, demonyo at matapobre! Pero syrempre, kinagat ko ang dila ko at huminga ng malalim. Baka kung ano ang mangyari kapag nagdakdak ako dito.

"Uh, hindi ko po alam, sinabi lang kasi sakin ni Chase nung nakasalubong ko siya. He he--" pagsisinungaling ko. Teka, bakit ba hindi ko nalang isumbong ang ginawa niya?

"Hindi ka man niyang niya binati?"

Binati? tinarayan lang naman niya ako at hinalikan! "Hindi siguro niya ako napansin, nagbabasa kasi siya ng libro." pagsisinungaling ko. Napabuntong hininga siya.

"Pasensya na, maraming iniisip at responsibilidad ang batang yun. Pero sinisigurado ko sayo, pagnakilala mo siya, mabait at maalalahanin." aniya. Pumilantik ang magkabila kong kilay. Sigurado ba silang iisang bubuong lang sila nakatira? Asan dun ang mabait? "Ano sa tingin mo, gwapo ba ang apo ko?" dagdag niyang tanong.

Fragile Heart [ BTS KIM TAEHYUNG ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon