Chapter 1

274 89 8
                                    

Dedicated to TIN_TIN7 and AkeahRomney

"Mama *sniff* wag na po kayong umalis *sniff* please ma."

"Ania baby, kailangan ni mommy umalis . Baby please don't cry."

"No mommy, 'di na po ako iiyak basta don't leave me." paghihinagpis ko't pag mamakaawa na sana hindi na umalis si mom.

"Baby, listen balang araw maiintindihan mo rin ako." umiiyak na paliwanag sa'kin pero hito at nagmamakaawa pa rin ako.

"Mom! Please no, don't leave mom," tuloy pa rin na sabi ko at hindi matigil sa pag-iyak.

"Sorry baby, always remember that I love you so much." sabi nito at tumayo na. Habang ako naman hindi matigil sa kakaiyak. Nagmamakaawa ako sakanya na sana hindi na s'ya umalis pero hanggang sa huli hindi ko na s'ya napigilan at ang dahan-dahan ni'yang paghakbang papalabas ng silid. Kong saan ang pagbukas at pagsara ng pinto ay ang huling nakita ko.

"Mommy please come back na po. " patuloy pa rin sa pag-iyak ko.



"Ania!, Ania!, gising." bigla nalang ako naalimpungantan at napabangon. Nagising ako na umiiyak at basang basa sa pawis.

"Anak?" Dahil sa tumawag sa akin ay napalingon ako dito kaya mabilis kong niyakap.

"Nanay, don't leave me." umiiyak na sabi ko at niyakap si nanay nang napakahigpit.

Nanay ang tawag ko sa matagal ko nang yaya, simula nang lumaki ako hanggang ngayon s'ya na ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Hindi s'ya nagsawang alagaan ako at ang laging nasa tabi ko na tumatayong magulang ko.

"Nanaginip ka na naman ba hija? Tignan mo oh, pawis na pawis ka." Sabi nito at pinupunasan ang pawis ko. "Sige na mag asikaso ka na." dagdag nitong sabi at tinulungan na akong bumangon , napatango naman ako bilang sagot kay nanay Mae. "Sige na hinihintay ka na ng Daddy mo sa baba."

"Sige po nanay bababa na lang po ako pagtapos kong mag asikaso."

"Sige mag asikaso ka na." pagkasabi ni Nanay Mae lumabas na s'ya, ako naman ay ginawa ko na ang morning routine ko.

Muli ko na naman napaginipan ang tagpong dapat kinakalimutan. Bakit ba hina-hunting ako nito sa panaginip ko? Wala akong magawa ayaw ko man pero napapanaginipan ko.

Habang nasa banyo ay hindi ko maiwasan na pagmasdan ang sarili ko sa salamin. Ang balat ko na parang sabon sa pagkaputi, ang ngipin kong pantay, mga pilik matang mahahaba, mga matang matitingkad, ang huhok na tuwid, mga labing mapupula at ang tamang tanggad. Lahat ay napakaperpekto pero hindi katulad ng buhay ko.

By the way before I forgot. I'm Tania Ferrer, but call me Ania. I leave in Tonny Ferrer Town were  they're call TFT. Pwew! Daming alam nang nagpangalan d'yan. Kabaliwan talaga 'yon ng lolo ko ipangalan ba naman kay dad eh, but anyway wag nang lumayo pa sa kwento.

Pagkatapos ko sa morning routine ko ay bumaba na ako. Naka sando at short short lang ako ngayon, nasa bahay lang naman ako eh, kaya ayos lang kahit na anong suot ko. Nang makababa na ako ay wala akong naabutan sa living room kaya sa kitchen na ako dumiretsiyo, ngunit hindi pa ako nakakapasok ay narinig kong nag-uusap sila daddy at nanay Mae. Ramdam ko ang pagkaseryo sa kanilang boses hindi muna ako pumasok dahil baka kapag pumasok ako ay hindi na nila ituloy kung ano ang pinagu-usapan nila.

Ania's StoryWhere stories live. Discover now