Kabanata 12

2.7K 62 0
                                    

Kabanata 12 : Conflicting Feelings

Matapos ang araw na iyon na makilala ng lahat ang dating amo ng binata, kasunod naman na iyon ang pagdalaw nito sa binata araw-araw.

" How long is she planning on tagging along, Katerina? " iritang bulalas ng dalagang si Grace sa kaibigan.

" I don't know. At saka, bakit ako ang tinatanong niyo? " asik ng dalaga sa mga ito.

" D, come play with me I'm bored " napatingin ang dalaga sa nagsalita iyon lang naman ang babaeng si Red.

Sa isipan pa nito, 'wala ba siyang ibang gawin kundi guluhin at akitin tong si Daemon? '

" May kailangan pa kong gawin kaya if you'll excuse me " diretsahang sagot ng binata rito na siya namang ikinainis ng dalagang si Red.

" Buti nalang at iniiwasan siya nitong ni Daemon " wika pa ni Amy sa kaibigan.

" Hey girls, why don't we try something fun? Wanna come? " biglaang pagyaya ng mga lalaki.

" At ano naman yon? " pagtatanong naman nila Katerina rito.

" Hehehe, may nakita kaming kuweba malapit rito di kalayuan napag isip isip namin na gumawa ng isang game. Test of courage, ano game? " pagpapaliwanag pa ng mga ito.

" Kuweba? Teka, safe ba yon? " paniniguradong tanong ng mga dalaga rito.

" Yup, it said there was a shrine back then but now it's only just for tourist attraction. Don't worry it's safe " dagdag pa ng binata sa mga ito.

" Ohh, test of courage pala ah. Count as in Troy! " masayang bulalas ng mga ito. Kahit ang ibang kasamahan nilang abala sa ibang gawain ay nakisali na rin.

Kung tutuusin halos lahat ng kanilang kakilala sa mistulang business outing na ito ay nakisali na rin.

" So it's settled then, tonight at 8 let's meet up here when we get there we'll decide on the pairings. Is that okay? " ani pa nito.

" You really like to explore don't you " ani ng dalaga rito.

" Kyaahh, I hope makapartner ko si Troy. Excited nako " masiglang asik ng dalagang si Amy. Natawa na lamang ang dalaga sa kaibigan.

" I can't wait later. I hope ikaw ang maging kapartner ko " napatingin ang dalaga sa kinaroroonan ng binata at ng babaeng si Red nang marinig niyang sabihin iyon ng dalaga.

Mas lalo tuloy nainis ito sa inasal ng taong iyon.

Mabilis na lumipas ang oras at lahat ng mga sasama sa mistulang plano ay naroroon na sa sinabing lugar.

Ilang beses na rin ni Katerina inilibot ang kaniyang paningin sa paligid sa paghahanap sa binata ngunit hindi niya ito makita.

' Nasaan naman kaya ang isang yon?'

" Katerina, di ba sasama si Daemon? " pagtatanong ng kaibigan niyang si Amy at Grace.

" Hindi ko alam, baka abala siya sa babaeng yon" tuwing naiisip iyon ng dalaga hindi niya maiwasang mainis at mairita sa pagmumukha ng taong iyon.

'Teka, bakit ba ko naiinis kung magkasama sila?' Sita pa ng dalaga sa sarili.

" Omg, don't tell me nagseselos ka!" wika ng mga ito sa kaniya kaya nabigla ang dalaga.

" H-Hindi ah! " nauutal na tugon ni Katerina. Nagulantang ang dalaga sa kaniyang narinig sa isipan pa nito.

' Ako nagseselos? That's impossible. At saka, naiinis lang naman ako dahil sa babaeng yon dahil sa kaniya hindi nagagawa ni Daemon ang trabaho niya ng maayos. That's the reason, that's the only reason and nothing more ' napatango naman ang dalaga sa naisip niya. Para sa kaniya iyon lang ang nakikita niyang rason kaya siya naiirita sa tuwing nakikita niya ang dalawa na magkasama.

" Speaking of the devil, magkasama na naman sila " nakangising wika ng mga ito. Nang makita ng dalaga kong sino ang tiynutukoy ng kaibigan nito hindi siya nagulat pa na magkasabay itong dumating.

" Hi Daemon, buti at dumating ka " pagbungad ng mga kaibigan ng dalaga rito. Tiningnan niya lamang ang binata pero ni hindi ito umimik bagkos, iniwas pa nito ang kaniyang paningin sa binata.

Hindi maiwasang mapansin ng binata ang pagiging tahimik ng dalaga sa  kaniyang harapan.

" So I guess everyone's here. Let's go! " anito.

" How childish can they get. These people really makes me laugh " sita ng dalagang si Red sa mga ito sapat na marinig lamang ito ng binatang si Daemon.

" Yikes, it's creepy " aniya.

" T-Talaga bang safe to?" paniniguradong pag uusisa ni Katerina.

" Kagaya ng sinabi namin kanina, it's safe at ito pa kumuha na rin kami ng map sa kuwebang to. Kumuha na rin kayo ng copy bawat isa" pag aanonsiyo pa ng dalagang si Grace. Sumunod naman ang lahat sa sinabi halos iba iba ang maririnig mo sa bawat isang naroroon.

May iba na masaya ito nagagalak sa mangyayari. Mayroon rin namang natatakot at kinakabahan.

" Magsimula tayo sa pagbunot ng magiging kapares niyo sa magiging event na ito" dagdag pa ng mga ito.

" Let's start, kung sino ang may magkaparehong numerong nabunot ang magiging kapares ninyo. Maliwanag?" aniya

Matapos ang ilang minutong pagbubunutan, ay hindi makapaniwala ang dalaga sa kaniyang nabunot. Hindi inaasahan na ang kapareho niyang numero ang binatang si Daemon.

" Haayy " napabuntong hininga na lamang ang dalaga.

" Let's start, since every one is partnered up. You will go according to the numbers you've picked. First, team number 1 start now" aniya.

'Kung minamalas ka nga naman. Kami pa ang number 1' sita ng dalaga sa sarili.

" Pero bago kayo pumasok  the next team will follow after 5 minutes when the previous team entered. Okay, pwede na kayong pumasok" wika pa ng mga ito.

" Good luck, Katerina and Daemon!" masayang sigaw pa ng mga ito sa kanila.

" Shall we?" pag aalok ng kamay ng binata pero hindi ito tinanggao ng dalaga at nauna pa itong maglakad.

Nang makapasok ang dalawa, tanging katahimikan ang namamagitan sa dalawa.

" Kapag nagpatuloy lang tayo sa dinadanana natin makakarating na tayo ng madali sa may shrine " ani ng dalaga pagsira ng katahimikang bumabalot sa paligid.

" Hmm " simpleng pagsagot ng binata.

Habang patuloy sa paglalakad ang dalawa, isang biglaan at panandaliang paglindol ang naganap.

" Kyaahh!! A-Anong nangyayari? " napatigil sila sa nangyari. Hindi mapigilang makaramdam ng pagkakaba ang dalaga.

" Katerina! " mabilis na inalalayan ng binata ito. Tumigil rin ito ng isang minuto bago ito tuluyang tumigil.

May naririnig rin silang mga pagsigaw sa di kalayuan sa kanilang kinaroroonan.

" Kyaahh, bakit ba to kailangang mangyari? " wika ni Katerina habang napapikit na lamang ito at hinintay na tumigil ang pagyanig ng paligid.

" Wag kang mag-alala " napatingin ang dalaga rito. Laking gulat nito ng makitang nasa harapan niya ito at pagprotekta nito sa kaniya. Gamit ang pagkulong nito sa  kaniyang mga bisig.

Sa pagkakataong iyon, biglang nakaramdam ng kakaibang nadama ang dalaga. Hindi niya alam pero, para sa kaniya pamilyar ang ibinibigay nitong kakaibang pakiramdam sa kaniya.

" It stopped, I guess we can continue now" wika ng binata. Ilang sandali pa bago sumagot ang dalaga kaya nagtaka ito.

" Y-Yeah " pilit na iwala sa isipan ni Katerina ang nangyaring iyon kanina at ang kakaiba niting naramdaman ng mga oras na yon.

' What was that feeling right now? '

LASCIVIOUS 1: Lustful Night [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now