CHAPTER 1

37.4K 982 6
                                    

"YES Mom! I'm already here. Medyo may kalakihan ang bahay at maganda ang pagka disenyo sa pader, i like this one Mom. Sige Mom may gagawin pa ako, i'll call you later and tell Dad i'm doing fine. Okay bye Mom."Pinatay ko na ang tawag saka inihagis ang phone ko sa bed.

Binaba ko ang maleta sa sahig saka tinungo ang bintana na natatakpan ng makapal na kurtina.

I open the sliding window at langhap ko ang napaka sarap na simoy ng hangin, maaga akong nakarating sa bansa from Korea.

Dito na ako titira sa bagong bahay na pinagawa daw ni Mom last year.

Napansin ko na may mga kabahayan din sa paligid at kasing laki lang din nitong bahay ko.

Napatitig ako sa bahay na katapat ng bahay ko. Konti lang ang pagitan nito, nakita kong naka bukas ang bintana sa isang silid na katapat din ng silid ko pero madilim sa loob nito.

Bumaba ako para sana gumawa ng pang umagahan pero wala pa palang laman ang ref ko.

Napansin ko naman na malinis ang buong bahay kaya hindi na ako nag aksaya pang maglinis.

Ilang minuto pa dumating ang mga bagahe ko, tinulungan ko mag buhat ang apat na lalakeng kumarga sa mga bagahe ko hanggang sa natapos din at pinaalis ko na sila.

Inayos ko lahat ng gamit ko saka pinanlagay sa mga dapat nitong kalagyan.

Dalawang oras ko na yata iyon ginawa dahil inayos ko talaga para hindi ako mahirapan hanapin ang mga kakailanganin ko.

Puro naman mga libro about music,at cooking ang mga yon. Pati mga albums ko inayos ko din.

Naligo ako at nagbihis saka lumabas ng bahay sakay ng red tinted ferrari car ko at pinaharurot iyon patungo sa Super Market.

Nagsuot ako nang black sunglasses saka white jacket na may hood. Ilang minuto pa nabili ko na rin ang mga kailangan ko at akmang itutulak ko ang cart nang may bumangga don.

What the heck!

Mura ko sa isip ko nang makita ko na halos kalahati ng eggs na binili ko basag at durog.

Pati iba kong pinamili natapunan nang nagkalat na basaging itlog. Naiinis kong tiningnan ang taong may kagagawan nun.

"Whooopss! Sorry, hindi kita nakita. Nagmamadali kasi ako kaya hindi ko napansin ang dinadaanan ko. Pasensya na miss."Natatarantang paghingi ng paumanhin ng lalakeng kaharap ng cart ko at doon sya nakatitig.

He's wearing black sunglasses just like mine and he's wearing grey jacket with hood. Black denim jeans.

Titig na titig ako sa kanya pero hindi sya makatingin ng deretso sa akin na para bang itinatago nya ang mukha niya.

Halata sa shape ng mukha nya na gwapo siya and he looks so familiar to me.

"Watch yourself! You should be more careful next time."Pinilig ko ang cart papaliko saka tinalikuran sya.

Baka nga hindi lang nya ako nakita kanina.

So i forgive him for that! muka naman syang seryoso kanina.

"Blake! You bastard, bakit mo ako iniwanan don?"

Blake?

Nilingon ko sya at may kasama siyang lalake na naka suot din ng sun glasses at may bitbit na basket na naglalaman ng apple's.

I knew this guy...could it be?

"Jaden! We need to go, NOW. Wala na tayong oras. Let's go."Usal naman nung Blake.

(R18)FIGHT FOR YOU- (BLAKE MONTERELAOS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon