PART XII

52 3 2
                                    

Isang matandang lalaki ang naghatid sa akin sa eskwelahan. Mula sa Tampa ay sinundo ako nito. Isa marahil ito sa mga empleyado ni Ferris. Halos isang linggo na ang nakalipas pero ilag pa din sa akin si Ferris. Parang iniiwasa niya ako nitong mga nakaraang araw.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Sinubukan kong iwasang gamitin ang abilidad ko. Iniwasan kong amuyin ang dugo at pakinggan ang tibok ng puso ng bawat taong nakakasalubong ko.

"Magandang umaga mahal!" Bati ni Carson. Ang kaniyang inosenteng ngiti ang bumungad sa akin.

"Ganyan ba mag mahal ang mga tao? Kakikilala lang ay mahal na agad ninyo? Kahit pa hindi nyo pa lubusang kilala at halos pangalan palang ang alam ninyo tungkol dito." Madilim na titig ang ipinukol ko dito.

Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at nagtungo na ako sa tabi ni Ritzy. Nag babasa nanaman ito ng libro. Agad nakahabol si Carson na mayroong pilyong ngiti sa labi. Umupo ito sa tabi ko.

"Ang sungit naman ng mahal ko. Ang aga-aga ang init ng ulo." Sabi nito habang nakanguso.

"Ritzy paki sabi naman kay Carson na manahimik kung ayaw niyang ipalapa ko siya sa mga alaga kong leon."

"Woah. Ang fierce mo mahal. Lalo akong naiinlove sayo." Singit ng kutong lupa sa tabi ko.

"Ganito ba talaga siya kahit kanino?" Bulong ko kay Ritzy. Inayos nito ang kaniyang salamin at bumaling sa akin.

"Sa totoo lang ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Dati yung mga babae ang humahabol at nag papapansin sa kaniya." Bulong ni Ritzy sa akin pabalik.

Hindi ko nalamang pinansin si Carson. Tulad ng mga nakaraang araw ay binalewala ko ito na parang isang hangin na hindi ko nakikita. Lahat halos ng itinuturo sa klase ay hindi ko pinag tutuunan ng pansin. Hindi ko naman iyon kailangan. Ang kailangan ko ay sanayin ang kakayahan ko. Pero hindi ko magawa dahil lang tutol doon si Ferris.

"Feona!" Habol ni Carson. Nag mamadali akong lumabas ng silid aralan pero nakahabol pa din ito.

"Ihahatid na kita sa inyo?" Anyaya niya. Nadaanan kami ni Ritzy at tumango lang ito sa akin bilang pag papaalam.

"May sundo ako." Matipid kong sagot.

"Edi sa gate na lang." Pag pipilit niya. Hindi nalang ako kumibo dahil alam kong hindi naman siya papaawat.

"Bakit lagi kang tahimik?" Tanong nito. Sabay kaming nag lalakad at halos lahat ng makasalubong namin ay nakatingin.

"Kung gusto mong magkasundo tayo ay manahimik ka nalang." Umirap ako.

"Kaya pala nag kakaintindihan kayo ni Ritzy parehas kayong wirdo. Pero ok lang sa akin tanggap naman kita kahit ano ka pa." Sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

Hihilahin ko sana pabalik ang kamay ko pero hinigpitan niya ang hawak doon. Pakiramdam ko ay may mga laman ang sinasabi niya kanina.

Ramdam ko ang init ng palad ni Carson. Malayong malayo sa pakiramdam ko kapag si Ferris ang humahawak ng kamay ko.

"Noong una akala ko bampira ka." Napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Kase yung mga ganyang itsura maputla, creepy, hindi halos nag sasalita at nakakakilabot ang mga tingin mo. Pero ngayong nahawakan ko ang palad mo mainit pala. Masarap sa pakiramdam." Ngumiti siya ng matamis. Gusto kong basahin ang nasa isip niya pero may kung anong pumipigil sa akin.

Sa pag titig ko sa mga mata ni Carson ay napahinto ako. Malayong malayo din iyon sa mga mata ni Ferris. Ang mga mata ni Carson ay puno ng buhay. Bakit nga ba lagi ko silang pinag kukumpara sa isip ko. Posible kayang mahulog ang loob ko sa isang tao. Hindi ko namalayan na nakahinto na pala kami sa harapan ng gate. Ang malamig na boses ni Ferris ang nakapag pabalik sa akin sa katinuan.

"Feona!" Nanuot sa kalamnan ko ang lamig na hatid ng tinig niya.

Lumapit si Ferris at hinawakan ang isang kamay ko. Ngayon ko lalong naramdaman ang malaking pag kakaiba nila. Ang palad ni Carson ay mainit at nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa akin. Habang ang kay Ferris ay malamig. Kung papakiramdaman mong mabuti ay walang kabuhay buhay.

"Bitiwan mo ang kamay ni Feona kung ayaw mong gilitan kita ng leeg sa kinatatayuan mo." Malamig ang tinig nito at nag babanta.

Napatingin ako kay Carson. Nakita ko ang bahid ng takot at kilabot sa mga mata niya. Pero hindi pa din nito binibitawan ang kamay ko. Agad niyang ikinubli ang takot na nararamdaman at biglang ngumiti.

"Chill lang pre. Sino ka ba?" Buong tapang na tanong ni Carson.

"Kapatid ko siya Carson. Salamat sa pag hatid mo. Mauna na kame." Ako na ang sumagot dahil nakikita ko ang pag babago ng awra ni Ferris.

Ako na ang bumitiw sa pag kakahawak ni Carson at inilayo roon si Ferris. Kahit na hila hila ko siya sa kaniyang braso ay hindi pa din niya inaalis ang nag babantang tingin kay Carson.

Pag sakay namin ng sasakyan agad pinaandar ni Ferris ang sasakyan. Kitang kita ko ang pag labas ng pangil niya. Ang pag pula ng kaniyang mga mata. Ang pag haba ng mga kuko niya sa manibela at ang pag labas ng mga balahibo sa kaniyang muka.

Pinatakbo niya ang sasakyan ng matulin na para bang gusto niya itong paliparin. Hindi niya alintana ang mga estudyanteng tumatawid. Buti na lang at nakaiwas ang mga ito. Tanaw ko pa din si Carson sa likuran at kumaway pa ito sa papalayong sasakyan namin. Nakita kong nakatingin si Ferris sa salamin sa gawi ni Carson.

"Anong kalokohan ito Feona? Nakikipag mabutihan ka sa isang tao!" Sigaw ni Ferris.

Ang daan na tinatahak niya ay hindi patungo sa Tampa kundi sa Cross Empire. Hindi ako sumagot sa pag babato niya ng akusasyon. Nanatili akong tahimik at tikom ang labi. Walang silbi kung sasabayan ko ang galit ni Ferris.

Narating namin ang Cross Empire sa loob ng ilang minuto lang dahil sa bilis niyang mag patakbo. Ng pumarada ang sasakyan sa tapat nito ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. Gamit ang kakayahan ni Ferris ay mabilis kaming naglaho. Sa isang iglap ay nasa isang silid na kami sa loob ng Cross Empire. Ito marahil ang kaniyang pribadong silid sa hotel na ito.

"Sino ang lapastangang mortal na iyon Feona!" Bungad ni Ferris sa akin. Mabilis niya akong naisandal sa pader hawak ang dalawa kong pulso. Halos malapnos ang balat ko sa tindi nag pag kakahawak nito.

Iba na ang kaniya anyo. Makikita mo ang tindi ng kaniyang galit base sa kung anong itsura niya ngayon. Hindi maipag kakailang dugo siya ng isang bampira dahil sa lamig nang titig ng pula niyang mga mata at ganun din sa pangil na tumutubo sa kaniya. At ang dugo ng aming ama na nananalaytay sa kaniya bilang isang lycan. Ang kaniyang balahibo sa muka at kamay ay humahaba. Ngayon ko lang nakitang ganito katindi ang galit ni Ferris.

"Ka—kaklase ko. Hinatid niya lamang ako Ferris." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa takot na nararamdaman ko para sa kaniya.

"Bakit hawak ng lapastangan na iyon ang kamay ng prinsesa ko? Nakikipag mabutihan kaba sa mortal na iyon?" Sigaw niya.

"Hindi Ferris!" Pag tatakip ko kay Carson.

"Ramdam ko ang malansang dugo na dumadaloy sa kaniyang mga ugat. Wala siyang magandang idudulot sa iyo kaya ngayon pa lang ay layuan mo na siya." Utos nito.

Napayuko ako. Ramdam ang matinding takot sa lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko namalayan na may tumulong luha galing sa mga mata ko. Ito ang unang pag kakataong lumuha ako dahil sa matinding takot.

Agad binitiwan ni Ferris ang kamay ko at maagap na sinalo ang luha ko. Pinunas niya ang pisngi ako at maagap akong kinabig sa kaniyang dibdib para ikulong sa isang mahigpit na yakap.

"Patawarin mo ako Feona. Hindi ko sinasadya." Mahihimigan ang pag-sisisi sa kaniyang tono.

Bumalik na sa normal ang anyo ni Ferris dahan dahan niyang hinahagod ang mahaba kong buhok para pakalmahin ako.

Jumeaux: The Last BloodWhere stories live. Discover now