CHAPTER 10

28.2K 804 3
                                    

ILANG MINUTO na yata ang nakalipas at feeling ko walang katapusan itong dinadaanan namin ni Blake.

Hawak parin nya ang pulsuhan ko at wala na talaga akong maaninag nang huminto sya at may dinukot sa bulsa nya. Selpon nya at binuksan ang torch ng selpon nya saka nagpatuloy sa paglalakad.

"B-blake! saan mo ba talaga ako dadalhin ah? anong binabalak mo sa akin?"Kinakabahang tanong ko at huminto ulit sya sa akin.

Ini-angat nya ang phone saka inilawan ang mukha ko.

"Relax! wala akong masamang gagawin sayo, may ipapakita lang ako at siguradong magugustuhan mo."Gumaan ang loob ko sa sinabi nya.

Hindi naman talaga ako takot sa kung anong gawin nya sa akin. Pero kakaiba lang ang nararamdaman ko.

"Let's go!."

Naramdaman kong nangangantog na ang tuhod ko nang biglang madulas ang paa ko sanhi para madapa ako and my legs were spread.

Naalarma naman agad si Blake, natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasakay na ako sa matigas nyang likod.

"Hold me tight,chub! malapit na tayo."Walang gustong lumabas na words sa bibig ko at nanatili na lang itong nakasara.

Naamoy ko ang mabango nyang amoy sa leeg nya at ang buhok nya ang bango. Bigla akong inaantok pero pinilit kong wag antukin.

Parang kabisado nya ang daan dahil dere-deretso lang sya sa paglalakad. Dahil matangkad si Blake at malaking tao para akong lumulutang sa ere habang nasa likod nya ako.

Wala sa sariling hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya, i don't know why i do that pero ang alam ko lang napaka sarap sa pakiramdam na mabuhat ng ganito ni Blake.

Huminto sya at may pinihit na pinto gawa sa kahoy, pumasok sya at may inilawan sa pader.

He press the switch at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. The place is very wonderful, may maliit na bahay sa gitna na gawa sa isang kahoy.

May mga ilaw sa paligid kaya tanaw na tanaw ko ang napaka gandang lugar. Medyo mababa lang ang bakod na nakapalibot sa bahay, may garden din sa gilid ng bakod na sa tansya ko'y puro's mga gulay ang nakatanim don.

"Do you like it?"Napalingon ako kay Blake na nasa tabi ko lang, namalayan ko nalang na binaba na pala nya ako mula sa likod nya.

"Saan ba ang lugar na ito? parang tago naman nito pero ang ganda."Masiglang tugon ko.

"Nasa gitna tayo ng sakaan! walang ibang tao dito kundi tayong dalawa lang."Nanlaki ang ilong ko sa sinabi nya.

"Ha? eh sinong naka imbento ng ganitong idea na magpatayo ng bahay sa gitna ng sakaan?"Tanong ko na parang close na close kami.

Hinuli nya ang kamay ko saka hinila patungo sa bahay na nasa gitna.

Napaka ganda nito,may veranda sa labas nito at kulay ginto ang pintuan. May mga dalawang malaking vase na hugis apple ang naka tayo sa tagiliran ng pinto.

"Halika sa loob!"Pumasok kami at mukha ni Tom & Jerry ang bumunggad sa akin.

Ang pader nito ay puno ng larawan ni Tom at Jerry na naghahabulan. May kama na katamtaman ang laki at may kusina rin.

"Ginawa namin ito! kaming magpipinsan ang nakaisip nito, iyong  mga garden na nakita mo sa labas si Kiero ang nagtanim at nag bakod don. Iyong dalawang apple vase sa labas, si Jaden ang gumawa tatlong araw nyang pinag-aralang gawin yon. At yang mga picture nila Tom & Jerry sa wall, si Dylan ang may idea dyan. At ang mga nakikita mong kulay ginto ay si Jake ang may idea nyan."Nakangiting paliwanag nya habang nakapamulsa.

(R18)FIGHT FOR YOU- (BLAKE MONTERELAOS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon