"Tonny paano kapag nalaman 'yan ni Ania?" Narinig kong pagtatanong ni Nanay Mae.

"Hindi ko ipapaalan Nanay Mae." sagot naman ni dad.

Nanay Mae din ang tawag ni daddy, kasi mas matanda at 'yon ang gusto ni nanay Mae na tawag namin sakanya, tutal naman daw eh, parang mga anak at apo n'ya na kami.

"Tonny paano nga kapag nalaman n'ya? kahit na hindi mo sabihin? Sa tingin mo anong mararamdaman ng bata? Jusko! Kawawa naman si Ania nararanasan n'ya na ang mga ganitong bagay." mahabang litanya ni nanay Mae.

"Kaya nga po tayong dalawa lang ang pwedeng makaalam." Daddy

"Hanggang kailan?" Nanay Mae.

"Wala po akong balak sabihin sakanya." daddy.

Dahil sa sinabi ni Dad at sa hindi na rin talaga ako makatiis Kung ano ang pinag uusapan nila. Wala akong maiintindihan kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko sa may likod ng pinto ng kusina. Nakisabat na ako.

"Bakit po kayong dalawa lang ang pwedeng makaalam?" Pagkasabi ko n'on ay bigla silang napatingin sa akin. Halata sakanila ang pagkagulat.

Ano ba kasi 'yon? Curious na ko ha!

"A-no k-asi-" paputol-putol na pagsasalita ni dad at ang kanyang mga mata ay kong saan saan tumitingin. Ayaw ata niyang sabihin sa'kin kong ano man ang pinag-uusapan nila kanina.

Bakit pakiramdam ko kasama ako sa pinaguusapan nila? Ano bang meron?

"Dad, What is it?" Tanong ko muli at umupo na ako sa upuan sa right side ni Dad. Ang pwestuhan ko sa hapagkainan. Gan'on na rin si nanay Mae umupo na, napansin ko ring Ready na pala ang breakfast namin.

"Baby-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni dad dahil nagsalita ako kaagad.

"Dad, I want to know." sabi ko at tinignan siya sa kanyang mata.

Kaso nagsalita si nanay Mae kaya napanguso na lang ako." Mamaya na'yang paguusap, tayo ay mag-agahan muna. Hala sige at magsikain muna tayo." Wala na akong nagawa pa kaya nagprisinta na akong magdasal at pagkatapos ay kumain na kami.

Nasa kalagitnaan kami nang pagkain ng tumunog ang cellphone ni dad.

"Excuse me." sabi ni dad at sinagot na ang kanyang cellphone, Saka ito lumabas nang kusina.

Natapos na lang kami ni nanay Mae kumain kaso hindi pa rin bumabalik si daddy. Paano ko matatanong kong ano 'yong pinaguusapan nila kanina? Hayy.. Sino na lang tatanungin ko-.

Hindi pa ako tapos sa sasabihin ng isip ko ay napalingon agad ako kay nanay Mae. For sure! May alam si nanay Mae about sa secret nila ni Dad na ayaw ipaalam sa' kin. Nilapitan ko na si nanay Mae.

"Nanay Mae pwede-" hindi pa ako tapos magsalita pero pinutol na agad ni nanay Mae ang sasabihin ko.

"Nako, madami pa pala akong gagawin. 'Yung labahin ko pa! sige Hija, maiwan na kita d'yan." Sabay alis ni nanay Mae.

Seriously?

Napasimangot na lang tuloy ako. Ang weird nila! ano ba'yan! wala na ba talagang balak sabihin sa'kin? Napabuntong hininga na naman tuloy ako.

Ania's StoryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang