Groundwork

131 22 10
                                    

Malamig ang hangin sa labas. Walang ulap kaya tanaw na tanaw ang mga bituin sa langit. May mga tao pa rin sa labas. 11:05 PM na. Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko pero para akong sinapian at lumakad nang prente. Walang pumansin sa akin gaya ng inaasahan ko. Pero taliwas sa nakasanayan, I chose the road less traveled by.

Every single moment of this is martian to me. I shoo away from the crowd. Lalabas lang ako ng bahay kapag kailangang bumili ng school supplies. Mamamasyal lang sa court kapag buryong-buryo na ako sa online class at gustong ipahinga ang mata. This was strange. It felt so good to go out of your nest. Mali, pero masarap. Maybe this was what I needed all along. Sa nakalipas na mga taon ng pandemya, nilimitahan nito ang mga pagkakataong makakilala tayo ng ibang tao. Ng mga estranghero. A writer friend, Rochelle, even advised me to go out and meet new people. Tumulong sa charity. Makipagkaibigan. Nagbibigay kasi ito ng bagong perspektibo.

Madilim ang kalyeng pinili ko papunta sa court. Maraming aso ang nagtatahulan. Ang ibang kabahayan e nakapatay na ang ilaw. May ilang mga lalaking nag-iinuman sa isang bahay malapit sa clubhouse. Mas lalong nagkarera ang tibok ng puso ko.

Paulit-ulit kong tinignan ang cellphone para i-check kung nag-message ba siya. I don't even know his name. Paano kung tama ako na isa pala siyang holdaper? Na may balak siyang hiwain ang tagiliran ko para kunin ang internal organs? I've watched too many Koreans Dramas lately. Nang ilang metro na lang ang layo ko sa court, huminto ako sa tapat ng abandonadong bahay. Pinagmasdan ang paligid. Dalawang asong nagtatalik. Halakhakan ng mga lasing hindi malayo sa pwesto ko. Isang street vendor na nagwawalis sa tapat ng tindahan niya.

Then a silhouette of a young man lurked towards me. He's around 5'7. Payat gaya sa picture na pinakita niya. Mas mukhang may laman ako kaysa sa kaniya. He wore an oversized orange shirt and a black shorts. Wavy ang buhok at matikas ang tindig. Instant panic ako sa sinuot ko. Mukha ba akong dienste? I wore a Calvin black shirt paired with a black shorts. I am not sure if this was enough. Not sure if I was enough.

Kaya naglakad ako palayo sa puwesto ko nang hindi siya nililingon. Lumagpas ako sa clubhouse. Lumagpas ako sa mga nag-iinuman. Sa ring ng court. Basically, I was fast-walking trying to get out of the web I voluntarily stepped on. He was probably thinking what the fuck is wrong with me. I couldn't blame him for that. I am normally a socially awkward bitch. Sa chat lang malakas ang loob ko. So I messaged my friends telling where I am, what the hell is going on, and what I was wearing if ever I failed to come back home.

Halos kalahati na namin ang court nang mapansin kong ilang dipa na lang ang pagitan namin sa isa't isa. Tinago ko sa bulsa ang cellphone at hinarap siya.

"Ang bilis mong maglakad," sabi niya. Matigas ang boses niya tulad ng inaasahan ko. Hindi pilit ang lalim.

"Ang dami kasing tao." Lumingon-lingon ako sa paligid.

"Doon muna tayo sa bench."

Walang ilaw sa court. Madilim at maraming pusa ang nagkalat. Umihip ang hangin na nagpanginig sa kalamnan ko. I should've wore a sweater instead. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

"Sabi mo mataba ka," halos patanong niyang sabi. Ngumiti lang ako. "Hindi ka naman pangit gaya ng sinabi mo."

"Expect the worst dapat," bulong ko pero sapat para marinig niya.

"Mas cute ka sa personal. Gusto ko 'yong mga mata mo."

Paano ba tumanggap ng compliment? Would a simple thanks be enough? Sabihin ko bang 'alam kong cute ako'? That would throw him off. Sakto. 'Yon naman talaga ang gusto ko. Ang hindi matuloy ang dapat naming gawin. But a huge part of me wants to be the perfect man for him tonight. He's a challenge I'm willing to take.

And that breathed a life to the inner cryptic inside of me. He's the prize I would cheat to win. I'd do everything so he will be head over hills. Para hanap-hanapin niya ako, may mangyari man ngayong gabi o wala. John Dewey's theory of Learning by Doing. I'd seize every moment of this event so that I can learn. And maybe this is the perfect time to apply what I've acquired from the movies I've watched, stories I consumed, or the images that go through my mind as a writer.

364 FeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon