Kabanata 3

5.5K 101 3
                                    


Kabanata 3: His other side

Umagang umaga pa lang ay nasira na ang katahimikan na inaasam-asam ni Katerina. Para sa kanya gusto niyo munang magpahinga dahil ilang linggo ring sunod sunod ang kanyang trabaho sa pag-aasikaso sa business.

"Good morning!! " sigaw ng isang dalaga habang dire-diretso lang ito sa pagpasok sa opisina ng dalaga. Halata dito ang pagiging energetic at masayahing tao kasunod nitong pumasok ang isang binata na sa unang tingin pa lang ay napakatahimik at tila mahiyain. Talagang magkaiba ang magkapatid na sina Amy at Zach sa pag-uugali palang ng mga ito.

"at ano namang masamang hangin ang nagdala sa inyo dito ha? " pagbungad naman ni Katerina dito.

"ahm. Is it a crime to miss my best friend?" tanong nito na sabay irap pa sa kaibigan.

"umiiyak na nga itong si Amy dahil na postpone ang pagbisita niya dito noong tatlong araw pa dapat noon" pagpapaliwanag ni Zach dahilan na mainis ang kapatid nito.

"teka nga at sino naman yan? Is he your boyfriend? " biglang pagtanong ng kaibigan nito sa kanya. Napaismid naman ang dalaga sa naitanong nito kasabay ang pagsulyap niya sa binatang nasa gilid niya.

"sira siya nga pala-" naputol ang pagsasalita ni Katerina ng magpakilala ito ng kanyang sarili.

"I'm Daemon Rouge personal bodyguard of Miss Katerina." pagpapakilala nito at ngumiti halatang nabighani si Amy sa nakita nitong napakagwapong nilalang sa kanyang harapan at para sa dalaga mas lalo pa itong gumwapo ng magsalita ito.

"Ayan na wala na si Amy kapag may nakita nga naman gwapo napapatulala. Hoy Amy Winn! " pagpukaw ng kanyang kapatid dito.

"hehe. Nice meeting you Daemon" ani ng dalaga at binigyan ng nakakalokong tingin si Katerina.

"haayy. Daemon pwede mo bang sabihan ang katulong na maghanda ng meryenda dito sa opisina ko" pag-uutos naman ni Katerina na hindi man lang tumitingin at abala sa pag-aasikaso at pagpipirma sa mga papeles.

"I will, Miss " pagtugon ng binata at ilang saglit pa ay umalis na ito. Sakto naman pag alis nito ay kaagad na lumapit si Amy sa best friend niyang si Katerina at tila batang pumapalakpak pa at napapatalon sa kilig nito.

"oy best, ang swerte mo ang gwapo ng bodyguard mo ah. " pagsimula nito.

"ano ka ba Amy bodyguard ko lang siya" mabilis na sagot naman ni Katerina dito habang si Zach naman ay tahimik lang na nakaupo at may pinagkakaabalahan sa kanyang cellphone.

"grabe ah asan mo ba siya nakuha? " dagdag pang tanong ng kaibigan. Napabuntong hininga nalang si Katerina dahil alam niyang hindi siya pipigilan nito sa kakakulit.

"hindi ko alam okay. All I know one day bigla nalang siyang sumulpot na parang kabute at naging personal bodyguard ko that's all" pagpapaliwanag niya sa kaibigan pero bakas dito na hindi pa sapat ang nalaman nitong kwento.

"how old is he anyway? " sunod sunod na pagtatanong ni Amy.

"I don't know" sagot ni Katerina dito dahilan na mapakunot ang noo ng kaibigan niya.

"teka ha bodyguard mo siya pagkatapos hindi mo alam ang edad niya baka di mo alam saan siyang lupalop nanggaling" sarkastikong wika ni Amy dito.

"Katerina, you should know your people wag ka ngang masanay sa ganyang pag-uugali mo" dagdag ni Zach.

Di na sumagot pa si Katerina well may point naman ang mga kaibigan niya pero hindi naman siya masisisi. Napaisip naman siya ni hindi niya alam ang tunay na pagkatao ng kanyang nasabing bodyguard kahit na dalawang linggo na itong nagtatrabaho sa kanila, kaya naisipan niyang tiningnan ang form nito.

Nakuha ang kanyang atensyon ng malaman niya ang tungkol sa binata. Paulit-ulit niyang tiningnan ang form nito at baka namamalikmata lamang siya dahil ni isang katiting na impormasyon tungkol sa binata ay walang nakalagay, ang tanging naroroon lamang ay ang pagsang-ayon nito sa kontratang maging personal bodyguard niya. Dahil sa pagiging misteryoso nito ni hindi niya mapigilang mapaisip tungkol sa buong pagkatao ng binata at bakit kailangan pa nitong itago ang kanyang buong pagkatao at bakit ganoon nalang ito ka desidido na maging bodyguard niya? Iyan ang mga katanungang bumabagabag sa isipan ng dalaga ni hindi niya alam na paulit-ulit na siyang tinatawag ng kanyang kaibigan na si Amy.

"interested in me now, huh" napalundag ng bahagya si Katerina sa kanyang kinauupuan bumilis rin ang tibok ng kanyang puso dahil biglaan na lamang nagsalita ang binata sa may tainga niya ni hindi man lang niya napansin ang presinsiya nito dahil sa sobrang pag-iisip niya kanina.

"ahem" pag-ismid niya bilang pagtago ng kanyang pagkabigla kani-kanina lang. Habang ang kanya namang mga bisita ay abala sa pagkain napatigil nalang ito ng umismid siya at napatingin sa kanilang direksyon.

"I have a right to know who is working with me " malamig nitong wika at hinarap ang binata pero nginitian lamang siya nito.

"Just get lost " inis na bulalas ng dalaga.

"Kate! " bulyaw ni Amy sa kaibigan dahil sa pagiging walang puso nito.

"it's okay Miss Amy. If you'll excuse me " magalang na pagpapaalam ng binata at sinunod nga ang sabi ng dalaga at umalis, habang nakatingin lang ang lahat sa binata na papaalis hanggang sa mawalan na ito.

"Kate! What was that?" singhal pa nito kay Katerina.

"That was rude, Katerina " singit pa ng binatang si Zach.

"why are you overreacting anyway" wika pa ng dalaga na para bang hindi alam nito ang ginawang kasalanan.

"were not overreacting, you're just rude your being cold to him his only intention is to work" pag aaral pa ng kaibigan nitong si Amy at Zach.

"that's it he's only working to us, why would I give him special treatment for " asik ng dalaga sa dalawa. Napabuntong hininga na lamang ang mga kaibigan nito sa tutuusin ni hindi nila nakitang nagkaibigan pa itong si Katerina bukod sa kanila, simula nitong nakaraang isang taon na.

"Alam mo kapag nagpatuloy pa yang pagiging ganyan mo wala nang taong lalapit sayo" ani pa nitong si Amy at sumubo nalang ng pagkain. Hindi na sumagot pa si Katerina at lumabas na nalang ito para magpahangin.

She's not that rude maybe she really does change after all what happened with her. Ilang saglit pa di niya alam kong bakit naroroon na siya sa tapat ng pinto ng silid ni Daemon.

"what am I doing? God, it's not like it's a big deal Katerina " sita pa nito sa sarili na hindi mapakali at pabalik -balik sa may pinto. Matagal tagal na rin simula nang humingi siya ng patawad sa isang tao .

"Bahala na nga" kakatok na sana ito ng bumukas ang pinto.

Napatigil siya ng iluwa nito ang binata na kauna-unahan niyang nakitang naka White T-shirt lamang ito at pants. Mamasa masa pa ang mga buhok nito na alam mong kakatapos lang nito maligo.

"Ahem" pagsisimula ng binata.

"ahm. I just want to say sorry? " wika ng dalaga na hindi man lang nakatingin sa binata.

"is that it? " nagulat ang dalaga sa inasal nito at gulat na napatingin dito ng wala sa oras.

"excuse me? I came here to say sorry and that's what you answered me? " inis nitong wika.

"haayy. " nabuntong hininga pa ang binata bago humarap uli sa dalaga.

"I don't even think your saying sorry with that kind of attitude, Katerina " wika nito at biglang hinawakan ang dalaga sa may pulso nang may lakas.

"l-let me go! What's wrong with you?! " ibinawi ng dalaga ang kanyang kamay mula dito hindi niya alam pero para sa kanya ang lalaking kanyang nasa harapan ngayon ay ibang iba sa Daemon na kilala niya. Hindi na siya nagsalita pa at umalis na ng tuluyan hindi niya mapigilan ang kaba na kanyang naramdaman kanina lamang sa nangyari napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib at napasandal sa pader habang pilit na pinapakalma ang sarili. Dahil sa nangyari may mga alaalang muling nagbalik sa kanya noong mga araw na iyon.

Habang sa kabilang banda habang papalayo ang dalaga tanging pagsunod lamang ng pagtingin dito ang nagawa ng binata. Inihilamos niya ang kanyang kamay at sa inis sa kanyang nagawa kahit na pilit niyang itago ay bumabalik pa rin ang bagay na kinasanayan niya noon, at higit pa doon ay nakita iyon ni Katerina.

LASCIVIOUS 1: Lustful Night [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now