Naku-curious na talaga ako...

Habang ang lalim ng iniisip ko ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya napakunot ang aking noo.

*ha? Kwento mo sa pagong!*

Ang lupet ng ringtone ko noh. Kwento mo raw sa pagong. Hehe actually kapag Text lang 'yun.

Pero teka sinong nagtext?

*****

Ps.
(Ringtone po iyan ng celfone. Hehehe walang basagan ng trip. Ringtone ko rin 'yan eh‚)

******

Akala ko naman kong sino na ang nagtext sa'kin 'yon pala ang pinsan kong lang na si Zac.


Hey! Don't forget the party!.

'Yan ang laman nang text, sa una ay nagtaka ako at napakunot pa ang noo ko pero nang maalala ko na birthday nga pala ni Genny ay agad agad akong nagreply sa text n'ya.


Thanks zac! Buti pinaalala mo muntik ko nang makalimutan!

Zac reply

Sus! Wala yon ikaw pa parang hindi kita kilala. Hahaha

Kahit kailan talaga napakaulyanin ko. Tsk. Nireplyan ko naman s'ya.

Ge. Bye! See you later.

Zac reply

Ingat! Tanga ka pa naman .. Hahaha.

Akala ko may mabubugbog na ako mamaya kaso nagsend ulit s'ya sa akin ng "joke" message with emoji pa. Hindi ko na lang nireplyan at nag asikaso na ako.

***

Nandito na ako sa birthday party ni Genny. Pool party nga peg nang bruha. Nako! Nako! Alam ko naman na gusto n'ya lang makakita ng mga abs eh.

Ang daming tao ang dumalo halos mga taga school namin at mga kaibigan namin.

"You're here!" Napalingon naman ako sa nagsabi n'on at nakita ko si Gen na papalapit sa akin. Nang makalapit s'ya ay nagbiso biso naman kami.

"Hey! Cous! Buti nakarating ka?" bati sa'kin ni Gen.

"Duh! You know me... Basta party go na go ako." Pagkasabi ko n'on at nagtawanan naman kami. Sarcastic dapat 'yon pero sa tingin ko naging joke na.

"Yeah! I know... Pero alam mo naman 'yung tungkol sa kaso mo." tinaasan ko s'ya ng kilay dahil sa kasong tinutukoy n'ya.

Kailan pa ako nakasuhan?

Kaya binigyan ko s'ya ng what-are-you-talking-about-look. Sa tingin ko naman ay nagets n'ya kaya nagsalita s'ya ulit.


"About sa mother mo." dahil sa sinabi n'ya mas lalo akong natigilan at napayuko.

Alam kasi ng mga pinsan ko ang tungkol sa family problem namin, kaya ganon na lang ang pag-a-alala nila sa'kin. Lalo na alam kong ako ang naipit.

"Oh! Hija! Buti nakarating ka." dahil sa nagsalita ay napaangat naman ako ng tingin at nakita ko si tita. Ang mother ni Gen.

"Hehe. Pwede po bang hindi? Especial day to ni Gen." Sagot ko at umakbay kay Gen.

"Thank you cousin! Presence mo palang ok na." She said with a sweet voice. Nagtawanan naman kaming tatlo.

Super close kasi kami ng family nila Gen except her dad na ang alam ko ay nasa ibang bansa.

"By the way.. Kamusta na?" Pangungumusta ni tita.

"Well tita maayos naman po." sagot ko.

"How about your mother? May balita na ba?" Pagtatanong ni tita.

Bigla na lang natahimik kaming tatlo dahil sa sinabi ni tita. Kapag usapang tungkol kay Mom ay wala akong maisagot. Pilit ko mang iwasan ang mga bagay na masasakit mukang wala na akong takas pa dahil kahit na anong iwas ang gawin ay patuloy pa rin ako nitong hina-hunting.

Bakit gan'on?

May nang-iiwan..

Merong iniiwan...


Masaklap lang, isa ako sa mga taong iniwan.



Itutuloy ....

-------------------

Author's note:

Mga beshwap kung napasin n'yo pinalitan ko s'ya ng title diba? Naisip ko kasi parang hindi angkop ang title sa story ko na Coffee lovers. Wala doon 'yung connection e. So, pinalitan ko na lang. Hehehe. Mas mahaba na ito ngayon at kahit papaano na edit. Pero hindi pa rin to maayos sa edit ha! Kaya bear with me pa rin! I'm not good in editing.

Mas maganda ito ngayon! kung dati ang goal ko 500 words lang, ngayon 1500 plus na hehehe.

'yun lang!!! Thanks for the support. ^_^

Ania's StoryKde žijí příběhy. Začni objevovat