Chapter 4:Dangerous Island

6.2K 154 10
                                    

Habang umaandar ang sasakyan kinausap kami ng babae na hindi pa namin kilala.


"Mga bata alam ko hindi niyo pa ako kilala.Ako nga pala si Victoria Smith."

Hindi kami umimik.......

"Hahahaha..sa tingin ko ay takot kayo saakin.Huwag kayong matakot dahil hindi ko naman kayo kakainin ng buhay pero masama ako magalit kung may mali kayong nagawa.Ahy!oo nga pala hindi ko pa naitanong kung anong mga pangalan niyo hindi ko pa kasi nakita ang mga file niyo.Ano pala ang mga pangalan niyo"tanong niya saamin habang nakangiti

"Ikaw muna."sabi niya saakin

"Ako po pala si Hanna"sabi ko.

"Ako po si Jessica"

"Mark"

"Kent 

"Jane"

"Luis"

"Saan po tayo pupunta?"tanong ko pabulong.

"hmmmm..basta sa napakalayong lugar.Marami pa kayong makikilalang bata doon."sabi niya habang nakangiti.

"Marami daw tayong makikilalang bata na kagaya natin...yehey."sabi ng mga kaibigan ko sa isa't isa habang ngumingiti.

"Boss,napakasaya nila ngayon paano na kaya kung nakarating na sila sa pupuntahan natin."sabi ng lalakeng driver.

"Manuel hayaan mo muna silang magsaya."sabi ni Miss Victoria.

Nagtaka ako sa aking narinig.Parang meron akong masamang pakiramdam sa pagsama namin sa kaniya.

Bigla kaming tumigil sa harap ng mataas na building.Maraming mga taong nakaitim ang sumalubong saamin.Agad nilang binuksan ang pintuan ng sasakyan.

"Mister Kim,Ayos na ba ang pinag-uutos ko saiyo?"tanong ni Victoria.

"Yes,Victoria-sama."sabi naman ni Mister Kim.

"Good,maaasahan ka talaga Mister Kim."sabi ni Victoria habang naka ngiti.

Nagbow naman agad si Mister Kim.Pumunta kami sa pinakatuktok ng building at nakita namin ang isang helicopter.

"Wow!Ang ganda pero nakakatakot sumakay."sabi namin dahil ngayon lang kami nakakita ng ganon sa totoong buhay.Sa tv lang namin iyon nakikita.

"Nagandahan ba kayo mga bata?"tanong saamin ni Miss Victoria.

"Opo pero nakakatakot pong sumakay."sabi naman namin.

"Huwag kayong mag-alala dahil meron naman yang seatbelt para hindi kayo mahulog."sabi naman ni Miss Victoria habang nakangiti.

"Bakit ganon napakabait niya saamin ngunit meron parin akong masamang pakiramdam.Para bang may masamang mangyayari."bulong ko sa aking sarili.

"Mga bata sumakay na kayo."tawag saamin ni Miss Victoria

Agad kaming sumakay at inayos ang aming seatbelt.

"Grabe ang ganda!Ang sarap palang sumakay dito.Matagal ko na itong pangarap."sabi ni Jane habang tumitingin sa bintana.

"Nagustuhan niyo ba?"tanong ni Miss Victoria saamin.

"Opo."sigaw nila pera lang kami ni Mark.

"Hindi niyo ba nagustuhan Hanna at Mark?"tanong niya saamin dalawa

"Nagustuhan po namin."sabi namin habang nakatingin sa bintana.

"Ok."sabi niya tapos tumingin sa harap

Black Rose ( The Legendary Black Gangster Queen)Where stories live. Discover now