Kabanata 9

3.4K 70 3
                                    

Kabanata 9 : The Business Outing

Ilang buwan na ang nakalipas, simula ng araw na nagsimulang magtrabaho ang binata sa pamilya Fuentes.

At ngayon na araw, isang malaking pagtitipon ng mga batang makapangyarihan lalo na sa larangan ng business.

" Good morning! " maligayang pagbati nila sa dalagang si Katerina. Sinalubong rin ito ng mahigpit na yakap ng kaniyang kaibigan.

" Hi Daemon, nandito ka rin pala. No wonder " wika nito at tiningnan ng nakakaloko ang kaibigan.

Napairap na lamang si Katerina sa pinapakita ng kaniyang mga kaibigan.

Dahil bago ito umalis para sa nasabing business gathering. Kinausap na pala ng kaniyang tiyahin ang binata para sumama sa dalaga.

Ni walang nagawa ang dalaga sa naging desisyon ng kaniyang tiyahin. Kaya dalawang buwan niya itong makakasama sa mistulang business outing na ito.

" Your room is still at the top floor, as always " singit ng binatang si Zach.

" Teka, saan mo patutuluyin iyang si Daemon huwag mong sasabihin magkasama kayo sa iisang kwarto? " maintrigang wika ni Amy sa dalaga.

" Nasisiraan ka na ba?! " napasigaw ng bahagya ang dalaga dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan.

Napaisip tuloy ang dalaga.

'Oo, huwag niyong sabihin magkasama kami sa iisang kwarto? No, that's insane! '

Napalingon ang dalaga sa binata at tatanungin na sana ito nang magsalita ang binata.

" Huwag kayong mag-alala. I'll be staying in one of the rooms here as a guest as well. So, there's nothing to worry about " tugon ng binata.

"Aahh " sambit naman ng dalagang si Amy.

" That's good to know " ani ng dalaga dito.

Isang oras na ang nakalipas at sa isang silid nagtipon ang mga batang business tycoon.

" Hi Katerina, pleasure seeing you again beautiful " hirit ng iilang binata sa dalaga.

" Nakakainis na ah! " asik ng dalagang si Amy. Kaya napalingon sa kaniya si Katerina at ang kaniyang kapatid na binata.

" Oh, anong problema mo? " pagtatanong ng binata sa kaniyang kapatid.

" Bakit palaging ikaw nalang ang napapansin ng mga lalaki dito, mga bulag ba sila nandito rin kami oh" asik ng dalagang si Amy sa kaibigan. Napapatawa nalang ang iba nilang kasamahan sa isang lamesa.

" By the way guys, since it's our break from our stressful life. Why don't we go shopping and might as well grab some stuffs out " pagyaya pa ng isa sa mga kasamahan ng dalaga.

" I'll pass " mabilis na sagot ng dalaga sa mga ito.

"Come on, you always skip things like this. Minsanan na nga lang tayong magkakasama masaya kayang maging simple for once " dagdag pa ng mga ito. Pilit na pagkumbinsi ng mga ito sa dalaga.

" Bakit ako? Kayo nalang kaya " ani ng dalaga.

" Sige na, please " pagmamakaawa pa ng kaibigan niyang si Amy sa kaniya.

" Ano ka ba, chance ko na to para makasama si Troy " bulong pa nito kay Katerina.

" Oh, e di kayo nalang " sambit ng dalaga dito. Nagulat nalang ang dalaga ng tawagin ni Amy ang binata na tahimik lamang na nakaupo sa isa sa mga table malapit sa kanila.

" Daemon, pagsabihan mo nga itong amo mo at napaka kj " aniya.

Bago pa man makapagsalita ang binata ng makalapit ito. Tiningnan ni Katerina ang binata ng masama.

LASCIVIOUS 1: Lustful Night [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now