Kabanata 7 ( R-18)

5.3K 93 1
                                    

WARNING!!!! SPG. ISTRIKTONG PATNUBAY AT GABAY ANG KINAKAILANGAN SA PAGBABASA SA KABANATANG ITO. KAYA IHANDA NIYO NA ANG INYONG SARILI. LALO SA MGA INOSENTE DIYAN.

Remember, I already warned you. Only those with open minded and 15- 18 years above can read this scene.

Kabanata 7 : Bed scene

"Hindi na sana kita naging anak! "

Pilit mang maging malakas ng dalaga sa harapan ng kaniyang ina, hindi niya kayang pigilan ang mga luhang sunod sunod na pumapatak mula sa kaniyang mata.

"Hindi na namin kaya! Pagod na kami sa paulit ulit na nangyayaring ito Katerina, please stop"

Pagmamakaawa pa ng kaniyang ina sa dalaga habang lumapit ito at hinawakan sa magkabilang braso ang dalaga. Puno ng pagkamuhi ang mga mata nito.

Iyon ang bagay na alam ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Halo-halo ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

Galit, puot, paghihinagpis at kalungkutan ang sa loob ng damdamin ng dalaga.

"Bakit pa kasi ako nabuhay"

Iyan ang mga salitang lumabas sa mga labi nito habang patuloy na tumutulo ang mga luha nito.

____________________

Hinahabol ng dalaga ang kaniyang hininga habang tumatagaktak naman ang malamig na pawis sa kaniyang katawan.

"Tsk, not again" sita ng dalaga sa sarili.

Nang makapaghanda na ito, kaagad na siyang bumaba at kaagad na bumungad sa dalaga ang isang aso.

"Anong ginagawa mo dito? " pagtatanong ng dalaga dito.

"Ba't di ka bumalik sa amo mo? " dagdag pa ng dalaga, habang natutuwa itong hinahaplos ang balahibo ng aso sa lambot nito.

"It turns out walang amo ang asong iyan" naagaw ang atensyon ng dalaga sa binatang nagsasalita habang papalapit ito at hawak hawak ang isang collar.

"Good morning " bati naman ng binata kay Katerina.

"Morning " maikli namang tugon ng dalaga. Habang patuloy lang ito sa paghahaplos sa aso at ilang sandali pa ay inayos na nito ang sarili.

"Paki sabi na lamang, na sa opisina ako kakain kaya doon nalang nila ihatid ang almusal ko" ani ni Katerina dito.

"Yes, miss Katerina" tugon ng binata.

Hindi na nagsalita pa ang dalaga at nagtungo na ito sa nasabing opisina. Kasama rin nito ang aso.

Ilang minuto rin naghintay ang dalaga sa pagdating ng kaniyang almusal. Kaya habang naghihintay ito ay nakaupo lamang ito at masayang pinagmamasdan ang aso. Sa kaniyang paanan.

Ilang saglit pa ay natuon ang atensyon ng dalaga pati na rin ang asong kasama nito sa kumatok.

"Come in! " sigaw ng dalaga dito.

At pumasok ang binata dala-dala ang almusal ng dalaga na nasa tray at kasama na rito ang tsaa para sa dalaga.

"Finally " saad ng dalaga.

Iniayos naman ito ng binata sa lamesa na katapat ng lamesa ng dalaga.

Walang imik na umupo ang dalaga sa mesa habang inaayos ng binata ang pagkain nito. Hindi mapigilang mahiya ang dalaga dito, paano naman nasa gilid lang niya ito habang siya ay kakain sa harapan nito para kay Katerina napaka walang galang naman niya.

"Ahem! "

Umismid naman siya para makuha ang atensyon ng binata. Pero, tiningnan lamang siya nito kaya di mapigilang napataas ang kilay ng dalaga.

LASCIVIOUS 1: Lustful Night [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now