BLOOD 51: RESOLVED

Magsimula sa umpisa
                                    

“Going back to the topic, paanong nangyaring hindi pa rin nakikita ang kalahati ng hiyas?” Tanong naman ni Quen.

“Makapangyarihang raposa ang ama nila Sam.” Sagot ni Mam Ruth, “Ang raposa sa panahon natin ay nabibilang sa lahi ng mga taong lobo. Pero mas makapangyarihan sila kontra sa mga ordinaryo. May kapangyarihan ang tatay nila Sam na kumontra ng kahit na anong sumpa.”

 

 

 

 

“Ms. Ruth, may nalalaman ka ba kung saan patungkol ito?” –Quen.

“May kaunti akong nalalaman tungkol dito. Bago ako umalis ng palasyo, nagpalit ng katauhan si Lia. Kinilala siya pangalang… hindi ko na rin matandaan. Basta naging myembro siya ng konseho kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para kontrolin kayong lima. Ang alam ko, kontra-majika ang ginawa ng ama nila Sam. Mukhang ito ang tatalo kay Lia. Napatagal ito ng biglang nahulog si Sam sa patibong ni Lia.”

 

 

 

“Tama si Ms. Ruth.” Nagsalita na ako, "Nahulog ako sa patibong ni Lia. I was about to take my new journey back then ng makaharap ko siya. Hindi ko naman inakala na ganoon ang plano niya. She acted as if she’s confused on her way back to her castle. After that, I’ll let her ride on my horse with me. When she placed her hands on my waist, everything then went black. Tapos, nagising na lang ako sa kaharian namin. Patay na silang lahat sa paligid ko. Ako na lang, si Lia, at ang kapatid kong iyak ng iyak. I was supposed to go beside her pero I heard my father’s whisper.”

 

 

 

 

“Pagkatapos?” Halatang gustong marinig ni Julia ang mga susunod pa.

“Sa pamamagitan ng telekinetika, he instructed me to hit Kath papunta sa lugar kung saan may sinag ng buwan. Although that was against my will, ginawa ko, dahil alam ko ang plano ni Ama. Alam kong nais niyang magpalit anyo si Kath sa mga oras na iyon at hindi ako nagkamali. Kaso, nang matapos ang pagpapalit, hindi na si Kath ang bumuluga sa amin. Isa na itong babaeng punong-puno ng galit. Noong oras na iyon, alam kong namatay na ang kapatid ko. Wala akong nagawa kundi ang magpanggap na kontrolado pa ako ni Lia. Yun ang sinabi sa akin ni Ama. Pero hindi siya nagpakita. Hindi rin naglaon ay nalaman ni Lia na hindi na gumagana ang kanyang kapangyarihan sa akin dahil sa nawawala ang isang piraso ng hiyas. Naghinala siya. At wala akong kamalay-malay na muli niya palang nilagyan ng kakaibang sangkap ang inumin ko kagaya ng ginawa niya sa inyo. Lakip na noon ang sumpa na sinabi ni Ms. Ruth kanina.” Pagpapaliwanag ko.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon