"Thanks! same to you, i'm happy na nakahanap ka ng lalakeng gwapo at super hot na si Blake Monterelaos. Napaka swerte mo Viola! pareho kayong hinahangaan ng maraming tao sa buong mundo dahil sa talento niyong kumanta. Finally nakaligtas kana sa lahat ng obstacles that happens to you! your so lucky Viola."Nagiging madrama naman sya ngayon, natutuwa akong makita syang ganito pabago-bago ang mood hindi lang siguro dahil buntis sya kundi ugali na rin nya ang ganito...moody.

"I'm happy for you and Hae Jin oppa!...just be good to him para sa anak niyo."Advice ko sa kanya.

Suminghot-singhot lang ang gaga.

Marami pa syang naikukwento kung paano nangyare ang one night stand nila ni Hae Jin oppa. Nakakatawa ang moments nilang dalawa. Dalawang oras ako nag stay sa bahay ni Marife at nagpasya na akong umalis dahil may isang tao pa akong gustong dalawin.

...^

"WALA na ba syang matandaan or nakikilala?"Tanong ko sa babaeng katabi ko.

"Honestly! wala na talaga hija. Tuluyan na syang nabaliw at kung ano-anong pinagsasabi na hindi namin maintindihan."Sagot niya.

Tinuon ko ng tingin ang babaeng nakaupo sa isang silya at may hawak syang manika. Kinakausap nya ito na para bang napaka importanteng bagay sa buhay niya.

Ito ba ang nagagawa ng sobrang pag-ibig? nakakabaliw nga naman kasi ang ma inlove ng lubos. Meena is one of those people who's gone insane because of love.

Nakakalungkot lang isipin na naging miserable na ang buhay ni Meena! tuluyan na syang nabaliw kaya dinala sya sa Mental hospital na pagmamay-ari ni Blake.

Umalis din agad ako sa lugar na iyon dahil hindi ko kayang makita ang kinahinatnan ni Meena! sasakay na ako sa kotse ng tumunog ang phone ko.

I answered."Yes hello?"Usal ko.

"Right behind you!"Napatili ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko.Hinarap ko sya at ang gulat sa mukha ko ay napalitan ng malapad na ngiti when i saw the man standing in front of me."Surprised!"

"Oh my gosh! Jomar is that you?"Di alintanang tugon ko. Jomar is looking so manly even more at ang gwapo niya lalo.

My bestfriend.

"Yup! ako nga. Wow! look at you Viola, you look so expensive na."Tugon nya na nagpalapad ng ngiti ko.

Pabiro ko syang tinampal sa braso."Sira! ginawa mo na akong gamit na nagmahal".Pabebe ko.

"Bakit? hindi ka nga ba nagmahal?"Nanunuksong tugon nya.

"Syempre sobrang akong nagmahal."Pag-amin ko."eh ikaw, bakit ngayon ka lang nagpakita? hindi ka man lang sumipot sa kasal ko. Ang daya mo."Atungal ko nang hilain nya ako para yakapin.

Tinugon ko ang yakap nya dahil namis ko talaga ang taong ito! mukang mas lalo pa syang tumangkad.

"I'm sorry! babawi ako next time."Saad niya.

Tiningala ko sya."Uy ano ka! hindi na ako magpapakasal ulit, Blake is the only man i want in my life at wala nang iba."Proudly kong saad.

Humiwalay sya sa yakapan namin saka dumukwang para magpantay ang mukha namin, nakangiti niyang pinisil ang long nose ko."I knew you would say that. Anyway halika magkape muna tayo, marami pa tayong pag-uusapan."Hinawakan nya ako sa kamay saka hinila papasok sa kanyang kotse.

"Oo nga pala! kumusta na kayo ni Gina?"Habol kong sambit ng maalala ko ang tungkol sa ginawa ng bespren kong ito kay Gina.

Nakangiti syang lumingon sa akin while starting the engine."I'll tell you when we get there!"Sambit nya.

(R18)FIGHT FOR YOU- (BLAKE MONTERELAOS) Where stories live. Discover now