Chapter 14: Kuroi Hitsuji

15 0 0
                                    

Limang araw na ang lumipas nung dumating si Hanna sa Mansion.

Hanggang ngayon ay nababahala pa rin siya sa kalagayan ni Miss Victoria dahil sa nakalipas na apat na araw ay hindi niya pa nakikita si Miss V. Pag naman magtatanong siya kay Mr. Kim ang butler ni Miss V na sinasamahan siya palagi ay ang sagot lang nito ay may Business meeting ito or kung ano pa na halata namang kasinungalingan.

Nililibang nalang niya ang kanyang sarili sa pagbabasa ng libro sa malawak na library ng Black Mansion. Tapos na kasi niyang libutin ang buong mansion at masasabi mong dalawang araw bago niya malibot ang lahat at hindi pa kasali doon ang malawak na paligid ng mansion at iba pang hideouts.

Si Mark naman ay sinundo ulit ni Mr. Alejandro. 

Darating na mamaya sila Jess at ang iba.

Abala ang lahat sa paghahanda para bukas. Gaganapin ang isang traditional na pagtatanghal sa kanila ni Mark.

Habang binabasa niya ang libro ay napapakunot ang kanyang uno. Mga isang oras na ang makalipas bago manakit ang kanyang mata kaya itinigil na muna niya ito.

Nagkibit balikat nalang siya at tatayo na sana ng may nalaglag na litrato sa libro na kanyang binabasa.

Pinulot niya ito at tinignan.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita at tinignan ulit ang pangalan ng librong kanyang binabasa.

     "Kuroi Hitsuji"

Kung hindi siya nagkakamali, ang ibig sabihin nito sa ingles ay "Black Sheeps."Ito ang kanyang piniling basahin dahil sa kakaibang anyo nito at napaka misteryo.

Ang libro ay tungkol sa apat na mga babaeng magkakaibigan na may madidilim na nakaraan.

Ang libro ay isang documentation tungkol sa apat kaya panigurado ay totoo ito. Tinitigan niya ng mabuti ang litrato.  Kung ikukumpera ang mga character sa libro ay parehang pareha sa paghahambing sa litrato.

Ang dalawang babae na magkatabi sa may left side ay magkamukhang magkamukha so ang ibig sabihin ay kambal sila at ang kasunod naman ay magandang babae na blonde ang buhok at ang mukha nito ay pamilyar...

Teka..

Nanlaki na naman ang kanyang mga mata sa gulat ng mapagtanto na si Miss Victoria ang babaeng nasa litrato.

At

tinignan naman niya ang babaeng katabi neto, ang panghuli..

Nakatagilid ito at isang side lamang ang nakikita ngunit nakapikit at naka halukipkip ang mga braso sa kanyang dibdib. Kita mo sa kanyang anyo na napaka misteryoso nito ngunit sobrang ganda dahil na rin sa kanyang buhok na itim na hanggang leeg. Tinago niya ang litrato sa likod na bahagi ng libro at muling napailing.

Napatulala siya. Ang librong to ay sobrang mahalaga at alam niya na hindi ito pwede basahin ng kung sino man.

Ang author ng librong ito ay pinag-aralan ang apat na babaeng ito at ikinompol sa librong ito.

Tinignan niya ang pangalan ng author ng libro.

" Akihito Takeji "

Kasama narin ang signature nito.

Bubuklatin pa sana niya ang libro ng may kumatok sa pintuan.

" Young Miss, Paumanhin sa abala ngunit pinapatawag po kayo ni Miss Victoria."  magalang na sabi ni Mr. Kim.

Tumayo siya agad at itinago ang libro sa pinaka likod ng malalaking libro upang hindi agad makita. Masaya siya dahil dumating na si Miss Victoria.

Lumabas siya at naghihintay sa kanya si Mr. Kim at mga armadong lalake na kanyang bodyguard kung tawagin. Napailing siya dahil dito.

" Let's go" sabi niya at nagsimulang maglakad. Alam niyang nandoon sa pribadong opisina niya si Miss Victoria.

Pagkapasok niya opisina, napatingin agad siya sa malaking painting na bumungad sa kanya. Ito ay imahe ng  iba't ibang simbolo pero ang kapansinpansin dito ay ang apat na rosas. Color red, violet, white and black.

"Hanna.."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Black Rose ( The Legendary Black Gangster Queen)Where stories live. Discover now