Chapter 9:Partner

4.6K 138 20
                                    

Jessica'POV

"Jane,sabihin na kaya natin kanila Mark baka kasi pagod na sila kakahanap saatin."

Isang oras na kasi ang nakalipas nung iniwan namin sila.Pagod na yata ang mga yun kakahanap saamin.

"tsk...hayaan mo silang maghanap."-Jane

Baliw talaga toh..Tumayo nalang ako at pumunta kay Hanna na hanggang ngayon ay tulog pa.Pinagmasdan ko lang siya.

Ang ganda talaga niya.Hindi mo masasabi na nakapatay siya ng tao.Mabait pa..Nakalimutan ko palang mag thank you sa kanya.Kung hindi sana siya dumating baka nasa langit na ako ngayon..

"Huy!"

"AHHH!"

Grabe nagulat ako dun!Nakakainis talaga tong babaeng toh gulatin ba naman ako.Pinalo ko siya sa balikat.

"Nakakainis ka!" sigaw ko sa kanya.

Bigla siyang tumawa..

"Hahahahaha!Kung makatingin ka kay Hanna parang meron kang gagawin na masama sa kanya ah!hahaha." tumawa pa siya ng masmalakas.

What?Gagawin na masama?Bakit ba ganyan siya mag-isip!?

"hmm."

Bigla kaming napatigil na dalawa kasi baka magising si Hanna.

"Shhhhh." sabi ko kay Jane.Tumango naman siya.Tinignan ko si Hanna,mahimbing parin ang tulog niya.

"Halika na nga." tawag ko kay Jane.

"Saan tao pupunta?"tanong niya.Pati din ako hindi ko alam kung saan pupunta.

"Ipasyal mo naman ako."nakangiting sabi ko.Ang ganda kasi ng lugar na ito.

Ngumiti din siya.

"Okay!"

Naglakad-lakad kami hanggang mapunta kami sa river na sobrang linis at linaw.Makikita mo ang mga isda na masasayang lumalangoy.

Umupo kami at ibinabad ang mga paa namin sa tubig.

"Paano mo nahanap ang lugar na ito?"tanong ko.Kasi hindi ko akalain na makakahanap sila ng ganito sa isla.Bigla siyang ngumiti.

"Hindi ako ang nakahanap nito kundi si Hanna."

Bigla akong napatingin sa kanya.Si Hanna?

Napangiti naman ako.Ang galing talaga niya.

"Jess diba may gusto ka kay Mark?" nabigla ako sa tanong niya.

"..huh?" hindi ko alam pero ang init ng mukha ko.

Tumawa siya tapos pinisil niya ang pisngi ko.

"Aray!" ang diin kasi ng pagpisil niya.Tumigil naman siya.

Ngumiti siya saakin.

"Di ba ang sabi mo saakin noon na may gusto ka sa kanya."tinignan niya ako pero tumingin ako sa malayo.

"yeah." mahina ang pagkasagot ko.

"Alam mo pansin ko lang na parang may gusto si Mark kay Hanna eh.Noon pa nung bago palang si Hanna sa bahay ampunan nun."

Lumungkot ang mukha ko sa narinig ko pero totoo naman yun.Nahalata ko noon pa.Natatawa lang ako kasi ang mature na namin mag-isip eh ang bata pa namin..hahahaa.

Nasa ganon lang kaming ayos ng bigla kaming nagulat na dalawa.

"AHA!NAHULI RIN NAMIN KAYO!" napatingin kaming dalawa ni Jane sa likuran namin.O-oh! (○●○)!

Black Rose ( The Legendary Black Gangster Queen)Where stories live. Discover now