PART IX

53 2 0
                                    

Sumapit ang takdang araw ng pag pasok ko sa kolehiyo. Lahat ng kailangan ay inayos ni Helga para sa amin. Gamit ang kaniyang koneksyon at kakayahan ay naging posible ang lahat. Ito palang ang unang pag kakataong papasok ako ng eskwelahan. At bukod sa pag dala sa akin ni Ferris sa Cross Empire ito palang ang pangalawang pagkakataon kong makihalubilo sa mga tao.

Hindi ko alam kung anong saysay ng lahat ng ito. Pwede naman kaming mamuhay ng normal sa bilang isang bampira at lycan. Pero dahil ito ang gusto ni Ferris para sa amin, susunod nalang ako.

"Handa kana ba sa unang araw mo?" Tanong ni Ferris habang tinatahak namin ang mahabang daan patungo sa Juliana. Hindi ako sumagot tumingin lang ako sa labas ng bintana.

"Saan mo gustong manirahan ngayong pumapasok kana. Dito sa Tampa o sa Cross Empire?" Muli ay pag bubukas niya ng tanong.

"Syempre uuwi ako ng Tampa. Hindi ako titira sa Hotel mo. Kaya kong umuwi araw araw ng walang kahirap hirap kahit wala ang sasakyan na ito." May himig iritasyon sa tinig ko.

"Pinag usapan na natin ito Feona. Susunduin kita pag tapos ng klase mo."

Muli akong tumahimik walang silbi ang pakikipag talo. Siya naman ang laging nasusunod.

Huminto kami sa gate ng sinasabi niyang paaralan. Maraming estudyanteng pumapasok at lumalabas mula rito. Napalunok ako. Mas marami akong makakasalubong na tao dito kesa sa Cross Empire.

Siguro ang pag aaralan ko talaga dito ay hindi ang mga aralin kundi kung pano tikisin ang sarili kong hindi sagpangin ang bawat isa sa kanila.

"Ang mga mata mo Feona!" Asik ni Ferris.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Pag dilat ko ay nagbago na ang berde kong mga mata at bumalik na ito sa pekeng kulay abo. Sa palagay ko magiging mahaba ang araw na ito para sa akin.

Tinanggal ko ang seat belt ko at pumihit paharap kay Ferris. Isang mabilis na halik ang iginawad nito sa aking labi.

"Mag titiwala ako sa iyo Feona. Wag kang gagawa ng bagay na ikakapahamak mo." Seryosong paalala nito.

Hawak ang isang papel naka sulat doon ang schedule at numero ng silid na papasukan ko. BS in Business Administration. Napangisi ako, ipinasok ako ni Ferris sa isang business na kurso. Ano naman ang gagawin ko sa buhay ko pag natapos ko iyon. Magpalakad ng isang kumpanya katulad niya? Masyado na niyang nakagigiliwan ang maging isang normal na tao.

Suot ang itim na bistida kong hanggang ibabaw ng tuhod at mahaba ang manggas nito. Pinarisan ko ng isang pares ng puting sapatos. Sa totoo lang lahat ng damit ko ay ganito halos ang itsura. Wala akong gustong baguhin sa kung paano ako manamit. Hindi katulad ng iilang nakakasalubong ko na makukulay ang mga kasuotan.

Sa bawat hakbang ko papasok ay mas tumitindi ang sari saring amoy ng dugo nila. Nanunuot iyon sa aking ilong. Halos mabingi ako sa iba't ibang tibok ng puso na naririnig ko.

Napahinto ako sa pag lalakad. Mariin akong napapikit. Matatagalan ko ba lahat ng ito. Hindi pa ako nakakaisang oras ay gusto ng lumabas ng pangil ko. Ang pag ka uhaw ko sa dugo ng tao ay sobra sobra na. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Ang kakaibang ingay na ginagawa nila sa paligid ay nakakapag pasakit ng pandinig ko.

"Ayos ka lang?" Isang tinig ang narinig ko. Pero hindi ko pinansin iyon.

"Miss ayos ka lang ba?" Ulit nito. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa balikat ko. Agad ko iyong hinablot at pinalipit gamit ang isang kamay ko. Huli na ng mapagtanto ko ang ginawa kong aksyon.

"Aray! Aray!" Hiyaw nito.

Parang napasong binitawan ko agad ang kaniyang kamay. Naguguluhang napatingin ako sa kaniya.

"Ano bang problema mo?" Pasigaw na tanong nito.

Siya 'yong nakasabay namen sa elevator. Hindi ko maalis ang tingin ko sa muka niya. Nakatalikod sa amin 'yong lalaki sa elevator at naka sumbrelo ito. Pero hindi ako maaring magkamali kamuka niya iyon. Siya iyon. Bigla kong suminghot para makumpirma ang amoy ng bulaklak ng vervion sa kaniyang katawan. Pero bigo ako.

Hindi siya amoy vervion at hindi din amoy rosas. Humakbang ako palapit sa kaniya para muling suminghot pero bigla siyang umatras. Kunot ang noo at may pag tataka sa kaniyang mga mata.

"Adik kaba? Maganda ka sana kaso para kang naka drugs." Parang nawiwirduhang sabi niya.

Nagkamali ako hindi siya amoy vervion. Amoy ng isang uri ng pabangong panlalaki ang naamoy ko sa katawan niya at wala ng iba. Pumikit ako at pinakinggan ang tibok ng puso niya. Normal iyon at walang kakaiba. Wala akong maramdamang kakaiba sa kaniya.

Pero ang kaniyang tindig, pangangatawan at itsura hindi ako maaring magkamali na siya iyon.

"Miss bago ka dito no?" Muli ay tanong niya. Tumango ako at hindi pa din inaalis ang titig sa kaniyang muka.

"Sabi na eh. Kase ngayon lang kita nakita teka saan ba ang room mo?" Hinablot niya ang papel na hawak ko at sinuri iyon.

"BSBA! Parehas tayo ng course. Sa Building 3 tayo. Halika na baka ma late tayo." Bigla niyang hinablot ang pulso ko at hinila patungo sa sinasabi niyang lugar.

Nagpatianod ako sa kaniya at hindi pa din kumikibo. Ang daming gumugulo sa isip ko. Ganoon ba talaga ang mga tao halos ay magkakamukha sila. Posible nga kayang kamuka niya lang iyong lalaki sa elevator.

Pag pasok namin sa isang silid na maraming upuan ay may iilan na ding estudyante. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin ng pumasok ako. Para akong isang palabas na pinapanuod sa bawat galaw ko. Kahit hindi ko sila tiganan ng diretso ay alam ko ang mga kinikilos nila.

"Ang weird niya! Bakit parang aattend ng lamay?" Isang babae sa harapan ang unang nagsalita.

"Bro ang ganda new student ba iyan? Ang puti ang kinis ng bunti." Sabi ng lalaking malapit sa pintuan.

"Teka kasama niya si Carson. Mag kakilala sila?"

"Baka bagong girlfriend ni Carson. Sabay silang pumasok eh!"

"Bes ang ganda niya muka siyang manika."

"Sa palagay mo exchange student. Mukang may lahi."

"Masyado siyang maputla. Para siyang bampira."

Sa lahat ng narinig kong bulungan iyon ang pinaka umalingawngaw sa tenga ko. Agad akong napalingon sa kung sino man ang nag sabi non.

Isang babaeng may salamin na nasa bandang dulo. May natural na kulot na buhok at may magandang pilik mata. Sa lahat ng tao na nasa loob silid siya ang pinka simple ang ayos. Laking gulat ko ng makita ko siyang walang katabi. Kung ganon hindi niya iyon binulong, narinig ko ang nasa isip niya.

Napangisi ako. Pumikit ako at pinakinggan ko ang tibok ng puso niya mula sa malayo. Malungkot, may lungkot akong naramdaman sa pag tibok ng puso niya. Nawala ang atensyon ko sa babaeng tumawag sa aking bampira ng masagi ako ng katabi ko.

"Ang weird mo talaga. Ako nga pala si Carson Curry. Ikaw anong pangalan mo?" Inilahad niya ang palad niya. Gusto ata niyang makipag kamay.

Napatingin ako sa kamay niya namumula iyon. Marahil ay dahil sa ginawa kong pag atake kanina.

"Patawad." Sabi ko. Napansin niyang nakatingin ako sa kaniyang kamay.

"Ito ba? Wala 'yan." Pag babalewala sa nagawa ko sa kaniya. Mukang ayos naman siya kaya naman hindi ko nalang pinansin pa.

"Sino siya?" Tanong ko kay Carson. Itinuro ko ang babaeng nakasalamin.

"Si Ritzy. Mabaet yan. Nagpapakopya." Humalakhak siya. Siguro ay isang biro para sa kaniya ang kaniyang nasabi.

Diretso akong naglakad patungo kay Ritzy. Pagkagulat at pagkalito ang mababasa sa muka nito. Ng huminto ako ay nakumpirama ko ang bilis ng tibok ng kaniyang puso. Takot ba siya sa akin. Pahapyaw kong tinapunan ng tingin ang librong binabasa niya Bleed of Vampires.

"Dito ako uupo." Sabi ko. Takot siyang tumango.

Pag upo ko nakita ko si Carson na naiwang naguguluhan sa kinatatayuan. May lalaking tumawag sa kaniya at inalok siya ng upuan pero sinenyasan niya lamang ito. Pinili ni Carson na maupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Jumeaux: The Last BloodWhere stories live. Discover now