"Okay lang 'yon, ano ka ba." nginitian nya lang ako dahil kami na ang sunod na mag-oorder.

Pagkatapos namin umo-order at dala-dala ang mga pagkain namin ay bumalik kami sa table namin. Pagbalik namin sa table namin ay nakita kong mamumula ang mukha ni Kevin.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila.

"Tita Maru, kailangan pakasalan ni Kevin si Jessica." seryosong sabi ni James. Nagulat naman kaming dalawa ni Christian sa sinabi nya. Ano ba 'tong pinagsasabi nya? ang babata pa nila tapos kasal agad ang iniisip nila?

"Why?" tanong ni Christian.

"Dad! He kissed Jessica sa lips." panunumbong ni James.

"Huh?" sabay na sabi namin ni Christian. Nawala lang kami saglit kung ano-ano na pinaggagawa nila.

"OA ninyo naman. Nagkauntugan lang yung dalawa na nauwi sa kiss." sabi ni Acey pero may ngisi sa mukha. Sinamaan ko sya ng tingin pero tinaasan lang ako ng dalawang kamay. "Wala akong ginagawa. Kausap ko si Lorenzo dito." napataas kilay ko at nung makita nya 'yon ay ngumisi na naman sya. Bwisit talaga ang babaeng 'to.

"Kiss lang pala, bakit naman kasal agad?" tanong ni Christian. "Hindi naman big deal 'yon."

"Big deal 'yon, daddy!" maktol ni Jessica na ikinagulat naman ng daddy nya. "I promised na ibibigay ko lang 'yon sa lalaking mapapangasawa ko."

"Then you need to marry her, Kevin." seryosong sabi ni James. Ano ba itong mga batang 'to.

"Mommy." tumingin sakin si Kevin na para bang nanghihingi ng tulong.

"Hay nako mga bata kayo. Ang babata nyo pa sa ganyan. Kumain na lang kayo." sabi ni Christian. Kaya ang nagyari ay kumain na kami at habang kumakain ay nagkwe-kwentuhan kami sa mga buhay-buhay namin.

"Akala ko tatanda kang binata kakahabol kay Maru." sabi ni Acey kaya siniko ko sya. Ano bang pinagsasabi ng taong 'to.

"Arranged marriage lang naman 'yon so, kung hindi nangyari baka nga tatanda akong binata." natatawang sabi ni Christian.

"Paano mo 'yan nasasabi sa harap ng mga anak mo?" tanong ko sa kanya. Ako nga, ayokong malaman ni Kevin na may kabit ang daddy nya.

"Alam nila 'yon lalo na hiwalay na kami ng asawa ko."

"Oh really? kaya ngayon nagpaparamdam ka kay Maru?" minsan talaga ang sarap sapakin nito.

"Siguro, hindi pa naman siguro huli? lalo na nagkakalabuan sila nang dahil sayo." nagtaka ako kay Christian kung paano nya nalaman ang tungkol doon? "Minsan na nakasama ko si Jelly at ang asawa nya sa isang bar. Siguro four days ago? then sinabi nya nga sakin ang tungkol sa inyo." ang babaeng 'yon talaga.

"Mommy, cr lang po ako." sabi ni Kevin kaya tumango ako sa kanya. Sumama sa kanya si James.

"Ako rin po cr." sabi ni Jessica.

"Susundan mo sila?" tanong ng daddy nya.

"Hindi po. Ewan ko sayo daddy." masungit na sabi nya na ikinatawa ni Christian.

"Bakit ba nagkakagusto kayo sa kanya eh..." sabi ni Acey at tinignan pa ako.

"Ano huh?" inabagan ko sya ng suntok kung itutuloy nya ang sasabihin nya. Natatawang umiling na lang sya.

"Maganda naman si Maru huh? ang tanga nga lang ni Lorenzo na ipinagpalit nya pa si Maru sayo."

"Nope, hindi sya tanga. Tama lang 'yon." wala talagang pinipiling oras ang babaeng itong ipamukha sakin na tama lang na hiwalayan ako ni Lorenzo.

"Mommy."

"We have to go, medyo malayo rin kasi ang uuwian namin." tumayo na ako at lumapit kay Kevin. "Let's go." nagpaalam saglit si Kevin kanila Christian pati sa kambal.

Anong oras na ako nakauwi sa condo nung maihatid ko si Kevin kanila Mama. Hindi na ako nag-stay roon kahit na gustong gusto nila akong mag-stay roon. May kailangan pa akong tapusin sa condo at ang rami non.

"Gutom na ako..." angal ng isang babae na hindi ko inaasahan na nandon sya habang nakaupo sa tapat ng pinto ng condo ko. "Maru...babe...ang tagal mo...gutom na ako." napataas ang kilay ko. Ano naman kung gutom na sya? madami naman siguro syang pera para bumili ng pagkain nya hindi ba? tsaka ano bang ginagawa nya rito.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Umangat ang ulo at masayang tumayo.

"Babe! Finally! gutom na gutom na ako." sabi habang himas-himas nya ang tiyan nya.

"Oh ano naman?" tanong ko sa kanya habang binubuksan ang pintuan ng condo unit ko.

Pumasok ako sa loob at mabilis na sinara 'yon dahil baka pumasok sya.

"Babe!" at katok sya ng katok sa pinto. Hindi ko sya pinansin.

Naglakad ako patungo sa kusina at tinignan kung ano pwedeng makain. Nang maisip na kung anong lulutuin ko ay nagsimula na akong maghanda para magluto. Pansin ko na panay pa rin ang katok nya sa pinto.

Mapapagod din 'yan.

Mahigit kalhating oras akong nagluto bago ito maluto ng tuluyan. Biglang nagreklamo ang tiyan ko kaya nagsimula na akong kumain. Habang kumakain ay napansin kong wala ng ingay na nagmumula sa pintuan. Buti naman napagod na sya. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

Nang maubos ko ang pagkain ko ay pumunta ako ng sala para gawin na ang dapat na gawin para bukas ay kaonti na lang ang gagawin ko. Sisimulan ko na sanang gawin ang gagawin ko nang mapaisip ako kung umalis na nga ba ang babaeng 'yon sa labas.

Para sure, titignan ko na lang. Binuksan ko ang pintuan at nagulat ako na matumba sya.

"Ouch.."

"Bakit hindi ka pa rin umaalis?" tanong ko sa kanya.

"Walang pagkain sa bahay." sabi nya at tumayo. "Nagugutom na talaga ako babe..." paawa effect nya pa.

"Hindi ko─hoy!" aba't ang kabit pumunta sa kusina ko.

Sinundan ko sya sa kusina at nakita ko na lang na nilalatak nya ang ulam na natira ko at kanin. Kababaeng tao ang baboy kumain, ang daming kanin na nasasayang.

"Ang sarap!" sabi nya. Umiwas ako ng tingin at tumungo sa fridge. "Sa wakas nakakain na rin ako ng totoong pagkain, hindi na puro noodles."

Ibinaba ko sa kanya ang isang basong tubig. "Mayaman ka hindi ba? bakit hindi ka kumain sa mga restaurant at nagtya-tyaga ka sa noodles." umupo ako sa harapan nya. Napangiwi ako sa kalat nyang kumain.

Uminom muna sya bago sumagot. Buti naman kahit papaano ay may manners sya sa hapagkainan.

"Ayoko, mahal tsaka bitin." napairap ako.

Tumayo na ako at lumabas ng kusina. May gagawin pa ako, may nang istorbo lang.

Habang busy ako sa ginagawa ko ay may mga kamay na pumulupot sa leeg ko at mainit ng hininga ang tumatama sa tainga ko.

"Ang busy mo naman." napapikit ako at humugot ng hininga sa ginawa nyang pagsalita sa tapat ng tainga ko.

"Shit." nanigas ako sa ginawang pagkagat sa tainga ko. Hinawakan ko ang braso nya para alisin iyon pero tila nawalan ako ng lakas sa ginawa nya. "Tu-tu..."

"Shhh...ang cute mo talaga babe." ang husky ng boses nya.

"A-Acey..." hingal na hingal na sabi ko. Hindi ako makahinga ng maayos dahil tinotorture nya ang tainga ko!

"Yes? babe.." pumikit ako ng mariin. Lord tulong!

At mukhang narinig naman ni Lord ang paghingi ko ng tulong dahil biglang tumunog ang doorbell. Nagkaroon akong lakas para tanggalin ang mga braso ni Acey sa leeg ko at doon na rin ako nakahinga na maayos.

"Ang cute mo talaga, babe...paano pa kaya..."

Hindi ko sya pinansin. Nakakainis sya! ano bang binabalak nya huh? pati ba naman ako inaakit nya? kabit na nga sya ng asawa ko gusto nya pang maging kabit ko din sya. Tae ayoko ng threesome 'no!




------------------------------------------------------

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon