Decode

44 14 8
                                    

Apat na oras lang ang naging tulog ko. Hindi pa rin ako lubusang makapaniwala sa nagawa. Finally, I was able to cross the bridge out of the island called virginity. But it was not something to be celebrated for. Parang wala lang. Parang panaginip lang ang lahat at gising na ako ngayon sa katotohanan. After years of anticipating this moment, I thought it would be phenomenal. And suddenly I'm at the verge of telling everyone that sex is overrated.

I called my friends early in the morning. Inis na inis ako dahil hindi ko sila magawang tawagan kanina dahil nga madaling araw na. Pero lahat ng naipon kong bugnot sa ulo e nalusaw nang ikwento ko ang buong detalye through video chat. And boy, I was the star of the group again. Para silang mga batang kinain ng curiosity at gustong-gustong marinig ang buong detalye ng kaganapan kagabi. So I told them what they wanted to hear. Mula sa itsura niya, sa tindig, kung matigas ba siya o halata, sa galing niyang humalik at kung gaano siya kalaki. Binahagi ko ang maliliit na saysay ng kwento na parang malilimutan ang mga ito kung mabigong sabihin lahat.

Unti-unti ko na ring tinanggap na pang-isang gabi lang talaga ang lahat.

Pero kung totoong wala lang talaga para sa akin ang nangyari, bakit ako pabalik-balik sa Grindr profile ni Ken?

*****

Tinuloy ko pa rin ang dating takbo ng buhay ko. Online class - Recitation - Performance tasks - Extracurricular Activities na para naman sa Organization. Tuwing nababagot sa discussion, animo mga bala ng pistol kung umatake ang mga alaala ng tagpo ko sa isang estranghero noong isang gabi. Napapa-impit ako ng tili. Nababablangko ang isip at automatic na isusubsob na lang sa lamesa ang mukha.

Tinignan ko ulit ang conversation namin ni Ken sa app. Hindi niya pa rin nababasa o nakikita man lang ang huling mensahe ko.

"Anong pangalan mo?"

*****

Sinubukan kong gumawa ng koneksyon sa iba pang kumausap sa akin sa app dahil ilang araw nang wala paramdam si Ken. Hindi man lang magawang mag-online. Inisip ko, baka may-glitch ang app. Hindi naman siguro masamang kumausap ng iba. Ang iba sa kanila, mas gwapo kaysa kay Ken. May mayaman. May mukhang durugista. Mukhang lesbian. Mga masahistang may discount. Mga crossdressers na hindi nabasa ang sex role ko sa bio at sa picture ko lang bumase kaya sige pa rin sa pangungulit sa akin. Bakit ba parang burden ang pagbabasa sa ating mga Pinoy? Lahat ng pagsusubok kong kalimutan siya, palyado.

Ako, mahilig akong magbasa at aminado akong mas nauna kong minahal ang pagbabasa kaysa pagsusulat. Sa pagbabasa kasi napapanatag ang isip ko. Kaya paulit-ulit ko ring binasa ang conversation namin ni Ken mula sa pinakauna niyang 'Hey' sa akin hanggang sa pinakahuli kong tanong sa kanya. "Anong pangalan mo?"

Nakahilata na ako sa kama nang unti-unting sumariwa sa alaala ko ang mga detalyeng binigay sa akin ni Ken. 19 years old. Nakatira sa block 12. Nag-aaral at SSG Officer sa City High. ABM student. Writer sa Wattpad.

Writer...

Bumangon ako sa kama at dali-daling umupo sa study table ko. Halos hindi ako makahinga sa pagkarera ng tibok ng puso. Binuklat ko ang laptop at tinipa ang buong pangalan ng school niya. Isa-isa kong kinilatis ang mga posts na mula sa pinaka-recent hanggang sa pinakaunang event ng kanilang paaralan ngayong taon: ang SSG Induction of Officers. Bigo akong makahanap ng actual photo documentation sa naturang event. Pero laking pasasalamat ko na ilang scroll lang paitaas nang makita ang listahan ng winning candidates sa naganap na SSG Elections nila. Sinuyod ko ang mga post. Kinilatis ko ang mga pangalan. Walang Ken na kasalukuyang SSG Officer sa City High. 

Puking ina.

364 FeetWhere stories live. Discover now