CHAPTER 26

25.6K 720 18
                                    

KANINA ko pa napapansin na ibang direction na itong dinadaanan ng driver kaya nagtaka na ako.

"Manong Driver, hindi po dito ang daan papuntang BOS band studio. Naliligaw po yata tayo."Natatarantang saad ko sa taxi driver.

Hindi siya sumagot nor umimik man lang kaya bigla akong kinabahan. Napatingin ako sa mga punong nadadaanan namin at sa mga lumang bahay kanina pagpasok namin sa isang gate na luma.

"Manong driver, ang sabi ko..."Naputol ang sasabihin ko nang bigla huminto ang kotse.

Lumabas ang lalake at nagtungo sa gawi ko upang ipagbukas ako ng pinto.

Alinlangan akong lumabas at napatingala ako sa lalake.

Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko nang mapagtanto kung sino siya.

"Kiero? Kiero Monterelaos?!"Hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya.

Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi niya pero bagay na bagay sa kanya na mas nagpapagwapo sa kanya.

"So hindi mo talaga ako makilala kanina?!"He asked sabay kamot sa batok.

Tinampal ko siya sa matigas na braso."Sira ka pala e, paano kita makikilala sa ganyang porma? nagmuka kang killer sa isang pelikula dahil sa suot mo."Nakangiting saad ko.

I really didn't recognize him dahil sa hitsura niya. He's wearing a black cap, nakatakip ang bibig at ilong gamit ang isang maitim na maskara na pang kpop ang style.

He's wearing a black leather jacket at pati jeans niyang may pagka fitted ay itim din ang kulay, even his boots.

Pero para siyang hot killer sa isang pelikula...ang gwapo niya parin.

"Sorry for that, napag utusan lang ako ng hari. Anyway let's go, hinihintay tayo ng hari mo."Hinawakan niya ako sa palad habang hila-hila patungo sa isang pamilyar na daan.

Nagpatianod nalang ako sa hila niya but somehow it felt awkward dahil para kaming magka holding hands na couple sa klase ng paghawak niya sa palad ko.

It's weird!...

Nilaan ko nalang ang attention sa kabuuan ng lugar. My eyes widen ng marealize kung nasaan kami ng pumasok kami sa isang luma at malaking gate.

Delabyo High School?...this is...

Napansin kong walang tao, siguro ay dahil summer ngayon kaya nagbakasyon ang mga estudyante.

But what are we doing here? and who's Hari?

Akala ko dederetcho kami sa entrance door going through inside but i was wrong. Lumiko kami sa isang pamilyar na daan.

"Kiero, anong ginagawa natin dito?!"Pukaw ko sa gitna ng aming paglalakad.

"You'll know it when we get there!"Walang lingon-lingon na sagot niya."Here we go!"

Huminto kami  sa harap ng Pomegranate tree. Ito yong pomegranate na madalas konga akyatin noon para manguha ng pomegranate.

Nanlaki ang mata ko nang may lumitaw mula sa likod ng pomegranate.

"Hey,cutifat!"Si Dylan.

Gusto kung matawa sa hitsura niya. Nakapasok ang katawan niya sa isang malaking pomegranate costume, ulo lang nito ang makikita at ang paa niya.

Nagulat pa ako nang biglang may lumitaw na letra sa tyan non.

Viola Palminteri!...

Nakasulat don ang pangalan ko. At napaigtad ako ng may isapang lumitaw mula sa isang makapal na damo.

(R18)FIGHT FOR YOU- (BLAKE MONTERELAOS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon