BESTFRIEND

63 4 0
                                    

Ilang Araw, Linggo kong binantayan sa Hospital si Kath hindi ko siya iniwan. Ngayon na sasaksihan ko talaga kung paano siya pahina ng pahina.. Ayoko mang tignan pero natatakot ako sa ano mangyari. Naawa ako sa kanya ng sobra bakit kailangan pang mangyari sa kanya ang lahat ng ito? Bata pa siya, merong pangarap pero bakit kailangan mangyari sa kanya ito?

"Be-bs paabot namang ng tubig" sabi niya ng nauutal.." Mabilis kong inabot ang tubig at tinulungan siyang painumin. Sinabi niya na lumabas muna kami kaya tinulungan ko siyang sumakay sa Wheelchair at tinulak palabas ng Hospital at nagpapahangin doon..

"Alam mo bebs nararamdaman kong malapit na ko" napatawa siya ng bahagya habang nakatingin siya sa malayo at ako naman ay nasa likod niya na tinitignan siya.

"Bebs wag kang ganyan, di kaya magandang biro yan" sabi ko sa kanya.

"Sinasabi ko lang bebs nararamdaman ko, pwedeng kapag nakita mo ang mama ko, ibigay mo din ang isang notebook diyan sa Drawer sa kwarto ko.. " ngumiti siya. Tumango naman ako. "Bebs, salamat sa pag aalaga mo sa akin ah.. Naging totoo ka sakin at hindi mo ko pinabayaan. Mahal na mahal kita ang BESTFRIEND KO ingatan mo lagi ang sarili mo wag ka magpapabaya kailangan lagi kang Happy para di ako ma sad. Pakisabi din kay tita pasensya na ah, at miss na miss ko na kamo siya pati mga masasarap niyang luto." Mahina siyang napatawa "Kay Mama naman sabihin mo Mahal na Mahal ko siya salamat dahil kahit hindi niya ko tanggap binuhay pa din niya ko.. Kay Kyle naman pakisabi ingatan ka niya, kundi mumultuhin ko siya" patuloy tuloy siya sa kanyang habilin. Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako "Kay Xander din bebs. Sobra ko siyang mahal. Pakisabi sa kanya na basahin niya ang mga sulat ko may importante akong sinulat dun.. " Tumingin ulit siya sa malayo at dahang dahang pumikit.. Umiyak ako ng umiyak. Nakita king dahan dahan na lumuwag ang pagkahawak sakin ni Kath. Lalo akong napahikbi at sinisigaw ko ang pangalan niya. Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Para akong sinasaksak sa puso sa sobrang sakit.. Bakit po hinayaan niyo itong mangyari. Please wag pong ganito ibalik niyo po siya sa amin.. Nakikiusap ako parang awa niyo na.

-----------
Short UD, awwww babye Kath 💔 T__T

BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon