Cupid's Granddaughter

871 15 3
                                    

PROLOGUE:

1958 - September - 27

Nakaupo ako sa paborito kong tambayan. Isa ito sa mga pinakatagong puno dito sa Star Park. Dito lang ako palagi pag gustong mag-isip, magpahangin, at magpahinga. Nandito lang din ako pag may problema. Nakakawala kasi ng pagod o problema pag napunta ka rito. 

Nagulat na lang ako nang bigla akong may narinig na parang umiiyak. Sa pagkakaalam ko ay ako lang mag-isa dito. 

Pero mukang may ibang nakaalam na din ng tambayan ko. 

Nung mga nakaraang araw kase may mga nakikita akong balat ng candy dito. tsk tsk. 

nakarinig na naman ako ng mga hikbi at parang alam ko na kung saan nanggagaling ang mga yon. 

tumayo ako at pumunta sa oppossite side ng puno, at dito ko nga nakita ang isang babaeng umiiyak. 

"Miss, may maitutulong ba ako sayo?"

napatingin naman agad sya sa akin pagkasabi ko non. 

"Ah. pasensya na kung ako'y nakaabala. Lingid sa kaalaman kong may ibang tao pa lang narito."

"wala kang dapat ikapagpasensya, ito oh." inabutan ko sya ng panyo at umupo ako sa tabi nya.

"salamat." ngumiti naman sya. di ko maitatangging maganda sya.

"ano bang problema?" tanong ko ulit sa babaeng katabi ko. 

"Di ko alam kung dapat ba akong magtiwala sayo kaya lang kailangan ko talaga ng makakausap. Pero bago yon, ano munang pangalan mo?"

"ako dapat ang nagtatanong sa iyo nyan, binibini pero sige. ako nga pala si Thomas." inabot ko naman ang kamay ko sa kanya. 

"Cecilia." sabi nya matapos abutin ang kamay ko at nakipagkamay. 

"sige na. nakikinig ako." tumahimik muna sya saglit at nagbuntong hininga bago sya nagsalita.

"ipapakasal ako ng mga magulang ko sa taong hindi ko naman mahal." nagsimula na ulit syang umiyak pagkasabi nya non. Hindi ko alam kung anong dapat ko sabihin sa kanya. kaya niyakap ko na lang sya. 

"naku, pasensya ka na, Thomas. wala lang talaga akong mapaglabasan ng sama ng loob."

"Sabi ko naman sayo, wala kang dapat ipagpasensya." 

"Sige kailangan ko na kasing umalis. hanggang sa muli." 

"hanggang sa muli." 

matapos nung pangyayari na yun ay madalas na kaming nagkikita. Masyado na rin kaming naging komportable sa isa't isa at unti unti na ring nahulog ang loob ko sa kanya. Alam kong ganoon rin naman sya sa akin. 

Nalaman ko rin na sandali na lang ay lilipad na sila papuntang Amerika at dun na maninirahan kasama ng pamilya nya at ng magiging asawa nya. 

Hindi namin maitatago ang lungkot na nararamdaman namin lalo na't alam namin na panandalian lang ang lahat ng mayroon kami. Di ko maitatanggi na sobra ang pagmamahal ko sa kanya at alam ko sa sarili ko na sya lang, si Cecilia ang babaeng mamahalin ko ng ganto at wala nang iba pa.

Siguro'y sa hinaharap ay magmamahal muli ako't magpapakasal ngunit wala nang mas hihigit pa sa nararamdaman ko sa kanya. 

Ang mga panahong kasama ko sya, yun ang mga panahong pinaka- hindi ko pagsisisihan sa buong buhay ko. 

Ilang oras bago sya umalis ay naganap ang huli naming pagkikita. (Sept. 27, 1959)

Nung una'y wala munang nagsasalita sa amin at parehas lang kaming  nakaupo sa may paanan ng puno.

"ano bang dapat nating gawin?" Si Cecilia na ang pumatay sa katahimikan. 

"wala." alam kong napatingin sya sakin pero ako diretso pa din ang tingin sa kawalan. "kasi kahit ano man ang gawin natin, wala na rin naman tayong magagawa." 

alam ko ang sasabihin niyo. na dapat ipaglaban namin. sinubukan na rin namin yon pero wala pa rin kaming nagawa. Ilang buwan bago ang pagkikita namin na ito'y pinutol ang lahat ng pwedeng maging dahilan ng aming pag-uusap. 

alam kong una pa lang ay wala na akong magagawa dahil di pa man ako dumarating sa buhay niya'y planado na talaga ang lahat. 

"a-alam ko." napatingin na ako sa kanya dahil halata na sa boses nya na malapit na syang umiyak. niyakap ko sya ng mga ilang segundo at matapos yun ay hinawakan ko ang dalawa nyang kamay. 

"Gusto ko bago tayo tuluyang magkalayo mangako tayo sa isa't isa na kahit kailan wala nang hihigit pa sa pagmamahalan na mayroon tayo. na kahit di tayo ang magkatuluyan, pipilitin nating buhayin ang mga nararamdaman natin sa isa't isa." nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko. "naiintindihan mo ko diba?"

dahan dahan syang tumango "pangako ko sayo yan, Thomas, pangako." 

siguro nga ito ang nararapat. alam kong kahit papano'y hindi masasayang ang pagmamahal na inalay namin sa isa't isa. 

nilabas ko ang isang maliit na kahon na may lamang dalawang kwintas. ang isa'y maliit na locket at ang isa nama'y susi na tanging makakapagbukas sa locket.

"anong gagawin natin dito?" tanong nya sakin nang maibigay ko na sa kanya ang kahon.

"gusto kong isulat natin dito ang pangako natin sa isa't isa. sabi ko naman sayo, bubuhayin natin ang pagmamahalan natin."

"ha?"

nagsimula na akong magsulat "kukunin ko ang isa at para sayo naman ang isa. ibibigay natin ito sa mga susunod na henerasyon ng ating pamilya. Kung hindi man tayo, sisiguraduhin naman natin na balang araw ang pagmamahal natin sa isa't isa'y di masasayang kasi may dalawang tao na magagawang ipaglaban ito. At sigurado akong mapapagtagumapayan nila ito." nakatingin lang sya sakin habang sinasabi ko yun. tinignan ko na rin sya. "ibibigay ko ang sakin sa anak kong babae at ang sa iyo nama'y sa anak mong lalaki."

"ngunit paano kung sila'y di magkatagpo?"

"kung saka-sakali mang ganoon ang mangyari, kailangan ulit nila iyong ipasa sa anak nila. Cecilia, balang araw mangyayari din ito. Magkikita sila mahal ko."

ngumiti sya sakin. hinding hindi ko makakalimutan ang mga ngiting iyon. mga ngiti na kahit ilang beses ko nang nakita'y lagi paring pinapabilis ang tibok ng puso ko "tutuparin ko ang pangako ko sayo." 

"mahal na mahal kita Cecilia, higit pa sa buhay ko"

"mahal na mahal rin kita Thomas, magpakailanman."

Niyakap na namin ang isa't isa sa huling pagkakataon. Parang ayaw ko na nga syang bitawan, pero kailangan. 

matapos non ay ipinikit ko na ang mga mata ko. Hindi ko kayang makita sya na lumalakad palayo sakin. 

tama naman siguro ang naging desisyon namin. 

Tunay at Wagas na Pagmamahalan, hindi naman siguro iyon masamang ipamana sa mga apo namin, hindi ba? 

=============================================================================

*this story is completely FICTIONAL.

Any resemblance of names,

place and events to any person

are extremely coincidental.*

====

Yay! napost din. haha. ang tagal na nitong nakatambak sa My Works ko. :)) Thanks for reading. :D 

 ALL RIGHTS RESERVED. 

Cupid's GranddaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon