BLOOD 51: RESOLVED

Start from the beginning
                                    

“Tama si Julia, Sam. Alam naming sapat na ang pinagdaanan mo para pagbayaran ang kasalanan na iyon. Ang dapat nating gawin ngayon ay protektahan muli sina Daniel at Kath, mahanap sina Lexi at Rick, gayundin ang hanapin ang katawan kung saan naroon ang kaluluwa ni Lia.” Quen muttered. He is right. We should be planning things about that.

“May isa pa.” Napatigil kaming lahat ng biglang nagbukas ang pinto na nagluwa kina Daniel at Kath. “We should find for the missing part of the gem at ang hiyas na hawak ni Lia. Kailangan nating malaman kung ano ang tunay na propesiya. Baka iyon ang paraan para matalo si Lia.” Daniel continued.

“Kanina pa kayo diyan?” I didn’t bother to comment on what he said, nakita ko kasi si Kath na nakayuko at nakatigil lang sa pinto.

“We heard everything, Sam.” Tumingin siya kay Kath, “She heard everything.”

Hindi na ako umimik muli. Hindi ko alam kung paniniwalaan niya ang lahat pero batay sa reaksyon niya, alam ko na kung bakit bigla niya akong inatake kanina. She missed the last part. The part when she transformed to her complete form. Her reflexes cannot contain the truth anymore kaya pinilit niya ang sarili niyang gumising.

“Kuya.” I heard her whisper. Natapatingin rin silang lahat kay Kath. Siguro a part from them is confused kasi nga iba ang inasal ni Kath kanina. But now, her voice is full of sincerity. Napatingin na rin ako sa kanya.

Walang anu-ano ay bigla siyang tumakbo papalapit sa akin. Akala ko kung anong gagawin niya pero bigla na lang niya akong hinagkan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Matagal ko ng gustong yakapin ang kapatid ko. Matagal ko ng gustong ituring ako ng kapatid ko bilang isang kapatid at hindi bilang isang kaibigan.

CONCEALED VAMPIREWhere stories live. Discover now