Chapter 2

211 93 8
                                    

Dedicated to xxLynnettexx and angel_from_heaven25

Ania POV

"Ma, Baka pwede pong paasikaso naman ng ibang bisita." Pagsasalita ni Gen. Natigilan na pala ako dahil sa tanong ni tita.

Nagtitigan silang dalawa hanggang sa sumagot si tita. "Sige hija, maiwan ko na kayo aasikasuhin ko muna sila. Enjoy the party!" pagkatapos ni tita sabihin 'yon ay iniwan na niya kami.

Noong nakaalis na si tita ay natahimik kami ulit ni Gen.

"Mukang seryoso ang usapan na tin dito ah." Napatingin kami kay Zac na nakalapit na pala sa amin.

"Oh, kuya paki mo ba?!" Sagot ni Gen sa kuya n'ya na si Zac at inirapan niya.

"Wow! Sis, Sungit. By the way-" pagkasabi n'ya no'n ay humarap siya sa 'kin. "Kamusta Ania?" malambing na pagkakasabi nito. Nako kahit ke'lan talaga napakapilyo nitong si Zac.

"Seriously kuya, Tinatanong pa ba 'yan? Ano ba sa tingin mo?" Pagsagot ni Gen sa tanong nang kuya n'ya.

"Shut up Sis! I'm not talking to you." Sagot naman ni Zac.

"Hep! Tama na'yan.. Nagsisimula na naman kayo eh." awat ko sakanila baka mamaya mag-away pa, para pa namang aso't pusa sila.

"Maayos lang naman ako zac." Sabi ko at nginitian silang dalawa.

"'Yung tungkol sa mommy mo anong balita?" Bigla na naman akong natahimik. Nakakatatlo na talaga ako ngayong araw na to. Hayyss.

"Ays! Kuya, masyado ka nang matanong." pananaway ni Gen sa kuya n'ya.

"Manahimik ka nga Genilyn nagtatanong lang ako." Sagot naman nang kuya n'ya.

"Kuya-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Gen bagkus ay nagsalita na ako.

"Hep! Hay, na ko kayo talagang dalawa.. Tama na sabi eh, una sa lahat wala ng tanong muna-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko dahil nagsalita agad si Gen.

"Kuya kasi" turan nito't sabay irap kay Zac.

"Anong ako!" Sagot naman ni Zac at tinuro pa ang sarili. "Nagtatanong lang naman ako ah!" Dagdag pa nito.

"Kayong dalawa kapag hindi ako nakapagtimpi sa inyo baka, Kung ano magawa ko." saad ko at napairap na lang sa ere.

"Sorry." sabay na sagot nila. Oh, ede tiklop sila pagdating sa'kin. Hehehe gan'on talaga ako kalakas.

"Ok na talaga ako promise, huwag na kayong magalala sa 'kin. About naman sa Mom ko wala pa akong balita." Sabi ko at tiningnan sila. Muka namang makikinig talaga sila kaya pinagpatuloy ko na lang." Wala pang sinasabi sa'kin si Dad. I miss her... Ni wala akong balita sakanya kung maayos lang ba s'ya? hindi naman ako galit at gusto ko din malaman kong bakit n'ya kami iniwan." pagsasalita ko. Nalulungkot na naman tuloy ako kapag naiisip ko ang bagay na iyon.

Ania's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon