Test

93 23 11
                                    

Pang-isang gabi lang ito. To test the waters. To measure how far I could go. I had to repeat this on my mind over and over again so I couldn't lose track. Kaya para akong isang babaeng magnanakaw with so much finesse; wore a tight suit and a black mask. I came for the excitement and its hovering misadventure.

"Hindi ka pagagalitan sa inyo?" tanong ko saka sabay kaming umupo. Ni walang isang ruler ang pagitan sa isa't isa. Matingkad ang sinag ng buwan kahit kalati lang ito. "Masyado ka namang sumusunod sa curfew."

"Strict sa bahay namin e," depensa ni 364 boy. Tama, iyan na ang itatawag ko sa kanya mula ngayon.

"Ah, baby ka pa nga pala. I see. Baby pero expressive na sa nararamdamang libog."

"Grabe ka naman sa baby. Nineteen na ako. Kabi-birthday ko pa lang kahapon. Lumabas ako nga mag-isa."

Nakakita ako ng bukas na pinto papasok sa buhay niya. "Talaga? Happy Birthday! Anong gusto mong regalo?"

"Lambing mo syempre," taas-baba ang kilay niyang sabi. Pareho kaming natawa sa tugon niya. 'Di ko maitatanggi, maganda ang pares ng kilay niya.

"Smooth ka pala bumanat. Sanay ka na rito, ano?"

Tumuwid siya ng upo at umiwas ng tingin. "Hindi 'no. Kaka-install ko lang this week no'ng...ano. Alam mo na, Grindr."

"So pang-ilan mo na ako this week?"

"Ikaw lang nga. Promise." Promise? Walang tapat sa Grindr. Lahat, sinungaling. This may not be his last lie tonight and I'm completely aware of that.

Inayos ko ang tindig ko at hinuli ang tingin niya. I let my eyes do the work since we were both masked. How unfortunate. When I'm writing, I usually overemphasise a character's facial expressions. Everyone's a good liar, but not all of us can hide our true intentions—which are manifested through our gestures. How much of his truth is present tonight? "Sabi ko naman sa'yo, boring ako. Hindi ako pala-salita. Pero nakikinig ako."

"Ako rin naman, tahimik lang din. Hindi ako lumalabas ng bahay, although, namamasyal kasama 'yong dalawa kong kaibigan."

"Sino sa kanila 'yong jowa mo?"

Natawa siya sa sinabi ko kaya sumingkit ang mga mata niya. Nakiliti ang dibdib ko. "Babae sila pareho. Wala kang dapat alalahanin. At kung may jowa ako, nasa-lockscreen ko na ang picture niya." Pinakita niya phone niya na may default wallpaper. Convincing.

"Ginawa mo na ito dati sa lugar na 'to?" Paglihis ko ng usapan. "Alam na alam mo kasi 'yong clubhouse at pwesto ng court kahit madilim e."

"Dito talaga kami tumatambay ng mga kaibigan ko. Doon kasi sa court na isa, maraming basketbolista. Mayayabang lahat." sabi niya na sinang-ayunan ko naman. Maybe that was his first truth tonight. "Hindi man ako nakikipag-meet talaga. Tulad mo, first time ko din dito. Pero me'ron na akong experience sa ex ko dati. Baka ikaw ang may jowa ngayon? College ka na e."

Pinakita ko sa kanya ang lockscreen ko na si Kim Mingyu ng KPop group na Seventeen ang naka-display. "Ito jowa ko, Koryano, 'di niya nga lang alam." Natawa siya sa akin at kinuha kong oportunidad 'yon para mas lumapit lumapit ako sa kanya. Magkadikit ang mga tuhod namin. Nag-aalangan akong tumitig sa mukha niya. Ipinatong niya naman ang kaliwang kamay niya sa binti ko. Tinuwid ko ang postura para maramdaman niyang hindi ako nabagabag. "Hindi pa yata ako ready sa commitment e. Pero kung ikaw, hindi ako aatras."

Tinitigan niya ako sa mata. "Ginamit mo na ring pick up line sa iba 'yan, ano?"

Ako naman ang humagikgik. "Hindi, sa'yo lang. 'Di ba ang nakasulat sa bio ko, 'pass sa fun'? Ikaw lang 'yong exception sa golden rule ko."

Yumuko siya. "Hindi ko alam e."

"So hindi ka nagbabasa ng bio?" Red flag number 1. Ang ayoko sa lahat e hindi nagbabasa. Reading is one of the most crucial skills we learn in schools. Isang linya lang ang nakasulat sa bio ko. Basically, I wouldn't trust a person who doesn't read. I suddenly wondered if BBM supporter ba siya. I would surely freak out!

Doon ako nabalik sa ulirat na dapat kong alalahanin ang purpose ko ngayong gabi. This is not about him or his personality or his hobbies. This is about every nook and cranny I may receive that could be helpful for me in the future lalo na kung gustohin ko mang pumasok nang tuluyan sa ganitong kultura. I have to observe and apply the things I've known, heard, and seen for years. Odd, but one of them is from the teaching pedagogy which advocates that we must be true to our objectives and never miss. Or else, maaapektuhan ang resultang gusto natin manyari.

Marami akong kaibigang bakla na active ang sex life. Mga notorious hookers sila at matibay pa kaysa tsinelas na Rambo ang kanilang personalidad. Sanay na sanay na sila sa takbo ng gay online datings. Kaya naman sa mga kwento nila ako nagkaroon ng ideya sa kung paano ako kikilos sa laro ng gay hook up culture. Kahit papaano, higit sa may kamalayan ako sa sistema. Alam ko ang consequences ng bawat mali at tamang ibubunga ng mga desisyong gagawin ko mula ngayon.

"Anong nagtulak sa'yo para sumipot?" Marahan niyang hinimas ang binti ko kahit may short akong suot. Magaan ang kamay niya at hindi ko itatangging gusto iyon. "Sabi mo sa chat, marami kang gagawin."

"Tinapos ko agad lahat, kasi nga ikaw ang priority ko."

Malapad ang ngiti niya. Genuine—or at least, it appeared to be.

"Nagka-jowa ka na before?" tanong ni 364 boy. He's playing Mr. Interviewer. Boy Abunda's impact.

"Yes," pagsisinungaling ko. Pero ang totoo niyan, flings lang talaga ang kinakaya ng powers ko dati. Ironic since all of them are girls.

"So, sexually active ka?"

Umiling ako. "Hanggang halikan lang."

Inayos niya ang upo at direktang humarap sa akin. "Kung ako 'yan 'di kita gaganyanin." Typical joke these days. Nagulat ako dahil umakyat ang kamay niya para himasin ang ulo ko kaya medyo napaatras ako. "Deserve mong mapaligaya sa paraan na tayo lang ang may alam. Ako ang bahala."

Oh gosh, he's fucking good at this.

364 FeetWhere stories live. Discover now