Chapter 11: The Heir (Choosen one)

2.9K 93 21
                                    

Hey guyz!Fast forward po tayo...hehe..Gagawan ko po ng story si Victoria about sa flashback niya pero Ilang chapters lang siya so its a SHORT STORY!Alam kong alam niyong matatagalan ang paggawa ko ng story niya so hintay hintay nalang po tayo..hihihi

(Pinapaalala ko lang po VERY SLOW UPDATE PO ANG BLACK ROSE)

So back to present po tau..hehehe..^-^v

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Hanna's POV

Hindi ko mapigilan ang luha ko nung marinig ko ang kwento niya.Grabe ang saklap.Bata palang siya pero naranasan niya na ang mga yon.

Niyakap ko siya.I don't know pero bigla nalang akong napayakap kasi alam kong kailangan niya to.Napayakap rin siya sakin.

"Hanna ,*hic* bakit ganon? *hic* " humagulgol siya.Hinigpitan niya pa ang yakap niya. "Ano bang kasalanan ko!?"

"Shh..Wala po kayong kasalanan.Huwag niyo rin pong sisihin ang sarili niyo." sabi ko.

"Ako nga po hindi ko po alam kung sino ang mga magulang ko pero meron naman akong mga kaibigan na nandyan palagi.Nandito naman po kami kaya hindi po kayo nag-iisa." naka ngiting sabi ko.Tumahan na sa kakaiyak si Miss Victoria.Kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita.

"Alam niyo po ba nung una ko kayong nakita sa bahay ampunan.Kala ko kung ang sama-sama mong tao..hahaa..pinagsisihan pa nga namin na hindi kami nagpaampon sa iba.." tumulo na naman ang mga luha ko "..pero nung nakilala na kitang mabuti nagkamali ako ng pagkilala sa inyo kasi ang bait mo palang tao.Alam ko kung bakit mo ito ginagawa.Ginagawa mo ito para rin sa kapakanan namin..Sa ilang taon ko pong nakatira sa islang ito ikaw po ang tumayong nanay namin.." naiiyak na sabi ko.

Totoo ang mga sinabi ko.Kung makikilala niyo lang talaga ng mabuti si Miss Victoria alam kong magugustuhan niyo din siya.

Humiwalay siya sa yakap at pinunasan ang mga luha niya pero ngayon nakangiti siya.

"T-thank you,Hanna..Hindi talaga ako nagkamali ng pagpili sayo.Alam mo ba nung una rin kitang nakita nakikita ko ang sarili ko sayo nung kasing-edad mo ako.." nakangiting sabi niya habang hawak niya ang buhok ko.

"Alam mo,magkasing-edad na sana kayo ng anak ko kung buhay pa siya.Baka magkasing ganda din kayo." nakangiti siya pero may luha na pumatak.hmm..alam kong naiiyak na naman siya.

Agad niyang pinunasan ang mga luha niya.

Tinignan niya ako sa mga mata at hinawakan ang kamay ko.Naging seryoso din ang mukha niya..Bigla akong nagulat.

"Hanna,I choose you." seryosong sabi niya.

"Huh?" naguguluhan na tanong ko.

"Ikaw ang napili ko na papalit saakin.I choose you to be my heir and to be the next Queen,Hanna." sabi niya.
.
.
.
.
.
.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makasalita sa gulat.What the..

"M-miss,a-ano p-pong p-pinagsasabi niyo?..hahah..Joke po ba yan!?" alanganin na tawa ko.

"Hanna,I'm serious.Ikaw ang napili ko.Don't worry dahil na kausap ko na ang lawyer ko.Ipap-.." pinutol ko ang sasabihin niya.

"Miss!Bakit po Ako!?" gulat na tanong ko.Napahawak ako sa noo ko.Napatayo na rin ako at pabalik balik na naglakad

"Bakit niyo po pinapasa sakin ang mga ari-arian niyo?Para naman po kayong mamamatay niyan eh..." napatigil ako sa pagsasalita nung marealize ko ang sinabi ko.Agad akong napatingin sa kanya.

Black Rose ( The Legendary Black Gangster Queen)Where stories live. Discover now