Iniiwasan nya ako. Tsk!

          'Baka naman mali ka lang ng iniisip, Kaizer.' sabi nung boses sa utak ko. 'Baka si Patty yung gustong makipagpalit at hindi si Sitti.'

          Napapatango na lang ako nang makuha ko yung sense nung sinabi ng boses sa utak ko.

          Tama. Hindi naman imposible iyon. Saka bakit naman ako iiwasan ni Sitti eh okay na kami kagabi?

          Hinalikan ko sya. Di nya ako tinulak. Ibig sabihin gusto na nya din ako.

          'Tama. Wag kang paranoid, Kaizer. Wala lang 'yan.'

          Pero hanggang sa lumipas yung mga oras na magkasama kami sa loob ng retreat house, mas lalo kong napapansin na iniiwasan ako ni Sitti.

          Parang kanina lang, kami ni Sitti yung nautusan na maglinis sa may sala. Pero alam nyo ba ginawa nya? Nakipagpalit sya kay Margaret at sya yung tumulong kay Mobi na maghuagas sa kusina.

          Pero hindi ko ulit pinansin yung hinala ko. Imposibleng iwasan ako ni Sitti.

          'Hindi nya gagawin iyon.'

          Pinabayaan ko na lang nung una. Pero hanggang sa dumating yung hapon, ganoon pa din sya. Umiiwas. Para nga syang naglagay sa pagitan naming dalawa ng isang malaking pader, ng malaking space. Na sa tuwing susubukan kong lumapit sa kanya, mas lalo syang lumalayo sa akin.

          Kaya sa bandang huli, hindi na lang din ako kumilos at pinanood ko na lang sya sa mga ginagawa nya.

          'Ano bang problema mo?'

Sitti's P.O.V

          "May problema ba kayo ni Kaizer?"

          Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang may biglang magsalita sa likuran ko.

          Tatayo na sana ako at maglalakad palayo kaya lang ng malingunan ko si Mobi hindi ko na tinuloy yung plano ko.

          "Ikaw pala..."

          Sandaling tumingin sa akin si MM saka sya naupo sa tabi ko at tahimik na kumain ng marshmallows nya.

          Hindi din ako umimik at tahimik na lang tumingin sa mga dumadaan tao sa tapat ng retreat house namin.         

          Sya nga pala, nandito ako ngayon sa labas ng retreat house, sa may isang gilid kung saan may nakalagay na gawa sa narra na upuan at may maliit na mesa sa tapat ko.

          "Kanina ko pa napapansin na iniiwasan mo si Prince." bigla akong napaharap kay MM nang bigla syang magsalita. "Anong nangyari?"

          Sandali lang kaming nagtitigan ni MM pero sa bandang huli ako din ang naunang bumawi ng tingin ko saka bumuntong-hininga.

          "Ano, Mobi..." panimula ko. Ginamit ko din yung full name nya ngayon. "Naranasan mo na bang ma-in love?"

          Nakatingin lang ako sa damuhan habang mahinang sinisipa yung mga dama sa harapan ko habang hinihintay ko yung pagsagot ni Mobi.

          May hula ako na wala pa ding karanasan sa love si MM. Wala kasi sa mukha nya. Saka alam ko namang marshmallows lang yung mahalaga kay MM kaya imposibleng unahin pa nya yung love kaysa sa marshamallows nya.

          Pero hindi naman masamang matanong di ba? Mas maganda kasi magtanong ng mga ganito sa mga kapwa ko din tao. Ang hirap kasi magbase ng sagot sa nararamdaman ko lang.

My Tag Boyfriend (Season 1)Where stories live. Discover now